This story is purely imagination, names, places, birthdays, school, business, locations, incidents are coincidental added to this story.
Grammatical errors, cussing, traumatic events are added
All rights reserved, this book may not reproduced, copied, without
author authorization.Enjoy reading 🤍
Edited Part
Sabi nila masaya, masaya ang kumpletong pamilya, hindi malungkot, kumpleto at puno ng pagmamahal kapag naging prinsesa ka ng pamilya pero bakit parang mali sila...mali sila na masaya at puno ng pagmamahal kapag kumpleto ang pamilya...
Araw-araw nalang ganit, hindi kona alam kung saan ba pwedeng magsumbong sa nangyayari sa buhay ko
"Giangie, bakit ba ang tagal mo dyan? Palagi ka nalang bang hihintayin tuwing aalis tayo?" Sigaw ni Mommy mula sa labas, pinagbihis nya kami dahil may pupuntahan raw kami
"Opo, pababa na po" sagot ko at kinuha ang telepono sa tabing kama ko
Pagkababa ko naroon na silang lahat, magaganda ang ayos at magagarang damit ang suot, samantalang ako pinag ti-tiyagaan ang lumang asul na bistidang bigay ng Lola ko ng ika labing pitong kaarawan ko
"Bakit ba ang tagal mo?" Kunot noong tanong ng nakakatandang Kapatid ko sakin bago pinasadahan ng tingin ang bistidang suot ko
"Bakit po?" Tanong ko " hindi po ba bagay damit na suot ko sakin?" Dugtong ko pero tinalikuran nya lang ako
Nakasakay na kami sa sasakyan at hindi rin naman ganon katagalan ang byahe bago kami huminto sa isang malaking bahay na puno ng maraming pailaw at magagarang sasakyang nakapalibot na diko alam kung may okasyon dahil sa design na nakapalibot sa mansyon
"Bumaba na kayo, tayo nalang hinihintay sa loob" napabalik ako sa ulirat at bumaba sa kotse, pumasok kami sa loob ng isang higanteng Gate na pinagbuksan ng 2 katulong at bumati
"This way Sir Arciaga, Mr Pineda is waiting" bigkas ng babae na sa tingin ko ay mayordoma ng mansyon
" Mr. Pineda I'm sorry we're late paunang bati ni daddy sa isang lalaking may katandaan na rin na nakaupo sa tapat ng pinaka gitnang mesa sa hapag kainan
Matagal bago ko naialis ang tingin ko sa kanya ng sya ang tumingin sa akin ay ako ang nag-iwas bago syang muling magsalita
"Who's this young lady besides your wife Mr. Arciaga" tanong nito kay Daddy
Tumikhim si Daddy bago muling nagsalita" ah, this girl she's my son Personal assistant" tukoy nito sakin
Hindi ko mapigilang hindi masaktan sa tuwing ikakaila nila ako tuwing may okasyon, o may pupuntahan, minsa'y nagiging katulong ako, o di kaya'y minsan PA ng kapatid ko, hanggang kailan ba nila ako itatanggi?
"Bumati ka sa kanila" pasimpleng bulong ni Mama sa likuran ko bago pekeng ngumiti sa lalaking kaharap namin ngayon
"Good evening Sir, I'm Giangie Mendoza, Personal assistant of sir George Arciaga, it's a pleasure to meet you sir" bati ko at pekeng ngumiti
"Don, doña Solene, senyorito, senyorita, mauuna napo ako sa labas" paalam ako at yumuko, ngunit bago paman ako makaalis hindi nakawala sa tingin ko ang mga titig ng mga Kapatid ko sa akin bago ako makalabas
Pagkalabas ko ng mansyon ay sya ring pag bagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala, gusto ko ng magreklamo at magtanong minsan kung bakit hindi ako ipinapakilala ng pamilya ko pero naiintindihan ko rin sila dahil simula palang ng maipagbuntis ako ng Mama ay itinago nako sa Publika
YOU ARE READING
Unseen Star (Unwanted One)
Short StoryGiangie Mendoza Arciaga the 2nd daughter of Family Arciaga who's the unseen star, a neglected and have no freedom of voice, a daughter who's being accused of causing of her younger sister death