Chapter 24: QUARREL

3 0 0
                                    

Amber's POV

"ako'y isang pinoy, may pusong cheesecake" naramdaman kong may sumundot sundot ng pisngi ko "mestizang hilaw kanina pa kita kinakantahan dito pero ayaw mo parin bumaggon diyan. Sabi mo mag ddate tayo ngayon" >___<

Tinalikuran ko si Ren at nagtaklob ng kumot. Inaantok pa kasi talaga ako. Paano ba naman nag movie marathon kami kagabi. Dito na nga ako nakatulog sa unit niya eh.

Tapos ang aga-aga pa manggising ng Salvy na to! >__<

"ala tinalikuran lang niya ko. Oy mestizang hilaw sino ka para matulog ng ganito katagal sa kama ko ha?! Bumangon ka nga!"

Bigla akong bumangon at kinuha yung unan na dala dala ko then tinalikuran ko na siya

"o-oy saan ka pupunta?!"

"sa unit ko, matutulog" antok na antok kong sabi sa kanya

"hindi!" bigla siyang pumunta sa harap ko at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin

"o-oy ano ba Salvy!"

"joke lang yun mestizang hilaw. Dito ka na matulog, wag mo ko iwan mamimiss kita agad eh" inilapag niya ako sa kama niya then tumabi siya saakin

Medyo natawa naman ako sa kanya "grabe ka magkasama na tayo kagabi, dito na ko natulog at lalabas din tayo mamaya"

"eh kahit one second lang kitang di makita miss na miss na kita" hinalikan niya ako sa noo "I love you"

Alam mo yung kanina antok na antok ka pero dahil sa isang simpleng salita nabuhay agad ang dugo mo?

Niyakap ko si Ren "I love you too, Salvy ko"

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang tagal na panahon na bago ko maranasan ulit ang ganitong pakiramdam. This past few years, puro sakit na lang ang nararamdaman ko to the point na halos itakwil ko na si love.

Buti na lang may isang 'Ren Salvador' na dumating sa buhay ko.

"mestizang hilaw" hinawakan ni Ren ang kamay ko habang naglalakad lakad kami sa may park "may sasabihin ako sayo though hindi ko alam kung good news or bad news ito para sayo eh"

Tinignan ko siya "bakit, ano ba yun?"

"uhmm you see, kinukuha ako ng theater club para sumali doon sa play nila.

Kasama ako sa music theme and ako yung kakanta doon sa ilang scenes sa play"

"wow that's nice! Ano naman bad news doon!"

"well, dahil sa mga practice hindi tayo masyadong magkakasama. Baka hindi kita mabigyan ng time"

I smile at Ren "gusto mo bang sumali?"

"uhmm matagal narin kasi akong hindi nakakakanta onstage. Medyo namimiss ko yun. Kaya oo sana"

"then sumali ka. Wag mo ko isipin ano ka ba. Tsaka isa pa magkatapat lang ang mga unit natin no kaya hindi parin tayo mawawalan ng time para sa isa't isa"

Hinila ako ni Ren papalapit sa kanya then hinalikan niya ang noo ko "I'm really happy to have a beautiful, smart and understanding girlfriend. Ganito ba talaga akong ka buting tao para pagpalain ni God ng husto"

I giggled "naku Mr. Salvador, kesa binobola mo ko bakit hindi mo na lang ako ilibre ngayon?"

Nginitian niya ko "syempre naman no, bibilhin ko kahit anong gusto mo"

"eh paano yun ikaw ang gusto ko?"

"ay di ko na kailangan bilhin yun dahil matagal na kong sayo"

Kinilig naman ako bigla sa sinabi niya. Oo na, boyfriend ko na si Mr. Romantic Prince at kailangan ko ng ihanda ang puso ko sa sobrang kakiligan!

REACHING YOUWhere stories live. Discover now