PART 1
REN'S POV
"Arcieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!"
"Amber!!!"
Tumakbo papalapit si Amber kay Arcie at kay Jiro sabay yakap doon sa dalawa habang nagtatatalon
"grabe miss na miss na miss na miss ko kayo!" sabi ni mestizang hilaw doon sa dalawa
"kayo din! Super" sagot naman ni binbo
Tinitignan ko lang silang tatlo doon. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Hindi ako makapaniwala.
...nasa harap ko ba talaga siya ngayon? Kung panaginip lang to ayoko ng magising.
"oy labanos! Di mo ba kami namimiss?"
Naglakad ako palapit sa kanila "binbo, Jiro, what a surprise. Di namin inaasahan ang pagdating niyo"
"wahahahaha" lumapit si binbo saakin then niyakap niya ko "eh miss na miss ko na ang matakaw kong bestplen eh!"
I hugged her back
Ang hirap paniwalaan. It's been a half a year since huli kong mayakap si Arcie. Hindi ko alam ang irereact ko ngayong nandito na siya sa harapan ko. Pero alam ko
...ang saya saya ko ngayon.
Humiwalay si Arcie ng pagkakayakap saakin then lumapit naman saakin si Jiro and tinapik ako sa braso
"it's been a long time bro!"
"yeah, good thing nakapunta kayo dito! We are very surprised!"
"Arcie!" yumakap ulit si Amber kay binbo "tara mag shopping tayo ng winter clothes mo!!"
"ano ka ba naman mestizang hilaw! Shopping agad? Pagpahingahin mo muna kaya sila!!"
"eh kasi."
"hehehe naku wag mong pansinin si labanos. Sure mag shopping tayo bukas lalo na at pupunta tayo sa ski"
"ski?" me and amber both said in chorus
"yup! Naka booked na tayo. Kaya mag ready na kayo! We will spend our Christmas here" sagot ni Jiro
"t-talaga dito kayo mag Chi-christmas?!" tanong ko sa kanila
"yup. Pati new year" sagot naman ni Arcie
"YEHEY!!! Akala ko mag chi-christmas at new year ako kasama ang Salvy na to! You two are my saviors!" T.T sabi ni Amber sabay yakap kay Arcie at Jiro
"hoy! Anong ibig mong sabihin doon?!" sigaw ko sa kanya. Binelatan niya lang ako.
Lukaret na babae! Ano naman akala niya?! Gagahasain ko siya sa pasko?! Excuse me may taste ako! Oo alam kong maganda siya, makinis, maputi, may kissable lips, ang cute ng pisngi niya may natural blush, ang ganda ng bagsak ng buhok niya, nakakatuwa siyang magsalita at errr ang sexy niya? Oo aminado ako doon! Pero hindi ako attracted sa kanya! Hindi! Oo hindi! Hindi talaga promise! oo nga hindi nga sabi! hindi nga eh! Bat ayaw niyo maniwala?! Hindi nga sabi eh! Hindi! =___=
"hay naku! Pumasok na nga lang tayo sa loob at malamig dito" yaya ko sa kanila
"let's go love" nakita kong hinawakan ni Jiro ang kamay ni Arcie then dumiretso na sila papasok ng condo
Masakit isipin na iba ang mahal ng taong mahal ko. But still, magaan na ang loob ko kasi alam kong iniwan ko si Arcie sa kamay ng lalaking mahal na mahal siya at alam kong aalagaan siya.
"r-ren" lumingon ako sa likudan ko and nakita kong nakatingin saakin ng seryoso si Amber
"bakit?"
"uhmm—ano kasi. uhmm" lumapit siya saakin