Chapter 7

6 4 0
                                    

NAG-AARAL ako para sa darating na exam next week. Nag-announced kasi ang adviser namin kaninang hapon bago kami umuwi. Nasa kuwarto ako ngayon, dito ako nag-aaral para walang istorbo. Tig-iisa kasi kami ng kuwarto, pero dito nakikitulog 'yong dalawa kasi ayaw daw nila na mag-isa lang ako na natutulog sa kuwarto ko.

Pero ang totoo n'yan, sila ang ayaw na natutulog na mag-isa sa kuwarto. Nasanay na kasi silang palagi akong katabi lalo na't wala na dito si ate Roxy para magtrabaho.

Noong nasa bahay tuloyan kasi kami, kami-kaming apat lang ang nakahiga sa malaking kama. Inggit na inggit nga sa'min noon ang mga batang kasama namin sa isang kuwarto na puno ng tig-iisang kama, para kasi sa kanila, espesyal ka kapag nakahiga ka sa isang malaking kama.

May gulo ring nangyayari sa bahay tuloyan. Syempre sangkot doon si Ruby, iyan pa ba? E halos lahat yata ng mga bata sa bahay amponan ay kaaway n'yan, maliban nga lang sa'min.

Naalala ko tuloy iyong mga ginawa niya sa mga umaaway sa'min. Pinagsusuntok niya ang mga 'yon, lalong-lalo na ang nga lalaking pasaway. Kaya palagi rin siyang napapagalitan ni Mother Wendy, sinusuway naman namin siya para maiwasan ang pagpapatawag sa kan'ya ni Mother Wendy. Pinapadasal kasi siya ng isang oras o dalawa para humingi ng tawad sa mga ginawa niyang kasalanan, pero maya-maya na naman n'yan o sa makalawa ay may kaaway na naman siya.

Pero nagpapasalamat naman kami kasi, palagi niya kaming pinagtatanggol kahit palagi kaming pinagsasabihan ni ate Roxy noon na huwag ng maghiganti o patulan pa ang mga taong umaaway sa'yo. Sinusuway niya iyon at sinasabi niya pala na hindi raw puwedeng inaapi na lang kami palagi, na dapat lang daw na matuto sila.

Kong hindi kayo lalaban, ako na lang!

Iyon ang isa sa mga natatandaan kong linyahan niya noong mga bata pa kami. Parang main character ang atake kong makapag sabi siya ng ganoon kapag may umaaway sa'min.

Si Marcy naman ay mahiyain na bata noon, pero ang ngiti niya kapag kasama kami ay abot langit. Palagi niyang hinahawakan ang kamay ko kapag maglalakad-lakad kami sa bakuran ng bahay tuloyan. Siya rin 'yong pinakamalambot ang puso sa aming magkakapatid. Pusong mamon at palaging na tanong.

Kahit hanggang ngayon ay gan'yan pa rin naman siya. Pero hindi naman na masyadong mahiyain si Marcy ngayon, may mga kaugaliang nagbago rin sa kaniya.

Si ate Roxy? Siya ang pinaka matanda sa'min at siya ang itinuturing magulang namin. Siya rin ang dahilan kong bakit nakaalis kami sa bahay tuloyan, nagsipag siyang magtrabaho kahit pinapaaral niya mismo ang kaniyang sarili. Pagraduate na siya noon ng magsimula kaming mag-aral sa high school. May mga scholarship din kami kaya nagpupursige akong mag-aral. Siya rin ang nagtuturo sa'min ng mga pinag-aralan niya na noon, ini-advance lesson niya kami lalo na kapag bakasyon. Kaya nakakamiss balikan ang mga 'yon kasi nandito pa siya.

Busy siya sa trabaho niya ngayon. Hindi ko rin alam ang schedule niya sa trabaho. Gusto ko sana siyang bisitahin kasama itong sila Marcy at Ruby. Ang huling usapan namin ay sinabi niyang nagta-trabaho siya sa isang mayaman na kompanya. Wala siyang sinabi na pangalan ng kompanya kaya hindi na ako nag-tanong pa.

“Nakakapagod na mag-aral...” bulong ko, habang nilalagyan ng highlight ang mga mahahalagang detalye sa isinulat ko sa notebook ko.

Hindi naman ako tinatamad, pagod lang talaga ako sa mga schoolworks na pinapagawa sa'min. Kong minsan ay sabay-sabay bumibigay nang mga projects at pareho-pareho rin iyong deadline, pero 'yong deadline kong minsan ay sa makalawa lang, kaso ang pinakamalala ay kong bukas na kaagad ang deadline.

Talagang mas i-pa-prioritize mo talaga iyong schoolworks mong malapit lang ang deadline kesa sa mga output na puwede namang gawin kapag na tapos na iyong mas mahihirap. Saka ang mga written outputs ay puwede namang gawin na lahat sa school kapag may bakanteng oras o kapag tapos na 'yong oras ng mga teachers para magturo.

Scars Of Yesterday's DramaWhere stories live. Discover now