CHAPTER 3

6 1 2
                                    

So syempre ang sunod na nangyari ito na si DR#01 or (DECEIVER#01).

Nung time kasi nayon sa sobrang patay na patay ako kay CH#01 nagiging over-protective ako sa kanya.

Kahit na sabihin natin na mas bata siya sa akin, pino-protektahan ko parin siya sa mga bagay na hindi niya pa pwedeng malaman.

One time kasi habang lahat ng mga Dc users ay busy makipag socialize sa kung kani-kanino sa Dc server s-203;

Ito namang si CH#01 nandoon din, nakikipag kulitan.

Until si DR#01 nag joke siya na ang makakaintindi lang ay ang mga may maruruming pag-iisip.

(Hahahha so ayon, since di na malinis ang pag-iisip ko non ako tong si OA sobra naman kung protektahan si CH#01.)

So dahil OA ako, inaway ko si DR#01 without hesitations.

Syempre yun kasi yung era kung saan warfreak pa ako. Kahit sino inaaway ko alang-alang lang kay CH#01.

(Ohhh shala, loyal yarn!!!)

Hanggang nag fr (friend request) sakin si DR#01 kasi sabi niya mas maganda raw kung sa dm (direct message) raw kami mag-uusap.

Para maayos raw yung nangyari.

At first ayaw ko pa, kasi di ko gusto na may iba akong kausap sa dm lalo na kung hindi si CH#01.

After non pumayag rin ako, kasi di lang ako warfreak noon, mataas rin pride hahahha. Kaya pumayag ako.

Tapos grabe!! Ang unexpected ng sunod na nangyari!

Agad niyang tinanong sakin "Hi, what's your name? Do you have a boyfriend?"

Like para sakin kasi wala ba siyang ibang matatanong bukod don?

Di na ako nagulat mga bb kasi indonesian palan si boi.

Nabigla ako kasi akala ko about lang dun talaga sa dirty stuff na sinabi niya ang usapan.

Hindi pa doon nagtatapos ang masamang araw ko.

Doon sa s-203 kasi salit-salitan ako ng tingin  from dm to server eh.

Biglang may nag-join na dc user. Ang nn (nick name) niya ay nag sisimula sa R.

Nung una palang di na maganda kutob ko sa tunog palang ng nn niya.

Tas itong si CH#01 yung typings niya nag-iba. Parang... alam niyo yung typings pag gusto mang-hook ng babae sa social media? Ganon!

(So ngayon na iku-kwento ko to nag pop-up bigla sa isip ko yung kanta na I FELL IN LOVE WITH MY BEST FRIEND hahhahaha.)

Unang tingin ko palang nasabi ko sa isip ko na, "Haha.. alam ko na. Gusto niya to..."

Nalulungkot ako non, until now syempre. Pero nalulungkot lang naman ako dahil naaalala ko kung gaano at paano ako nalungkot nung mga time nayon.

Dahil na heartbroken si ate niyo, ayun tinakbuhan ko si DR#01 at sumabay sa mga trip niya. Nakipag-kwentuhan kahit na di interesado.

Ginawa ko yon para makalimutan yung nangyari, kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ako yung type ng tao na marunong makalimot.

Inabot kami ni DR#01 ng matagal-tagal na talking stage, kahit na nasa iba parin yung atensyon ko.

After ng mga 2 weeks or more... wala na. Dumating yung araw na hindi na kami nag-usap.

Pagkatapos niyan nasaktan ako pero konti lang naman, kasi di naman ako masyadong na-attach sa kanya.

Ewan ko ba pero grabe talaga ang nagyayari sakin kapag masama yung unang ganap sa araw ko, tuloy-tuloy nayon.

Sunod kong nalaman sa PSYCHOPATH server,.. na.... sila na....

Yes...... si CH#01 at R in a relationship na.....

(Oh diba di ako nagkamali nung unang kutob ko palang, prinedict ko narin kung ano yung sunod na mangyayari at di talaga ako nagkamali.)

Syempre hindi palang ito ang mga unang pangyayari sa social media life ko.

Devastated ako nung nalaman ko yon syempre.

Sumunod naman niyan si DR#02.

Oh diba walang paawat, sunod-sunod talaga ang malas ng ate niyo.

Ito yung pinaka iconic sa lahat, akalain niyo 3 DAYS lang yung itinagal?

Dahil uto-uto ang ate niyo ito na nga ang nangyari.

Same lang ng ginawa si DR#02 kagaya ni DR#01 kung paano ko siya nakilala.

As usual nag fr rin si DR#02. Accept nanaman ako, then usap-usap.

Mga bb, ang lala neto, first day palang I LOVE YOU agad yung sinabi. Like ako sa isip ko nung time nayon ,WT*??.

Eh noon kasi since 14 palang ako di ako kagaya ng iba na ginagawang laro yung sitwasyon o pangyayari sa buhay ko.

So syempre di naman ako ganon ka-obob di rin naman ganon ka utak. Kaya nag respond ako sa kanya sa way na maiisip niya na nakikisakay ako.

Tas ito na ang climax mga bb, finast-forward ko na. Anlala rin netong tao nato, kasi seryoso, after 3 days nagulat ako lahat ng convo naming dalawa sa dm kinalat niya doon sa general chat ng server s-203.

Oh diba, napapala ng uto-uto.

Pinapalabas niya na submissive ako sa kanya, easy to get ako. But hell no!.

Lumipas ang mga araw na andami kong dinamdam. Ang daming malalalang bagay na nangyari to the point na gusto ko na mag take ng break pansamantala, (sa social media life ko syempre.)

Bumalik ako sa game at naglaro sa s-203 doon sa IT. Then may user na nag "hi" sakin kasi nakita niya sa general na nag chat ako doon tas walang pumapansin..

Nasayahan ako na kausap siya, mas masaya kaysa sa amin ni CH#01.

2 days ko ata siyang naka-usap. Then sunod na non diko na sya nakita for 1 week.

Nagtanong ako sa mga nakaka-kilala sa kanya pero ang tanging sabi lang nila 1 week na raw siyang di active...

TO BE CONTINUED
4N

[Hii! Bago ko po ituloy yung chapter 4 gusto ko pong sabibin na yung susunod na taong mababanggit sa story po na ito ay ang tao na may pinaka malaking part sa social media life ko. Sana wala pong maiiyak or iiyak!!! And also possible rin po na ang kwento po ng taong ito ang magpapahaba sa story. Enjoyy!!]

The Discord Enigma: 4N's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon