PART 1
REN'S POV
"hindi na kita mahal"
Parang hinagisan ni Amber ng bomba ang puso ko at pinasabog ito dahil sa sinabi niya.
Kulang na lang na buong pagkatao ko sumabog. Gusto kong magwala ngayon, gust ko siyang sigawan at the same time gusto kong lumuhod sa harapan niya at mag makaawang bawiin niya yung sinabi niya saakin. Pero di ko to magawa. I was rooted to the ground. Para akong na-petrified dito sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos at walang boses na lumabas sa bibig ko.
Siguro dahil narin kitang kita ko sa mukha ni Amber ang sakit nung binitawan niya ang salitang yun. Hindi siya makatingin saakin ng maayos.
Huminga ako ng malalim and tried my best to smile
"o-ok lang yun" napatingin bigla saakin si Amber nung magsalita siya "ayos lang kung di mo ko mahal, basta ako mahal kita" hinawakan ko ang dibdib ko atsaka ako pumikit "ramdam na ramdam ko dito kung gaano kita kamahal Amber. At sising sisi din ako sa lahat ng ginawa ko sayo" I took one step closer to her "alam ko di mo ko mapapatawad but still I want you to know how sorry I am. Amber kahit hindi mo ko mahal ngayon, gagawa at gagawa ako ng paraan para mahalin mo ulit ako"
Iniwas ulit ni Amber ang tingin niya "wala akong paki! Ayoko na sayo. Please wag mo na ko guluhin"
"wala nga akong paki kahit ayaw mo na saakin. Nagsisi na ako dati nung palagpasin ko ang pagkakataon ko para makasama ang babaeng mahal ko. I will not go to make the same mistake twice" I held her chin up at tinignan ko siya sa mata "this time I swear gagawin ko ang lahat para mahalin ako ng babaeng mahal ko. Ayoko ng maging best friend o kontrabida o supporting character. Gusto ko ng maging bida, at ikaw ang gusto kong maging ka-love team sa storyang to"
AMBER'S POV
"Ayoko ng maging best friend o kontrabida o supporting character. Gusto ko ng maging bida, at ikaw ang gusto kong maging ka-love team sa storyang to"
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi ni Ren. Nakakainis, bakit kung kelan binago kona ang sarili ko? Bakit kung kelang sapilitan kong pinilit na mag move on tsaka niya sasabihin to?
Bakit ngayon pa, kung kelang takot na takot na kong masaktan?
I've been hurt because of love a lot of times already. Dati naniniwala ako doon sa quote na nabasa ko na
"when someone leaves, it's because someone else is about to arrive. I'll find love again"
Ayoko na. Ilang tao pa ba ang mangiiwan saakin? Ilang tao pa ba ang mananakit saakin bago ako sumaya?
Pagod na kong masaktan. Sumuko na ako, ayoko na.
"Amber..."
Ren puts his arms around my waist then hinila niya ako papalapit sa kanya. Muli niyang inangat ang ulo ko at tinignan ako sa mata.
"Amber."
"let me go please" I told him
"no Amber, I will never let you go"
Mula sa pagkakatitig niya sa mata ko, bumaba ang mga tingin nito sa labi ko.
Naramdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Bakit? Bakit ganito parin ang nararamdaman ko? Bakit bumibilis parin ang tibok ng puso ko pag nakikita ko siya? Dapat wala na to eh. Ginawa ko ng bato ang puso ko pero bakit ganito parin mag react to kay Ren?
Unti-unting nilapit ni Ren ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa maramdaman ko ang pag hinga niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at automatic na pumikit ang mga mata ko. Unti-unti, unti-unti, nararamdaman ko ang papalapit na papalapit na mukha ni Ren.