CHAPTER TWO: DARLENE's POINT OF VIEW ★
"Yaya Belen, bakit hindi po ninyo ako ginising? Alas singko na po ng hapon! Ala una po ako nagpapagising, paano ko pa matatapos 'tong mga papel?" Napahawak ako sa ulo ko, kumikirot talaga, parang binabarena.
"Ginigising ko po kayo Ma'am, halos yugyugin ko na po kayo pero ayaw ni'yo po talagang magising eh, nagpatulong na nga po ako kay Ma'am Tonette kasi natakot na po ako." Halos mangiyak-ngiyak na sagot ni Yaya Belen.
"Si Tonette po?"
"Lumabas po saglit, hihinge raw po ng reseta sa Doctor ninyo, baka raw po hindi ninyo makaya ang sakit ng ulo ninyo e ayaw mo naman pong magpadala sa hospital." Tumayo ako at inalalayan ako ni Yaya Belen.
"Nagugutom na po ba kayo? Ipaghahanda ko po kayo ng sopas, nagluto po ako kanina." Inupo niya ako sa sofa.
"Si Beya?" Tanong ko
"Tulog pa rin po, natulog po siya kanina pagkagaling sa school tapos hanggang ngayon po ay natutulog pa rin."
"Ilapag mo na lang d'yan saesa 'yong sopas, pupuntahan ko muna siya."
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kuwarto ni Beya, medyo nahihilo pa rin kasi ako.
"Beya, anak." Tawag ko pero hindi sumasagot, mahimbing ang tulog niya at yakap yakap pa niya ang sketch pad ng Ninang Tonette niya.
“Papa.” sambit niya at may tumulong luha, tulog pero nagsasalita.
"I'm sorry anak, sorry." Nahiga ako sa tabi niya at niyakap ko siya.
"Mama D?"
Ngumiti ako. "Nagugutom ka ba?" Tumango siya agad, "Nagluto ng paborito mong sopas si Yaya Belen, gusto mo bang kumain?"
"Opo, pero p'wede po bang ganito muna tayo kahit limang minuto lang? Please Mama." Nangingilid ang luha sa mga mata niya.
"Okay, okay.. don't cry." Hinalikan ko siya sa noo at yumakap siya sa akin.
Pagkalipas nang sampung minuto ay tumayo na siya.
"Kain na po tayo Mama D para makainom na po ulit kayo ng gamot. Masakit pa po ba ang ulo ninyo." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, bigla siyang nagtakip ng bibig, "Sorry po Mama D, ayaw ni'yo nga po pala ng maingay." Nalungkot na naman ang mga mata niya.
"Medyo okay na ako, tara na sa baba para makakain."
Humawak siya agad sa kamay ko.
"Maupo na po kayo Mama, kukuha lang po ako ng sopas."
"Hindi na, maghahanda na si Yaya Belen ng pagkain natin, sit down."
Susubo na sana ako nang bigla siyang pumikit at pinagdikit ang dalawang palad.
"Thank you po Lord sa pagkain na niluto ni Yaya Belen, salamat po at okay na si Mama D ko, Amen." Nakangiti siyang tumingin sa akin, "I love you Mama D."
"Sige na, eat your food na habang mainit init pa."
Hindi pa kami tapos kumain ay biglang dumating si Tonette, pawis na pawis at napansin kong parang namumutla siya.
"Nangnang, kain po tayo."
"Finish your food baby, hihiramin ko lang saglit ang Mama D mo ha." Sabi ni Tonette at tumingin sa akin, sinenyasan niya akong sumunod sa kuwarto niya.
"Drink your milk ha, babalik ako." Sabi ko kay Beya bago ako sumunod kay Tonette.
"Bakit? May problema ba?"
"Oo." Sagot niya kasabay ng buntong hininga.
"Ano?"
"Una sa lahat, ito na ang mag meds mo, inumin mo naman, parang awa mo na. At sabi ng Doctor mo e tumawag ka raw sa kanya para makapag-usap kayong dalawa ng maayos. Huwag na matigas ang ulo, Darlene De Guzman." Seryoso siya kaya alam kong mayro'n siyang problema.
YOU ARE READING
I FOUND THE BEAT IN YOUR HEART
Romance"Sa mundong magulo at walang sigurado, makakahanap rin tayo ng taong pipili sa atin kahit sa mata ng iba ay hindi tayo kapili-pili." Sobrang suwerte ni Darlene sa kanyang matalik na kaibigan na si Tonette, tinutulungan siya nitong mag-alaga sa anak...