Habol ni Faye ang paghinga, Nasa isang liblib siya na lugar kung saan hinahabol niya ang babaeng hinihila palayo sakanya si Yoko. Inilalayo nito sakanya ang asawa, then she remembered what Rafael said .
Wag mo nang habulin , Wag mo nang hanapin , Baka nasa bahay na iyon . Masyado kang mahal nang isang iyon para iwan ka. Hindi ka iiwan ni Yoko, So stop panicking .
Sana nga, magdilang-anghel ka Raf. Sana.. Piping dasal niya.
Kasabay noon ay napamulat mula sa mahimbing na pagtulog, Panaginip lang pala. Nang maramdaman niyang hindi lang siya nag-iisa sa kanilang kama . Katabi niya si Yoko . Katabi niya ang kanyang asawa. napapikit muli siya sa pag-aakalang baka namamalikmata lamang siya .
Pero hindi , Katabi niya ang asawang nakayakap pa sakanya.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabungaran , Si Yoko ay mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. She slowly touched Yoko'ss face and watched her wife while asleep. Animo bumabawi siya sa matagal na panahon na pinagkaitan niya ang sariling pagmasdan ang napakagandang mukha nito . Nanatili siyang nakatitig sa asawa habang matamang itong pinagmamasdan .
___
Naalimpungatan si Yoko. Nang magmulat siya nang mga mata ay nakita niya si Faye na nakatunghay sa kanya.
"Kanina ka pa ba gising?"
Ngiti lang ang isinagot ng asawa. Akma siyang babangon ngunit pinigilan siya nito.
"Stay where you are Yoo. " marahan nitong sabi. Nagtataka siya sa kinikilos nito. Lubos din siyang naninibago. Tila naging ibang tao si Faye sa dalawang araw na hindi niya ito nakita.
Anong ibang tao ? Nung isang linggo pa yan ganyan sayo. Ikaw lang ang hindi makapaniwala. Ang gaga mo kase !
"We need to talk. And I won't let you stop me anymore." Sa narinig ay nilukuban uli siya ng kaba at walang kapares na lungkot.
"Bakit ano bang gusto mong pag-usapan? Yung tungkol ba sa divorce paper? Gusto mo na ba talagang makipaghiwalay?" hindi mapigilang maluha ni Yoko sa kanyang sinabi.
Tila hindi naman makapaniwala si Faye sa kanyang sinabi. Bahagya pa itong sumimangot with a half smile.
"Silly you. Baka ikaw gusto mo para maging malaya kana kay Anda." himig pagtatampo ni Faye.
Siya naman ang nagulat sa tinuran ni Faye.
"How many times do I told you na walang kami ni Anda?''
Napalabi naman si Faye tila hindi naniniwala.
"Ngayon lang ako nainform na pwede nang makipaghalikan sa isang kaibigan." naninibugho ang tinig ni Faye."Iyon ba ? Hindi ko ginusto un okay? Nabigla lang din ako sa ginawa niya. Pero walang ibig sabihin yon sakin." depensa ni Yoko.
"Hindi ka kase makinig sakin. Sinabi ko nang wag kang nakikipagkita sa babaeng iyon sumisige ka pa rin ." Faye pouted.
"So iyon ba ang dahilan kung bakit gusto mo na kong hiwalayan? Sabihin mo lang kase kaya naman kitang sundin sa gusto mong wag na kaibiganin si Anda. Ginawa ko lang naman yung makipaglapit sakanya kahit ayaw mo kase ikaw.. " Yoko stummered. "kase Sabi mo isang taon lang naman tayo magsasama di ba? And still i need Anda to be my companionship. "
''It aint a year yet." nagkibit balikat pa ito.
"And maybe yes, you said."
Hindi na napigilan nitong mapatawa. Nabigla si Yoko. Para pa nga siyang nahipnotismo sa pagtawa ng asawa. Yung nawawala ang magaganda nitong mata kapag tumatawa. Oh how she loved seeing her this way...
BINABASA MO ANG
Fairytale of You
FanfictionFrom original version of Rastro fanfic (last year: heartbreak) YES! I am the same author.