"Hayst! Grabe!" I sighed, "Ang hirap naman kasi ng ginagawa ko!" bulalas ko.
"Huwag kang maarte, Shaun," Nagreklamo din ang amo ko kung gaano ako nagrereklamo, "Mas mahirap pa nga ang tunay mong trabaho na magpa-patay ka pa ng mga kriminal at iba pa."
Ang tanging ginagawa ko lang ay bitbit ang isang mabigat na bag na puno ng mga gamit ko.
"Ang bigat kasi nito," Inis kong inilibot ang aking mga mata, "mas mabuti pa sana 'pag 'di mabigat yung bitbit ko na gamit!"
Napabuntong-hininga na lang ang amo kong babae sa sobrang reklamo ko, hindi man lang niya kinaya ang ugali ko.
"O' sige! Heto nalang!" Binato ng amo kong si Airish ang gamit na bitbit n'ya, "Bibigyan kita ng trabaho na dapat mong gagawin!" sigaw n'ya.
Nabitawan ko ang mabigat na bag na matikas kong hawak, "Ano po 'yon?" nakangiti ako.
"Buhatin mo din ang bitbit ko na gamit, at bukas ko na sasabihin sa'yo!" sigaw sa'kin ni Airish.
Sa paglipas ng bukas, nasasabik akong malaman kung anong trabaho ang gagawin ko ngayon, kaya naman dumating ako sa kinaroroonan ni Airish ng alas siyete ng umaga kahit alam kong hindi pa s'ya gising.
Malakas akong kumatok sa pinto, hinihintay si Airish na buksan ang pinto.
Every mission she gave me had a great amount of reward. And by what I mean by great amount, many MONEY!
Gutom na gutom talaga ako para sa pera, kapag pinapapili ako kung sino pipiliin ko sa dalawang si Airish o pera. Pipiliin ko talaga yung pera. 'Bala na mamatay si Airish, ang mabuti lang may pera ako.
Sa isang huling malakas na katok, tuluyang nabuksan ni Airish ang pinto.
"Ano ka ba, babae?! 'Di mo ba alam na tulog pa'ko!" Halatang magulo ang buhok n'ya, mukhang kakagising n'ya lang at nakasuot pa s'ya ng pantulog n'yang damit.
Napangiti ako, "ano na ang ibibigay mong trabaho para sa'kin? Baka nakalimutan mo a?" Napakurap ako ng walang tigil.
Bumuntong-hininga si Airish at nilagay ang kamay sa noo n'ya, "Heto na nga. ." she inhaled, "Punta ka sa italy."
Nagulat ako sa biglaan n'yang utos na lumipat ako sa italy.
"Italy? 'Kala ko ba dito ko lang gagawin mga trabaho ko? Ba't biglang papapuntahin mo'ko sa italy?" Nagtataka ako kung bakit n'ya ako bibigyan ng ganoong trabaho, lumipat sa italy? Hindi salamat.
"How much is the rew—"
"10k." Pinutol n'ya 'ko.
"Ang mura naman masyado, taasan mo pa!" I crossed my hand and sighed, "Pa'no ko naman 'yan matatanggap? Masyadong mababa 'yong bibigay sa'kin na presyo."
Palagi n'yang alam na tatanggap ako ng presyong mas mataas sa 80k. Ngunit ito? Ba't n'ya ako bibigyan ng presyo na mas mababa sa 20k?
"I don't need to increase the price," Ngumisi s'ya, "mayroong pera doon sa pupuntahan mong lugar." she exclaimed.
"Magkano? Gaano karami ang makukuha kong pera doon?" Ngayon, nagtaka ako kung ga'no karaming pera ang makukuha ko sa Italy. At least ang bansang pupuntahan ko.
"Mas mataas pa sa iniisip mo."
Napataas naman ang kilay ko at napangiti. "Mas mataas pa sa isang milyon?"
"Malay mo, oo." Sagot n'ya.
Then, I went inside her house then naghanap ng salamin. Boogsh, may nahanap ako. Malapit sa pintuan n'ya.
". . 'Kala mo talaga sa bahay e'." Inilibot niya ang kanyang mga mata.
Tinignan ko muna ang maganda kong mukha sa salamin para tingnan kung ayos pa ba ang makeup ko, maayos naman ang mukha ko pero hindi na magkadikit ang lipstick at gloss sa labi ko.
Hinanap ko ang lipstick at lip gloss sa loob ng Saint Laurent bag ko, Una kong hinanap ang lipstick ko at inilapat ko ito sa aking labi, "Sino o ano ba ang pupuntahan ko?" Tanong ko habang tinatapos ko itong lagyan ng lipstick at pinapatuyo.
"Yago Vasquez," Sagot n'ya.
Hindi ko muna namalayan dahil mas nakatutok ako sa paglalagay ng lip gloss ko sa labi ko, pagkatapos kong i-apply iyon, ibinalik ko sa loob ng bag ko ang lipstick at lip gloss ko.
"Ano 'yon ulit? 'Di ko namalayan eh." Tapos, napatingin ako kay Airish.
"Uulitin ko pa ba? Kakasabi ko lang nga kasi kanina, puro ka make-up d'yan," Inis na inilibot niya ang kanyang mga mata, "Pff, 'kala mo naman kasi gaganda. . "
"Palibhasa ikaw nga kahit mag make-up, wala nagkakagusto sa'yo eh." sagot ko naman.
"Ay aba! Maldita!" Tapos natawa s'ya sa sinabi ko.
"Sino nga ba? 'Di ko nga kasi namalayan yung sinabi mo. Paki-ulit nalang, thanks." Inayos ko ang buhok ko.
"Yago Vasquez."
Napatingin ako kay Airish, sinusubukan kong kilalanin ang pangalan dahil pakiramdam ko parang kilala ko 'yun.
"Huh? Sino y—ANO?!" Sa wakas ay nakilala ko na ang pangalan.
"Ano naman magagawa ko do'n sa lalaki na 'yon? You've heard about him, Airish! He's a possessive and crazy f*cker. There's no way may magagawa ako sa kan'ya! You know that!" napasigaw ako ng malakas.
"Ayaw mo ng pera?" Sagot n'ya sa reklamo ko.
"G-gusto, pero ayoko pa mamatay! Ang aga pa masyado! Mas mabuti nalang namatay ako dahil sa old age!" Nahulog ako sa lapag, "And plus, papatayin naman din ako nun kaagad eh! Ba't mo pa ako bibigyan ng ganoong trabaho?"
"Try to seduce him," sagot ni Airish sa tanong ko, "kapag naigawa mo 'yun. Then likely, he'll give you anything you want. Lahat ng gusto mo."
Tapos, biglaan. Nananaginip ako tungkol sa akin kasama si Yago habang namimili kami ng mga mamahaling bagay na may kasamang mamahaling heels, bagong makeup, atbp! Pati si Yago hawak ang mga bag para sa akin na parang gentleman.
Ngunit, hindi ko pa ginugusto iyon tanggapin. Paano kung papatayin n'ya ako 'pag nakita n'ya ako?!
"Ano ba ang gagawin ko pagka-punta ko sa italy? Sa'n ba s'ya nakatira?" Tumayo ako at pinunasan ang damit ko gamit ang mga kamay ko para mahulog ang dumi na kumapit sa damit ko.
"Sasamahan kita pumunta doon sa italy, ngunit ihahatid lang kita kung sa'n lugar ang malapit sa bahay nila. At dun na'ko aalis at uuwi muli sa pilipinas." Wika n'ya sa tanong ko.
"How about me? Pa'no ako makakauwi?" Medyo pinagpawisan ako dahil sa nakakatakot n'yang mga sagot.
"Remember? Kailangan mo s'yang akitin. Imagine yourself shopping with him, buying everythin' you want." Itinaas n'ya ang kamay n'ya at binuksan iyon na para bang s'ya ang nag-iimagine sa halip na ako.
"Para ka namang t*nga d'yan."
Ibinaba n'ya ang kamay n'ya at inis na inilibot n'ya ang mga mata n'ya sa akin, "Nagsasabi lang 'yung tao, iinsultohin mo pa."
I chuckled, "Joke-joke lang 'yon. Sineseryoso mo naman e'."
Muling iginala ni Airish ang kanyang mga mata, "The job will start tomorrow. Nag-book na'ko nakaraan pa."
"Nakaraan pa? Alam mo na ba na mangyayari 'to?" tanong ko.
"Iba kasi dapat gagawa nito, pero 'di sila pumayag. Kaya't ikaw nalang yung inaya ko." Aniya.
"Luh, ewan ko sa'yo." Inis kong inilibot ang aking mga mata.
"At alas otso ng umaga, you should be at the airport. Saktong alas otso. 'Pag wala ka doon ng alas otso, lagot ka sa'kin." Sinamaan n'ya ako ng tingin.
". . Oo na, mga bente singko hanggang walo nanduun na'ko." I replied.
"At kwarto'y singko tayo lilipad ng eroplano." Sa wakas ay inayos n'ya ang kanyang buhok.
"I'll be careful after we go at the place I'm supposed to do my job on." Wika ko.
