11:59

56 6 4
                                    

Six hours and fifty-two minutes...

Hindi nakapaghanda ang grupo ni Dahlia nang maaga. Kulang pa ang clips ng kanilang documentary. Mahigit tatlong araw na rin nila itong ni-ru-rush. Nag-crash na nga ang editing software sa kalagitnaan, d-in-elete pa ng tanga nilang kaklase ang mga raw footage sa drive. Puno na raw kasi.

"Dala mo naman cam at SD card, di'ba? 'Wag mo na akong hintayin, start ka na para transfer na lang ng files sa laptop ang gagawin mamaya."

"Kahit maliwanag? E 'di hindi nakakatakot 'yon?" sagot ni Dahlia. Tiningnan niya ang relo at nakitang alas-singko na. Kailangan niya lang maghintay ng isa pang oras at magsisimula ring dumilim.

"Oo, ayos lang 'yan! Fillers lang naman 'yan, beh. Check mo 'yung docs, nandoon ang listahan ng mga shots na kulang."

Mabait na bata si Dahlia. Masakit sa pusong maisip na hindi magiging kumbinsido ang propesor niya sa kalalabasan nito. Para saan pa na sinuyod niya ang kahabaan ng Balete para magtanong-tanong? Ilang beses pa siyang bumyahe nang hatinggabi kung makakakuha lang rin siya ng lagapak na marka mula sa propesor nila. Kilala pa naman ito sa pagiging metikuloso at maramot sa mataas na grade.

Nakaismid na binaba ni Dahlia ang tawag. Napapangitan siya sa gawa nila. Aabot nga sila sa deadline, bara-bara naman ang output. Kung nagplano lang sila nang maayos simula pa lang ay hindi sila mangangarag ngayon.

Walang gustong maging leader at hindi kumikilos ang mga writers ng grupo kaya ang bagal ng progress ng project. Halos silang dalawa na rin ang umako ng mga gawain.

Naka-assign siya sa pagkuha ng pictures at videos, at nagdadalawang isip na kunin ang role na writer. Aminado naman siyang hindi siya manunulat. Gayon pa man, hindi maitatanggi ang pagkahumaling niya sa mga dokumentaryo. 'Di tulad ng ibang istorya, walang may hawak ng naratibo. At 'di tulad ng ibang istorya, hindi niya kailangang mag-imbento. Ewan ba kung bakit pumayag siya sa idea nila. Akala niya seryoso, hindi pala. Kung sino pa ang mga nag-suggest na Balete Drive ang gawing subject para may thrill ay sila pa itong mga walang ambag. Huli na niya napagtantong wala silang balak panindigan ito.

Natagpuan niya na lang ang sariling inuungkat ang mga haka-haka sa lugar. Hindi lang record niya ang masisira, pati na rin ang kanyang ulo dahil sa misteryong dala ng babae sa Balete.

Malakas ang buhos ng ulan. Hindi pa rin umaalis ang bagyo sa bansa. Mayamaya lang ay may pumara sa kanila. Akala ni Dahlia ay hindi lamang nito nakikita na may pasahero, ngunit may tinuturo ito sa ilalim ng kotse.

Naniningkit ang mata ng gusgusing babae dahil sa patak ng ulan na tumatalamsik sa mukha niya nang madaanan nila ito. Gargal ang boses kaya hindi maiintindihan ang sinasabi. Kinatok nito ang salamin sa gilid ni Dahlia. Hindi nila ito pinansin.

"Kuya, totoo po ba talagang may nagpapakitang white lady dito?" tanong ni Dahlia sa driver.

"Meron daw, pero wala pa naman akong nakikitang kakaiba. Kita mo 'yan?" Tinuro niya ang taas ng mga nakaharang na pader na pinalibutan ng berdeng halaman at damo.

"'Yan ang nakakatakot. Naglalakihang mga bahay. Mukhang haunted house na nga ang iba sa luma." Tumawa ang driver, pero naupos din.

Tumango si Dahlia.

"Yung kumpare ng kasamahan ko, dito-dito rin naaksidente. Bumyahe siya sakay 'yung mag-inang pasahero. Mabilis ang patakbo. Kampante siguro dahil gabi na. E, biglang may tumawid. Ayun, sumampa sa gutter at tumama sila sa puno ng Balete."

"Baka naman po tao 'yun?"

"'Yan din ang sabi ko, malamang nakainom 'yung drayber. Pero white lady daw talaga. Dahil kung tao, dapat humingi na ng tulong nung bumangga sila. Kung ako tatanungin, palpak lang 'yung drayber. Tahimik ang lugar na 'to, wala gaanong tao at sasakyan na dumadaan."

11:59Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon