NANDITO na kami ngayon sa Books Store, naghahanap ng libro na puwedeng bilhin para basahin na lang kapag may bakanteng oras sa bahay o kaya naman sa iskwelahan. Sa katunayan nga n'yan ay may nabili na akong lima at si Lunette naman ay tudo suggest sa'kin ng mga iba't ibang genra ng libro. Pero ayaw ko naman kaya umuwi nalang kami. Tapos naman na kasi kaming maghanap nang mauupahan niyang bahay, puwede na nga siyang lumipat do'n bukas.
Naglalakad na kami ngayon pauwi. Gusto ko nga sanang tanongin si Lunette kong uuwi ba siya sa kanila o sa bahay nila Atticus. Kasi kong uuwi naman siya sa kanila ay bugbog-sarado naman siya, madadagdagan pa ang mga pasa niya. Kong uuwi naman siya sa bahay ng boyfriend niya ay mukhang komplikado, e nag-away kasi sila.
"Ngayon kaya ako lumipat? Mabait naman si Aling Flora," simula niya.
Puwede naman, kaso, nasaan iyong mga gamit niya? Damit?
"Kukunin ko lang sa bahay nila Atticus 'yong mga damit ko, total, mukhang problema lang naman ang turing niya sa'kin. Kaya ako na mag-a-adjust para sa kan'ya, madali naman 'yon e." dagdag pa nito. Kay dami ng problema niyang binubuhat.
Kong minsan ay nagpapasalamat ako na wala akong magulang, mas maganda kasi kapag gano'n. Kesa naman sa may magulang ka namang gan'yan ka ituring.
Pero ako ang naaawa sa kalagayan niya. Baka nga ay naisip na niyang magpakamatay dahil sa mga problemang kinakaharap niya ngayon.
"Sasamahan kita." boluntaryo ko.
"Wag na, baka may gagawin ka pa." pagtanggi niya naman.
Umiling lang ako sa sinabi niya at pinilit siyang sasama ako sa ayaw man at sa gusto niya. Baka kasi may mangyari sa kan'yang masama, ide kasalanan ko pa di'ba?
Mas mabuti na iyong nag-iingat.
Kaya tinahak namin ang daanan papuntang bahay nila Atticus. May katagalan siya, pero magandang maglakad kesa sa sumakay sa tricycle. Sayang ang pera pang pamasahe. E kong sumakay kami sa tricycle na bike lang ang minamaneho nang driver ay sasakay talaga ako, maganda kasing sumakay sa mga ganoong pampublikong sasakyan.
Kong minsan kasi ay wala rin silang pasahero. Iilan lang din ang kita kasi hindi naman karamihan ang sumasakay sa kanila sa pang araw-araw. Kulang din ang kita para sa pang gastos nila sa pagkain at iba pa.
Nakailang oras na kami saka kalakad, ni hindi ko nga rin napansin na madilim na ang kalangitan. Nang tiningnan ko nga rin ang cellphone ko ay malapit ng mag-alas dyes. Nagsisimula na ring mapagod ang dalawa kong paa, pero laking salamat ko ng huminto kami sa harapan nang isang magandang mansion.
Kahit sa desinyo palang ng bahay ay alam kong hindi na maganda ang ugali ng mga nakatira dito.
"Atticus? Nand'yan ka 'ba?" tawag nitong katabi ko.
Pero wala man lang sumagot. Kaya tinawag niya ulit ang pangalan ng boyfriend niya. Sa ulit niyang tawag ay may narinig na kaming pagbukas nang pinto sa mansion, imbes na si Atticus ang lumabas ay isang mala donya ang datingan na babae ang lumabas. Sa mukha palang nito ay alam mo ng masama ang ugali nito, napansin ko siguro kaagad ang totoong ugali nito dahil sa mukha nitong na babalot nang hindi kaaya-ayang ekspresiyon.
Nang makita nga kami nito ay kong makataas nang kilay ay parang hinuhusgahan niya na ang buong pagkatao namin. Lalo na kaya kong bumuka ang bunganga? Baka mas malala pa.
"Tita-"
"You can't call me like that, are you even my future daughter-in-law? No, right? My son would never have a relationship with a poor girl like you." pagputol nito sa sasabihin ni Lunette.
See? That's what I'm talking about. Rich people have a filthy mouth.
"Kukunin ko lang naman po sana ang mga damit ko sa kuwarto ni Atticus..."
YOU ARE READING
Scars Of Yesterday's Drama
RomanceScars may not be deep, but they still hurt us. Yes, we can hide it for all who knows how long it can be, but we know that the scars will reveal itself. We heal, move on, and we'll just think of it as yesterday's drama.