CHAPTER 62

17 9 0
                                    

Ara's POV

"Miss Ara?"

"Hmm.." usal ko, nakapikit kong kinuha ang aking unan at tinaklob iyon sa mukha ko, naramdaman ko kasi ang sinag ng araw.

"Miss Ara?" Ulit nanaman ng maid.

"Ano ba yon?" Antok kong tanong, nakapikit pa din.

"Kailangan niyo na po mag-asikaso may pupuntahan po kayo.." kumunot ang noo ko

"Saan naman?" Inis kong tanong.

"Sa Palawan daw po.."

Napadilat ako at inalis ang unan sa mukha ko, tumingin sa maid na parang hindi makapaniwala.

"Palawan? Biglaan naman yata?" Medyo iritado kong tanong, medyo antok pa rin ako.

"Yes, Miss Ara. Sabi po ni Sir, para daw sa bonding ng family," sagot niya habang nakatayo sa gilid ng kama.

Napabuntong-hininga ako. "Bonding? Ang aga-aga tapos Palawan agad?"

"Handa na rin daw po ang mga gamit ninyo, Miss Ara," dagdag niya, halos ngumingiti pa.

Napataas na lang ako ng kilay at tumayo mula sa kama. "Fine, fine. Pero dapat prepared na lahat, okay? Ayoko nang may makakalimutan," sabi ko habang patuloy na naglalakad patungo sa banyo.

Habang nagsisipilyo, napa-isip ako. Palawan, huh?

Nang matapos akong magsilpilyo, maliligo na sana ako ng maisip ko si Enzo. Nanood kami kahapon, nakatulog ako......then...asan na siya ngayon? tabi ba kami natulog? or dito ba siya natulog? umuwi na lang ba siya?

"Yaya!!" Sigaw ko kay Yaya Liyn habang nasa banyo pa din at siya ay nasa labas.

"Yes, Miss Ara?" Narinig kong sagot ni Yaya Lyn mula sa labas ng banyo.

"Si Enzo... um, umuwi ba siya kagabi?" tanong ko, medyo curious at kinakabahan ng kaunti. Hindi ko maalala kung paano natapos ang gabi namin, pero gusto kong malaman kung nag-stay ba siya o umuwi.

"Umuwi po siya, Miss Ara, mga past midnight na. Sinigurado niya po muna if okay na kayo bago siya nagpaalam," sagot ni Yaya Lyn.

Napabuntong-hininga ako, may konting relief na hindi naman kami nagtabi matulog. Pero kahit paano, nakaramdam ako ng kaunting saya knowing na sinigurado pa rin niyang maayos ako nakatulog.

"Okay, thanks Yaya!" sagot ko na may ngiti.

Pagkatapos kong mag-shower, pakiramdam ko ay fresh na fresh na ulit ako. Sinuot ko ang aking robe at tinungo ang dresser para mag-ayos. Habang nagsusuklay, hindi ko mapigilang isipin si Enzo at ang buong gabi namin kahapon.

Napangiti ako habang naaalala kung paano niya akong inalagaan. Sobrang thoughtful niya kahit hindi niya ito sinasabi ng diretso. Parang may konting kilig pa rin ako sa simpleng pag-alala niya na sinigurado niya muna if okay na ako.

"Hmm… Enzo, you’re too sweet," bulong ko sa sarili, sabay kuha sa paborito kong pabango.

Matapos kong magbihis, sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang gray na cropped sando na perfect na perfect sa black pants, at simple pero malinis na white shoes. Maayos na rin ang black tube underneath, kaya confident akong comfortable ako sa buong araw.

"Not bad," bulong ko sa sarili habang inaayos ang buhok ko para bumagay sa look.

Sinuot ko ang pearl earrings ko, at naglagay din ng kaunting lip tint para may konting kulay sa mukha. Binuksan ko ang maliit na jewelry box ko at kinuha ang silver necklace ko—simple lang, pero it completes the look.

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now