Halos magadali ako lumabas ng banyo nang mag ring ang phone ko. Pag labas ko bunggad ang tawag sa akin ng kaibigan ko na hairstylist
"Hello?, oh bakit?" Sabi ko nang masagot ang tawag nito
"Free ka ba today?" Tanong nito
"Ha? Oo bakit?"
"Kunin ka raw permanent make-up artist" Sabi nito at pag dinig ko sa sinabi niya parang tumalon ang puso ko sa saya
Finally!
"Sure! Sinong artista?" Excited na tanong ko dahil bukod sa permanent na ako makaka kilala na ako ng iba't-ibang artista
"Boy band" Sabi nito "Nag resign kasi yung make-up artist ni Jarren yung main vocal ng band"
"Eclipse?!!" Pasigaw na sabi ko. I am a fan of Eclipse dahil sa galing nilang kumanta! Back to back jackpot!
"Ayaw mo?" Tanong ni Irish na ramdam kong naka ngisi ito sa kabilang linya dahil alam niya gaano ako ka fan ng Eclipse
"Gaga! Gustong gusto ko!" Sabi ko na sabay naman namim ikina tawa
"Oh paano punta kana rito dapat before 4pm nandito kana kasi mag shoot ng music video ang band nila text ko sayo yung location" Sabi nito sabay binaba ang tawag. Agad din naman sinend ni Irish ang location
Shet! Hindi ako makapaniwala! Back to back jackpot ang blessing ko! Permanent make-up artist na nga tapos sa Eclipse pa kay Jarren pa!
Halos mapunit ang ngiti ko habang naka titig sa poster ni Jarren sa kwarto ko
"Malalapitan na kita!" Halos sumuntok ako sa hangin sa tuwa nagkatrabaho na ako na satisfied pa pagiging fan girl ko!
Sa sobrang excited ko 3:30pm ay nasa set na ako ng music video ng eclipse. Agad ko naman nakita si Irish at sinamahan ako sa manager ng eclipse
"Sir siya po si Stacey Henson yung make-up artist na sinasabi ko" Pakilala ni Irish sa akin sa manager mg eclipse
"I know you. Ikaw yung madalas i hire na make-up artist ng ibang celebrity right?" Sabi nito
"Yes, Sir. Thankyou for this opportunity hindi po kayo magsisisi!" Kulang na lang ay yakapin ko ang manager nila sa pag hired sa akin
"Ikaw ang make-up artist ni Jarren so sakaniya lang focus mo since may make-up artist naman ibang member unless absent ang iba" Tumango ako sa instruction nito sabay ako ipinakilala sa mga staff na nginitian naman ako
Maya-maya pa dumating ang isang itim na malaking van. Bumaba ang Eclipse sa van na iyon at ramdam ko ang biglang pag tibok ng mabilis ng puso ko na halos gustong kumawala nang makita ko si Jarren na bumaba
"Jarren come here" Tawag ng manager nila para lumapit sa pwesto namin
Hala shuta! Teka mabango ba ako? Maayos ba buhok ko? Okay na smile ko?! Halos taranta ang pagkatao ko nang makalapit na si Jarren sa amin
"Jarren this is Stacey your new make-up artist. Be nice to her" Para akong aatakihin nang pasadahan ako ng tingin ni Jarren
"Nice to meet you" Sabi nito sabay ngiti. Ahhhh!!! Yung puso ko...
"You okay?" Tanong nito nang mapansin na natulala na ako
"O-okay lang ako. Nice to meet you too!" Sabi ko at inilahad ang kamay ko pero bago pa man ako kamayan ni Jarren hinila na siya ng ka grupo niya na si Kenon
Malas! Kakamayan na eh!. Hiya kong binawi ang kamay ko sa pagkakalahad
Maya lang ay binigay na sa amin ang instruction paanong look ang gagawin sa Eclipse. Inalis ko ang kaba ko at sinimulan i skin prep ang mukha ni Jarren
Habang sinisimulan ko na itong i-make-up sumandal ito para pumikit. Ang gwapo niya kahit naka pikit ang swerte ng magiging girlfriend nito
"Baka matuyo na foundatiom sa mukha ko kung titigan mo lang ako" Halos mapatalon ako sa gulat nang mag salita si Jarren
Umiwas ako nang tingin nang imulat niya ang mata niya at tinuloy na lang ang pag aayos sakaniya. Nang matapos ko siya ayusan lumapit naman si Irish para ayusan ang buhok ni Jarren
"Kamusta?" Bulong na sabi sakin ni Irish bago lapitan si Jarren
"Butterfly in my stomach ang feeling" Pabulong kong sagot na ikina iling naman nito
Umupo ako sa may tabi dahil tapos na rin ako sa pag ayos kay Jarren pero kahit ganon naka tuon parin ang attention ko sakaniya mula sa salamin
Nag simula na sila i shoot ang music video nila. Kahit kailan hindi nila binibigo expectation ng mga fans nila dahil ang gaganda ng mga nilalabas nilang kanta
Nang mag break muna sila agad ko inassist si Jarren para punasan pawis sa mukha niya. Jusko ang gwapo pwede kaya iuwi iting tissue na 'to!
"Baka pati likod ko gusto mo punasan" Birong sabi ni Jarren nang mapansin kanina ko pa siya pinupunasan
"Hindi ano kasi baka masira look mo"
Ngumisi lang ito sa akin sabay alis para ituloy last part ng music video nila. Habang ninanamnam ko pagiging delulu ko kay Jarren tinapik naman ako ni Irish sa balikat
"Bakla bawal ma in love ah" Sarkastiking sabi nito. Isa 'yon sa rules ng manager ng Eclipse sa amin na huwag magka gusto sa artist
"Baliw hindi naman pero bawal ba maging fan man lang?"
"Sus halos uutal-utal ka kapag kaharap si Jarren alam mo kung hindi lang maintindihin na tao si Jarren sa mga tulad mong fans na baliw sakaniya baka isinumbong ka na sa manager e paano halos lusawin mo yung tao sa titig mo" Sabi ni Irish
Masama ba maging delulu? After being a fan for a long time ngayon ko lang nahawakan mukha ni Jarren nang hindi ako sinisita ng nga body guard niya
"Buti nga hindi ako nakilala ng mga body guard ni Jarren" Sabi ko dahil halos present ako sa mga concert nila at laging front seat ang kinukuha kong ticket maging sa fan signing nila present ako
"Bakla ka paano ka makikilala e naka costume ka sa tuwing present ka sa mga concert at ano mang event nila!" Sabi nito sabay ako inirapan
Who cares kung overdressed ako sa bawat event nila e Jarren tweeted that he likes a girl who can cosplay!
"Bet kaya ni Jarren mga ganon!"
"Imbis na matuwa sayo si Jarren parang mawawalan ka pa lalo ng chance" Ani ni Irish
"Pinapansin kaya ako ni Jarren kapag naka costume! Tulad nung nag cosplay ako as spongebob! Sabi pa nga niya sa akin "ang cute mo naman". So girl shut up"
I cosplay spongebob wearing a big costume at one of their concert yun nga lang medyo takip ang mukha ko kaya baka hindi niya rin ako makilala pero at least sinabi niya na cute ako that's a win-win girl!
Natapos sila mag shoot kaya dumeretso sila sa kani-kanilang dressing room. Agad ko pinuntahan si Jarren dala ang towel pamunas sa pawis nito
"Punas ka muna" Sabay abot ng towel na dala ko
"Thanks!" Sabi nito sabay ngiti
Futa! Iuuwi ko talaga yang towel mo!
"Sabihan mo na lang ako kung gusto mo na tanggalin make up mo" Tumango ito at umupo ako habang hinihintay na matapos siyang magpahinga
"What you think about our song?" Biglang sabi nito
"Ha?" Tanong ko dahil hindi ako sigurado kung ako kausap niya
"Ikaw tinatanong ko" Pag ulit nito sa sinabi niya
"Ako??"
"Oo nga ikaw nga tinatanong ko Ms. Cosplayer!" Halos mabingi tenga ko sa tinawag niya sa akin
So all this time kahit kaunti lang kita sa mukha ko naalala niya ako?. Ramdam ko bilis ng puso ko nahihiya ako na masaya kasi naalala niya ako
YOU ARE READING
Love Beyond The Spotlight
FanfictionJarren Anderson- A famous member of the famous boy band "Eclipse". Jarren always dreamed to be in the spotlight where people idolize him for his talent in singing and song writing. Because of his determination, Jarren became a member of a boy band...