Wall in between
Characters:
Tiffany Shane Curtis
Prince Jan Kevin Lopena
Maria Ivorry Guestivo
Yanni Licmo
Axle Mercado
Ace Lopez
Chloe Hernandez
Danica Fabian
Loius King
Chuchaii Santa
Kath Termino
Leah Agustin
Jenerry Lopez
Stephanie Campbell
Chelly Sotto
Kristine Santos
Jessica Alliance
Shelyn Zac
Darlyn Vegas
May Victorious
Mrs. Myra Perez
Introduction:
"Wala namang mali sa ganyang relasyon, as long as alam ninyo ang limitations ninyo"
"Kung mahal ka pa niya edi ipaglaban mo siya, kung hindi na please tama na"
"Madami mang iba, eh kung isa lang naman siya"
Hirap talagang magmahal sa isang taong mahirap maging sayo. Hirap magmahal sa isang teacher. Bawal nga pero kaya mo bang pigilan? There is a big wall between a teacher and a student. Sa batas kasi ng Department of Education, ipinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon sa isang student ng isang teacher. Pero paano mo kaya to mapipigilan? Paano kung gusto ka na rin ng teacher na yun? Paano kung after nung relasyon ninyo, malalaman mo na niloko ka pala niya? Ano kaya mararamdaman mo? Ano kayang reaksyon mo? Sakit no? Pero sabi nga nila "the truth might hurt you but it will teach you a lesson". Iba kasing level ng relationship ang mararanasan mo kapag teacher ang ka relationship mo. Ang saya pero puno ng kaba, takot, at kung anu-ano pa.
Naniniwala ka ba sa Destiny? Sa "Age does not matter?" Ako oo, alam kong Age does not matter as long as you love each other. Sa Destiny naman"Destiny awaits you". Simulan na natin ang kwento...
Ako si Tiffany Shane Curtis.15 years old. Mabait,friendly,paladasal at caring. Palagi akong nabubully sa school. Minsan kinaiinisan pero madami pa din akong friends. Masaya naman ang family ko. Panganay ako at dalawa lang kaming magkapatid. 13 years ang gap namin ng kapatid ko. Strict ang parents ko. As in super bawal ang crush,gala at kung anu-ano pa. Wala talagang mali sakin.. na inlove lang talaga ako sa English teacher namin na si Mr. Prince Jan Kevin Lopena.Tall,dark and handsome siya. Matalino din siya at nakakahanga ang accent:). May lahi siyang Chinese pero di halata kasi mukha siyang Arabian. Maraming may gusto sa kanya. Pero madami ding naiinis sa kanya sa madaming dahilan. Ewan basta na inlove ako sa kanya.... Period.
Chapter1
June 9, Yes unang araw ng pagiging senior ko. Excited na ko pumasok, bagong shoes, bagong bag at as in bago lahat. Pagpasok ko sa school,nakisiksik ako sa ibang mgaestudyante sa bulletin board na nakasulat ang pangalan ng estudyante sa bawat klase/section. Ayun nakita ko ang pangalan ko. Section G- shock ako, first section. Nakita ko din yung iba kong mga kaklase/ at kaibigan.
Wow ang excited ko ata, nauna ako sa room ehh. Ang init sa room>•< pero ok lang masaya naman. Asaran at kulitan,well namiss ko to ehh. Ayan na yung adviser namin, mukhang mabait si Ms. Myra Perez. Pala tawa siya. Yes! Ang ingay namin ng best friend kong si Yanni Licmo. Hayyysst ayun puro kalokohan kami. Daldalan habang nagpapaliwanag si Ms. Perez tungkol sa School Rules, Handbook at iba pa. Tagal ng time ahh! Ok, ipinaliwanag na at ipinakilala na ang mga teachers namin. At sa wakas time na!!