This story is strongly prohibited to be copied by any person or any authorities by the use of any copying machine such as photocopying machine or in the form of another story or novel with the copied style and idea without the permission of the author.
"Chacha!" -sigaw ng isang babae mula sa di kalayuan.
"Ano ba?!" sagot ko, medyo pasigaw dahil naiirita ako.
"Ba't ka ba laging ganyan sakin ha?" sigaw uli nitong babaeng nasa likuran ko.
Huminga ako ng malalim at huminto sa paglalakad. Humarap ako sa kanya at tinignan s'ya.
"Paanong hindi ako magagalit sa'yo e, napaka kulit mo? Sabihin mo nga?" mahinahon akong nagpaliwanag sa kanya.
"So- nakukulitan ka na pala sakin pero wala kang sinasabi? Ba't sa pagtaboy ay ika'y dumadali?" seryoso itong nagsalita.
Oo nga. Ba't nga ba hindi ko masabi? At patula pa talaga n'ya itong sinabi. Ako nga ba talaga'y nagkakamali? Sa mga bagay na gusto kong aminin na hindi naman maaari? Pasensya na aking konsensya ngunit sya ay kailangang itaboy. Sapagkat ang aking nararamdaman ay di pwedeng matuloy.
"Huh? Alam mo, sinusumpong ka na naman e no? Umayos ka nga." inis kong sabi at tumalikod sa kanya.
"Aayos lang ako kapag sinagot mo ang tanong ko." sinabi nito ng malakas at dahil dito ay napaharap uli ako.
"Oh sige. Ano 'yun?" tanong ko sa kanya.
"Glaiza, ba't pilit mo akong iniiwasan at nilalayuan? Napansin ko kasi na simula nung aksidenteng 'yun, unti unti ka nang lumalayo at umiiwas sa akin e."
Ramdam ko namang seryoso na ito dahil biglang nagkaruon ng katahimikan dahil naghihintay s'ya ng sagot.
Napalunok si Glaiza dahil sa kaba. Dahil tama naman s'ya at napansin pala n'ya.
"Look. Hindi ako umiiwas o lumalayo. Sadyang nakukulitan lang ako sa'yo. Rhian, please don't get me wrong, sobrang kulit mo kasi e."
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.
"Okay! Sige, ako nalang ang mag aadjust." -sigaw nito, at napatigil na naman ako sa kinatatayuan ko.
"But!" -Rhian.
"But what?" nilingon ko uli s'ya.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (RaStro)
FanfictionThis is a compilation of One Shot Stories. - Sabi nga nila "True love awaits". But would you still consider it as true love when it's wrong yet it feels right at the same time? Two hearts are seeking for love. Something great that came from above. ...