CHAPTER 64

4 1 0
                                    


Ara's POV

Nang maggabi na ay lumabas ako ng hotel at pumuntang dalampasigan, sure akong tulog na ang pamilya ko at mga kaibigan, Ewan ko na lang kay Enzo.

Nang nasa dalampasigan na ako, umupo ako sa buhangin at niyakap ang aking tuhod, tumingin ako sa langit. Lolo....alam kong nandyan lang kayo palagi sa tabi ko, thank you dahil hindi mo ako pinababayaan.

Napapikit ako, ramdam ko ang init ng mga luha na nagbabadyang pumatak. Minsan kasi, nakakapanibago na wala na siya, na hindi ko na maririnig ang mga payo niya o ang mga halakhak niya kapag napapagalitan ako.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Nathan, kaagad ko siyang nilingon, seryoso lang ang mukha niya as usual.

"Hindi ako makatulog."

Tumango lang siya at tumabi saakin, tinignan niya ang malakas na alon.

Tahimik kaming naupo ni Nathan sa dalampasigan, pareho naming pinagmamasdan ang malalakas na alon na humahampas sa baybayin. Nakakaaliw siyang tingnan sa kabila ng pagiging delikado, parang may sariling kwento ang bawat alon na dumadampi sa buhangin.

"Bakit hindi ka makatulog?" tanong niya, hindi nakatingin sa akin, pero seryoso ang tono niya.

"Wala lang hehe...ikaw? bakit nandito ka?, hindi ka rin ba makatulog?.."

"Yeah," simpleng sagot niya, at bumuntong-hininga siya habang nakatingin pa rin sa alon.

"Hindi na pala kita nakakausap ng madalas no? naging busy kasi ako eh sorry.."

"It's fine, no problem. Naiintindihan kita, anyway congrats sainyo ni Matt."

Napangiti ako sa sinabi niya, pero may konting kaba rin sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may bigat sa tono niya kahit pa kaswal lang ang boses niya.

"Thanks, Nathan," mahina kong sagot, tumingin ulit sa alon para hindi niya makita ang reaksyon ko. "Matagal ko na yung pinapangarap."

Tumango siya, medyo lumayo ang tingin sa malayo. "Yeah, I can see that. Basta, maging masaya ka. Yun lang naman gusto ko para sa'yo."

Parang may kung anong kirot sa puso ko sa sinabi niya, pero hindi ko na pinahalata. Baka kasi, masyado ko lang iniisip o baka pagod lang din siya. Pero deep inside, natutuwa ako na nandyan si Nathan, tahimik pero supportive.

"Thank you again Nathan."

Ngumisi siya ng bahagya "Para sayo? anytime."

Napabuntong-hininga ako at bahagyang ngumiti rin. "Swerte ko rin talaga na may kaibigan akong palagi lang nasa tabi ko."

Nagkibit-balikat lang siya, pero hindi nawawala ang tingin niya sa akin. "Kahit anong mangyari, Haira, may mga tao talagang di mawawala sa tabi mo, and you know... I'm one of those people."

Tiningnan ko siya ng mabuti, nararamdaman ko yung bigat ng mga salitang binitiwan niya. "Thank you," mahina kong sabi, pero puno ng ibig sabihin.

Nagulat ako ng hawakan ni Nathan ang kamay ko, hindi ko alam na sobrang lapit na pala namin......

"Pero kung hindi ba dumating si Matt sa buhay mo, ako ang magugustuhan mo?" Bulong niya, napakunot ang noo ko.

"Nathan? what are you saying?"

Mas nabigla pa ako ng hawakan niya ang pisngi ko at.......nanlaki ang mata ko, nagdampi ang mga labi namin, kaagad ko siyang tinulak at tumayo.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now