Chapter 57

73 4 0
                                    

Val's POV

"Paka panget mo gumawa ng itinerary!" Reklamo ko.

"Huy! Hindi ako ang gumawa nyan si Yanna!" Depensa ni Jane.

Paano ba naman kasi.

Akala ko kasi Disney Sea ang itinerary namin ngayon.

Pero hindi pala!

Flight pala namin ngayon papunta Osaka!

Kaya ayun nagmamadali kami magligpit ng gamit!

"Julianna Roxas! Bakit ganito ginawa mong itinerary!?" Sigaw ko kay Yanna.

"Why? What's wrong with it?" Tanong niya.

"Anong what's wrong? Bakit ganun yung itinerary? Tokyo tapos Osaka tapos babalik nanaman sa Tokyo? Hindi na lang isang puntahan." Reklamo ko.

"If not just for the business we'll definitely go to Osaka first." Wika niya.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko! Dapat sa magkasunod na araw ang itinerary sa iisang lugar hindi yung pabalik balik pa." Reklamo ko.

"Do you want to carry heavy stuffs? You know that the pasalubongs and souvenirs are here right?" Sagot niya.

Napakunot ang noo ko kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Nagface plam siya dahil di ko maintindihan ang tinutukoy niya.

Bigla ako humagalpak ng tawa nang kumanta siya ng Don Quijote.

May pasayaw sayaw pa ang loko.

"May Don Quijote naman sa Osaka ka ah!" Saad ko.

"Yeah but Don Quijote here in Shibuya is the largest! Mega!" Wika niya.

'Bwiset dahil lang pala sa Don Quijote!'

May magagawa pa ba ako? Eh ito na ang itinerary.

Dati kasi maganda ang mga itinerary dahil si Ari lahat gumagawa.

Otw na kami ngayon sa Airport.

6:30 palang ng umaga!

Ano oras na kami nakauwi nila Ari 2:30 na!

Kung hindi pa kami ginising ni Yanna nakoo.

"I can't wait to go to Osaka!" Bungad sakin ni Yanna habang naglalakad kami sa boarding Area.

"Same." Sambit ko.

"The street foods oh my God!" Tuwang tuwa na sigaw ni Yanna.

"Then after street foods?" Tanong ko with an exciting voice.

"Shopping!!! HAHAHAHA!" Sabay na sigaw namin.

Madaming food sa Tokyo pero halos puro restaurant unlike sa Osaka na street food talaga.

Osaka rin ang pinaka maganda magshopping dahil mas mura dito compare sa Tokyo.

"Mommy akala ko pupunta tayo Disney Sea?" Tanong ni Ran nung makaupo na kami sa plane.

"Sa susunod na araw tayo magdiDisney Sea. Universal Studio tayo later." Inform ko sakanya.

"Nandun si Minions diba mommy?" Tanong niya ulit.

"Opo." Sagot ko sakanya habang inaayos ang seat belt niya.

Nasa may window seat si Ari at natutulog nakapagitan samin si Ran.

Alam ko naman bitin sakanya ang 4 hours na tulog.

Mas gugustuhin pa nya na wag matulog kaysa matulog ng bitin.

Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon