Alexie's PoV
"Alexie Blythe Martinez!!!! Paki bilisan naman.!!! Andito na si Hans naghihintay sayo."
Ito nanaman si mama sinasabi ang napakaganda kong pangalan. At si Hans naman ay hindi ko manliligaw at higit sa lahat hindi ko rin sya boyfriend. Bestfriend ko sya. Matagal na kaming magkilala,mga 10 palang kami magkakilala na kami.
"Ano Blythe hindi kapaba lalabas dyan?!" TANong ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Mama sabi ko naman sayo na wag mo kong tawaging Blythe eh." Sabi ko habang palabas na ng kwarto.
"Oo na. Sge na umalis na kayo ni Hans malelate na kayo. Hans Ingat kayo ha."
"Opo tita. HAlikana alexie malelate na tayo."
Lumabas na kami sa bahay at pumunta kung saan nakapark ung kotse nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto gentleman talaga 'tong lalaking to. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa tong girlfriend eh.
"U!! Alexie magseatbelt kana." Sabi sa akin ni hans na nagpabalik sa akin sa realidad.
Ikakabit ko na sana ung seatbelt kaso hindi umaabot.
"Huy! ALexie bilis malelate na tayo."
"Eh hindi ko makabit eh." PAgmamaktol ko sakanya.
"Tsk ako na nga." Sabi nya sabay lapit sa akin. Ng maikabit na nya tumingin sya sa akin . BAkit parang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagtitigan lang kami hanggang sa umiwas na sya sa titigan namin at nagsimula ng magmaneho.
Okeey!!! Medyo awkward .
Binuksan ko nalang ung radio.
D nagtagal nakarating na kami sa university namin. 4th year highschool na pala kami sa Danzel High.
Patakbo kaming pumunta sa room namin pero hindi pa kami nakakaabot sa room namin nakita na namin ang barkada namin na naglalakad.
"Oh san kayo?" TAnong ko sa kinala.
"Wala yung teacher natin." Sgot ni Carlo
"Bakit?" Tanong naman ni hans.
"Eh kasi naman. Ang tanga ni maam,alam nyang nine months na syang buntis nagtuturo parin . Kaya ayun pag pasok palang nya sa room sumigaw na agad,natumba pa ako dahil sa ano,sa ahmm. Ano ba tawag dun?? Ewan basta. Ang sakit sakit ng pwetan ko." Mahabang lintanya ni Jervie.
"Hahaha!" Tawa naming magbabarkada except jervie.
"Sge lang tawa pa kayo. Mamatay sana kayo sa kakatawa nyo!" Sabi nya sabay alis.
Tsk! Madaling mapikon talaga si Jervie.
Hinabol nalang namin sya at sabay sabay kaming naglalakad. 12 kaming lahat na magbabarkada. Si Carlo ang bastos at makulit naming kabarkada,si John Carlo bakla naming kabarkada,si Gemerth gwapo pero paasa, Si jervie Gwapo,cute at mabait,Si Giezelle,masayahing tao,palabiro,pero kung magmahal wagas,Si Jason Jamezel pero James ang tawag namin sa kanya, magkambal sila ni Giezelle pareho sila ni Giezelle masayahin tao,palabiro pero kung magmahal wagas din,hearthrob din sya sa school,Si Kayezele,Mabait,maganda pero palabiro,Si Shairah ang umaasa kay Gemerth sya ang pinaka tanga sa barkada,Si Nicole Magandang babae pero para syang baliw jk. At si lovelle maganda,pero minsan lang syang sumasama sa amin,at ang bestfriend kong si hans gwapo,cute,hearthrob sa school,at higit sa lahat ako,ako ang pinaka maganda sa kanilang lahat. Haha joke lang. Mga sikat kami sa skul dahil mai meron kaming bullying kabarkada at meron pang maganda at gwapo."Oh san tayo?" Tanong Ni nicole
"Sa Arcade nalang muna tayo." Sabi ni Kayezele
"Sge sge." Sabay sabay naming sabi.