Shantelle Kristina
"Ram?"
Kasalukuyan akong naliligo ng makarinig ako ng kung anong kalababog sa kwarto.
Ilang sandali lang ay isang kalabog na naman ang aking narinig. Sinarado ko ang shower at nagtapis ng tuwalya.
"Ram?" Ulit kong tawag dito. Ang alam ko ay nakaalis na sya papasok sa trabaho. Mukhang may nakalimutan siguro sya kaya bumalik.
Nang wala na akong narinig na ingay sa labas ay tumapat na ulit ako sa shower para ipagpatuloy ang aking pagligo. Pero bago ko pa matanggal ang tuwalyang nakatapis sa katawan ko ay narinig kong may pumipihit sa door knob ng pintuan.
"Ram ikaw ba yan?" Bahagya akong lumapit sa pintuan para marinig ang sagot ni Ram pero walang nagsalita. Patuloy pa rin ang pagpihit nito sa pintuan.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Ram, sumagot ka. Ikaw ba yan?" Muli kong tanong. Wala pa rin akong narinig na sagot kaya naman napaatras ako. Agad akong naghagilap ng bagay na pwedeng ipanghampas pero isang malakas na kalabog ang narinig ko kasabay ang pagbukas ng pintuan.
Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa nakita kong iniluwa ng pintuan.
"Shantelle."
Unti unti akong napaatras ng napaatras sa taong nasa harapan ko.
"Sa wakas, natagpuan na rin kita!" sabi nito sa malademonyong boses kasabay ang nakakakilabot nitong pagtawa. "Napakaganda mo pa ring bata ka... kahit na buntis ka na." Dugtong pa nito.
Ngayong nasa harapan ko na si Uncle Milan, pakiramdam ko katapusan ko na. Halos rinig na rinig ko na ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba at sa sobrang takot.
"Akala mo ba ay matatakasan mo ako? Hangga't iisa ang tinatapakan nating lupa, hinding hindi mo ako matatakasan Shantelle! Hindi mo ako kayang takasan!"
Napahawak ako ng mahigpit sa pagkakabuhol ng tapi ng tuwalya sa katawan ko dahil sa paraan ng titig nito sa kabuuan ko. Nanginginig akong tumakbo ng tangkain na nitong humakbang papalapit sa akin. Pero namali ng tapak ang isang paa ko at napapilipit. Mabuti na lamang at malapit na ako sa lababo kaya agad akong napahawak doon para pigilan ang pagbuwal ko.
"Hindi ka na makakatakas sa akin ngayon!"
"Aaah!" Sigaw ko ng mahablot ako nito. Buong lakas akong lumaban pero natatakot ako dahil sa sitwasyon ko. Buntis ako at baka mapano ang dinadala ko. Ang isa pa ay naramdaman kong iba talaga ang pagkakapilipit ng paa ko kaya kumikirot na ito.
"Raaaaaam!" buong lakas ko na lamang na naisigaw.
"Isa pang sigaw mo! Hindi ako magdadalawang isip na laslasin yang tiyan mo at patayin ang bata sa loob nyan! Sige... sigaw pa!" Natanggal na ang tuwalyang tumatakip sa katawan ko dahilan para tumambad ang hubad kong katawan dito. Mas tripleng kaba ang naramdaman ko ng makita ko ang hawak nitong patalim. Itinutok pa nito iyon sa tiyan ko kaya ramdam na ramdam ko ang tulis ng patalim na iyon
"U-Uncle parang awa nyo na, lubayan---"
"Hindeee! Hinding hindi! Akin ka lang. Walang pwedeng mag may ari sayo kung hindi ako lang. Wala akong pakealam kung may asawa ka na! Papatayin ko sya!" Bulyaw nito sa akin. Mas lalo kong naramdaman ang pagdiin ng patalim nito sa aking tiyan.