Medyo maaga pa kaya naisipan kong pumunta sa basketball court nakong saan nagpapractice ang mga kaibigan ko. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang ingay ng mga tao sa loob. Mga nagsisigawan at tilian.
Now that i think about it. Never pa akong nakapunta sa practice at official game nila dahil sa pagkaabala ko sa volleyball.
Bahagya akong natawa sa naisip.
At dahil nakabukas ang pintuan ng gym kaagad kong nakita ang mga nangyayari sa loob.
Medyo naguluhan kong bakit ang daming tao samatalang practice lang naman ito at hindi pa official.
Umupo ako sa upuang malapit saakin at tumingin sa mga naglalaro, hinahanap ang mga kaibigan. Kaagad ko naman silang nakita. Naglalaro si josh at mello at nakaupo naman sa bench is zach at kael at ang ibang kateam nila, kinakausap ng manager.
Muli kong ibinalik ang paningin sa court at pinanood ang laro. Isa itong friendly game at pang fourth quarter na nila.
Medyo namamangha dahil sa dami ng estudyanteng nandito at chinicheer ang mga taong naglalaro, naririnig ko parin ang mga pangalan ng mga kaibigan ko.
Feeling proud.
"Mga malalanding nilalang."rinig kong wika ng taong kakaupo lang sa tabi ko. Napatingin ako sa tumabi saakin at kaagad napangisi ng mapansing si jenny ito.
"Bakit?"tanong ko at ibinalik ang tingin sa court.
"Tignan mo si sandy at tiffany, iyang magkapatid na iyan, malalandi iyan. May jowa na chinicheer parin si mello at josh."
"Tapos iyang omega na iyan, ayaw daw sa beta pero tignan mo, gumawa pa ng banner na I LOVE YOU ZACH. Ang landi diba? hindi ba niya alam na beta si zach?"natatawang sabi niya at hinampas ang balikat ko.
"Tapos iyang cheer leader na iyan.. iyang si Marrie."sabay turo niya sa mga nakauniform na babaeng nagchicheer sa gilid ng court. Hindi ko kilala ang tinutukoy niya kaya tumango tango nalang ako. "Isa rin iyang malandi. Markado na pero ang mata nakay kael."tila naiiritang sabi niya.
"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ko pa.
"Oo ang landi diba? Dapat iyong mga markado na hindi na lumalandi eh."tila mas naiiritang pagkumpirma pa niya. "Tignan mo iyong mata, makatitig oh!"
Tumaas ang kilay ko.
Narinig ko na ito dati, na kayang mag iwan ng marka ang mga alpha, minamarkahan ang omega nila para alam ng ibang alpha na sa kanya ito.
Naisuklay ko ang daliri sa buhok dahil sa naisip.
"Paano ba nagagawa ng isang alpha ang pagmamarka?"tanong ko kaya napatigil si jenny sa pagbanggit ng mga pangalang hindi ko kilala.
Napanguso ito, hanggang sa may sumilay na matamis na ngiti sa labi, sinabayan pa ito ng pamumula ng pisngi. Umamba siyang bubulong kaya inilapit ko ang tainga sa kanya.
"Maraming paraan. Pero ang pinaka effective sa lahat ay ang pagkagat sa leeg while doing the deed.."mabagal na sabi niya. At dahil sobrang lapit ng bibig niya sa tainga ko nararamdaman ko ang mainit niyang hininga.
"Doing the deed?"pag uulit ko sa sinabi niya.
"Yes.. sex."mas sensual na pagpapatuloy niya at bahagyang kinagat ang dulo ng tainga ko. Kaagad akong napahawak sa tainga kong kinagatan niya. Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko dahil sa hiya.