picture

71 8 5
                                    

Hi I'm EJ 19yrsold mabait at loyal sa pinakamamahal kong tao na di ako naalala dahil naaksidente siya at nagkaroon siya ng amnesia ang masaklap nga lang ako lang ang di niya natatandaan.. pero gagawin ko lahat para maalala niya ako sa pamamagitan ng mga larawan namin :)

EJ's POV

Hayy ngayon na yung araw na gagawin kong sopresa para kay sophia sana maalala niya lahat lahat sayang naman yung 2yrs namin pagmamahalan kung di niya ako maalala gagawin ko lahat para maalala niya ako..

Hinanda ko na lahat ng mga picture namin at lahat pa ng bagay na gagamitin

(Habang nagaayos lahat ng dekorasyon si EJ si sophia naman ayy pinunpuntahan ng kaibigan ni EJ para sunduin para ihatid kay EJ)

"Hay natapos na rin sana magustuhan niya to" sabi ko sa sarili ko

Biglang naring ang cellphone ni EJ

"Hello pre nasundo na namin si Sophia"sabi ni chris sa kabilang linya

"Ahh talag sige mag-aayos na ako tawagan niyo na lang ako pagmalapit na kayo sige bye salamat" sabi ko

"Sige walang anuman"sabi ni chris at binaba ang tawag

(Nagayos na si EJ excited na talaga siya chineck niya ulit lahat ng gagamitin niya para sa pagkanta)

Sophia's POV

Hayy ano bayan ang aga-aga nangbubulabog yung kaibigan nung EJ na "Boyfriend KO daw"

"Ano kailangan mo?" Sabi ko sa kanila ng mataray

"Uhm kailangan mo kasing sumama sa amin may pupuntahan tayo" sabi ni chris

"At saan naman yun?sabi ko

"Basta suprise na lang please sumama ka na sa akin"pagmamakaawa ni chris

"Hayy sige na nga magbibihis lang ako"sabi ko

"Yes!Salamat" sabi ni chris habang nakangiti

(Nagbihis na si Sophia nakadress siya na blue at naka flat shoes siya nakalight makeup at nagcurl din siya ng hair)

"Tara na alis na tayo" aya ko sa kanila

"Sige tara na" sabi nila

(Habang nasa biyahe sila eh napakatahimik walang masyadong naimik.. tinawagan naman ni chris si EJ para ipaalam na malapit na sila)

"Nandito na tayo!" Sigaw ni chris

"Hayy sa wakas nakarating din" reklamo ko kapagod grabe

Biglang lumapit si chris kay sophia para lagyan ng blindfold

"Oyy! Tanggalin niyo to bakit niyo ko nilagyan ng ganito!"sigaw ko

"Basta suprise kasi bawal mo makita mamaya mo pa makikita" sabi ni chris

Naglakad na sila para dalhin kay EJ si Sophia

EJ's POV

Hayy andito na si Sophia sa harapan ko sana maalala niyang lahat ng gagawin ko para sa kanya sana bumalik na sa alala niya ang panahong masaya kami sa pamamagitan ng larawan..

(Tinanggal na ni EJ ang blindfold ni Sophia nagitla naman si Sophia sa mga nakita niya)

"Nagtataka kasi puro larawan natin yang nakikita mo"sabi ko

"Oo eh bakit sa lahat ng picture magkasama tayo"sabi niya

"Mamaya papaalala ko sayo lahat niyang mga yan" sabi ko

PhotographTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon