AMBER'S POV
I love you, you love me
We are happy family
With a great big hug and a kiss from me to you
Won't you say you love me too?
Waaaaaah nakakabaliw talaga! Alangyang Salvy yan oh bwisit sa buhay lalo na yung taglagas na yun!! After nilang umalis kaninang break, hindi na ulit bumalik si Ren para sa mga susunod na subject namin. Nung dismissal time, nakipag meet saakin si Ren para ibigay ang accounting textbook niya pati ang key card ng unit niya sabay sabing gawan ko daw siya ng assignment, kapalit pwede akong gumamit ng computer niya.
Hayop na lalaking yun! Ano ko secretary niya?! Tsaka pagagawin niya ako ng assignment dahil hindi siya makakauwi ng maaga dahil makikipag date siya?! Ang saya niya ah!
Pero tanga tanga ko naman pumayag ako. =.=
Hay masaya ako kasi kahit papaano nagiging masaya na si Ren. Siguro that Autumn is not that bad. Sadyang yamot lang ako sa kanya dahil nagseselos ako, kahit wala naman akong karapatan mag selos. Kayamot.
After kong gawin yung assignment ni Salvy nahiga naman ako sa kama niya at niyakap ang unan niya sabay kanta ulit nung Barney Song. Sorry, na-LSS ako eh.
Tinignan ko yung wall clock niya, 8:00pm. Nasan na kaya ang bwisit na yun at hanggang ngayon hindi parin umuuwi?! Hay. Baka naman dun na siya dumiretso sa bahay nung babaeng yun? Tapos mag isa sila sa kwarto, tapos naghalikan sila, tapos. tapos.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah O.O
Tumayo ako sa kama at pumunta sa harap ng computer ni Ren bago pa ako tuluyan mawindang. Bwisit! Maglaplapan sila habang buhay!!
Sakto pag open ko ng facebook ko bigla naman nag chat saakin si Jiro.
Jiro Festin: Hey, webcam tayo!
Agad ko naman binuksan yung webcam then sinuot ko yung headset ni Ren. Maya maya lang nakita ko ng kumakaway si Jiro sa harap ng computer screen.
Infairness ha, gumwapo lalo itong si Jiro. Nag college lang gumwapo na. Kinikilig tuloy ako. Pero don't get me wrong, wala na talaga akong nararamdaman sa kanya. Parang crush na lang? alam niyo naman kung sino na gusto ko. At nakakainis kasi ang dami dami kong pwedeng magustuhan yung Salvy pa na yun ang nagpatibok ng heart ko.
Pwede bang iba na lang?
"hi Amber! How are you? bati ni Jiro saakin
"hi Jiro, ayos naman ako, ikaw? Kamusta kayo ni Arcie?"
"eto ayos lang din. Nagaway kami kahapon eh kaso nagkabati naman agad. Alam mo na, simple misunderstanding"
"oww, but good thing naayos niyo agad"
"yea, si Ren pala nasan?"
"wala nakipagdate!!" sabi ko sa kanya na may galit na tono
"oh, that's good"
"anong good?! Dahil sa bwisit na date na yun ako pinagawan niya ng assignment niya! Tapos ang landi pa nung babae! Sabi ni Ren para daw si Arcie yung girl pero grabe ha, ang layo ng ugali nila swear!! Tapos eto pa malupit, pinayagan niya tawagin siya ng labanos!! Bwisit talaga!" galit na galit ako habang nagkukwento sa kanya.
"what? Pinayagan niya? Eh tawagan nila ni Arcie yun di ba?"
"yun nga eh! Ewan sa Salvy na yun! Ang landi naman magsalita nung girl. 'lahbanows, will you tour me around the school, I'm new here and not yet familiar with the place'" pangagaya ko ng british accent ni taglagas "ay grabe ang landi! Matagal narin ako dito kaya alam ko ang normal na british accent sa malanding british accent! Ay grabe talaga!"