Chapter 10

1K 58 8
                                    

A/N

An update before we start an exhausting week :)





Chapter Ten




Tahimik lang akong nakaupo dito sa aking kinauupuan sa aming room habang naka-pangalumbaba. Kanina ko pa ginugurihan ng aking ballpen itong likod ng aking yellow pad dahil sa sobrang pagka-bored na nararamdaman sa nagre-report ngayon sa unahan.

Sino ba kasi ang nagre-report na binabasa lang 'yung nasa presentation nila? I can also read, if hindi nila alam.

"---considered as a historical process of fast growing..." Napabuntong-hininga ako habang pinakinggan ang tunog ng boses ng nagre-report na mas monotonous pa sa alarm clock ko. Ano bang pumasok sa isip nila at ganito 'yung way nila kung paano mag report?

Nakita ko naman ang panggagaya sa akin ni Linus at Keith habang ako ang nasa gitna habang bored na pinapanood ang nagre-report sa unahan. Nasa unahan pa naman kaming tatlo at nasa gitna talaga kaya napalunok ang nandoon sa unahan nung makita kami bago ibalik ang tingin sa presentation.

Ang colorful pa naman ng powerpoint nila halatang pinaghandaan, 'yung explanation ang hinahanap ko. Shuta, self study na naman ang peg ko nito before midterms.

"Let's go, Ian! Keep the energy coming!" Biglang pumalakpak ang professor namin sa likod, making me flinched at her sudden burst of enthusiasm pero alam kong sarcastic iyon dahil napapairap pa siya habang papunta sa harap ng classroom.

Napaayos kaming tatlo ng upo at tinanggal ang kamay na nakalagay sa ilalim ng baba kanina. Miss Gomez sighs as she frustratingly combed her hair backwards. "You people." pinagmasdan niya ang ang group of reporters ngayon, " ...should've told me that you're not ready instead of proceeding in your report which your classmates , for sure, don't receive any learning. For goddamn sake, you need to do better than reading those slides."

Miss Gomez face is full of disappointment at napapailing pa ito habang tinitingnan ang mga reporting. They held their heads down in shame dahil sa sinabi ng professor sa kanila.

"I gave you two weeks for this, people, because last time you told me sabay sabay 'yung report niyo from other courses. Two weeks is long, if I may add." She sighs, exasperatedly. "I'm trying not to be too strict with you because I know you also have my two terror-professor friends as your professors but this is too much."

Sa kalagitnaan ng pagsasalita nito ay biglang may kumatok sa pinto ng aming classroom, making the room with a thick tension earlier lightened with atmosphere.

Bumukas ang pinto when the person near the door opened it at niluwa ang isang lalaki... bading? Based on his looks and makeup, he's gay. Mas maganda pa siya sa akin, sa totoo lang.

"Miss Gomez—"

"I received the text from the Dean, Caden. I'm about to let them out after my words of wisdom. Panira ka din e."

The guys named Caden chuckled while scratching the back of his head, "Ay hehe. Pakibilisan daw po sabi ni Miss Costales, she hates wai—"

"She hates waiting, I know. Sinasadya ko. Now, leave." Masungit nitong saad bago ibalik ang tingin sa aming lahat. Sinarado naman muli ni Caden ang pinto nang matapos ang kanilang pag uusap ng professor na ngayon ay wala na sa mood.

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now