Every ENDING, has a new BEGINNING

36 0 0
                                    

Isang katok sa pinto ang nag pagising sakin

"Nic, Pare!" sabi ni Eric. kaibigan ko.

"Ang aga niyo mambulabog!" sigaw ko sa kaniya at sa kanila dahil sigurado akong dala niya ang barkada. Tsk. 

Nagtalukbong na lang ako ng unan. Narinig ko na lng na kumalabog ang pinto.

"Ano ba?!" tsaka ako tumayo at binuksan ang pinto. Nakita ko nanaman ang pagmumukha ng tatlong to. Si Tim,Eric,Jake.

"Magbihis ka. Mas maigi na maaga pa lang wala ka na sa kwarto mo ng hindi ka na mag mukmok diyan at umiyak." sabi ni Tim

"Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi ko na lng sa kanila. At dumiretso sa banyo.

Palabas na kame ng bahay nang tanungin ko sila kung saan kme pupunta.

"May bago daw na gimikan dito eh. Tara dun tayo punta?" sabi ni Jake

"Sige!" sagot ni Eric at Tim

" Bahala kayo." sabi ko nalang.

Nakarating kame sa tapat ng TGH Club. Nga lang pag tingin ko sa gilid, bigla na lang kumirot ang puso ko. 

Diyan nag umpisa at natapos ang lahat samin ni Carmella.

"Pare. pass muna ko, may pupuntahan lang." paalam ko sakanila tsaka tumakbo sa tapat ng park.

Naglakad lakad ako hanggang sa nadaanan ko ang puno kung saan ko siya unang nakita.

(FLASHBACK)

Naglalakad ako sa park kasi wala akong magawa sa bahay. Habang naglalakad ako, napahinto ako kasi may nakita akong malaanghel na babae sa  ilalim na puno, natutulog. Ewan ko kung bakit pero may sarili atang utak ang paa ko kaya lumapit ako sakanya. 

Mas maganda siya sa malapitan. Lumuhod ako, kalebel na niya ako.Tinitigan ko siya nga lang nagising.

"Uhmm. Ano kailangan mo?" tanong niya tsaka umayos ng upo.

"Wala naman. Naboboryo ako sa bahay namin naglakad lakad ako dito sa park. Tsaka kita nakita. Sorry kung nagising man kita." sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba ok lang yun. Nga pala kung naboboryo ka makipag kaibigan ka. Ako nga pala si Carmella Guttierez. Ikaw si?" tanong niya sakin.

"Ako si Dominic Cruz. Mukhang magandang ideya yan. At syo ko sisimulan. Friends?" Sabi ko sakanya tsaka nakipag shake hands.

"Friends." sabi niya tsaka nakipag shake hands

At yun yung una naming pag uusap. Tumagal ng tumagal ang frienship namen at nagkaron ako ng crush sa kanya. 

Lumalim payon ng lumalim hanggang sa na in-love ako sakanya. Niligawan ko siya nun. At hanggang sa naging kame. Dumating ang araw ng First Anniversary namen.

Gumagala kami dito nun sa park ng sinabi niya" Nga pala Nic, may papakilala ako sayo. Kaibigan ko si Cassandra."

Nakipag shake hands ako sakanya at ngumiti." Dominic" sabi ko.

At ayun inenjoy namin ni Carmella ang araw. At parang weird tong si Cassandra, nahuhuli ko palaging nakatingin sakin. Ewan ko baka nag kakamali rin naman ako. Iniwan muna kami saglit ni carmella dahil bibilidaw siya ng maiinom.

"Nic, M-may g-gusto ako s-sayo." sabi ni Cassandra. umupo kasi kami sa isang bench dito sa park. Sabe na nga ba eh.

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo Cassandra? aagawan mo si Carmella. Diba kaibigan mo sya?!" Galit kong tanong sakanya.

"Hahahaha. Oo handa kong gawin yun kay carmella para lang makuha ka. Dahil gusto kita!" Sabi niya sakin.

"Kung ganun wala kang kwentang kaibigan. Aalis lang ako susundan ko si Carmella." Sabi ko sa kanya na may panlalamig. Pano niya kakayaning gawin yun sa kaibigan niya? she's so impossible. May naring na lang akong nadapa.

"Anong nangyari sayo?" Tanung ko sakanya. At tsaka lumapit. Laking gulat ko na lang ng yakapin niya ko. Kasunod nun ang pagkahulog ng mga lata. 

Agad akong bumitaw sa kanya. Ngunit pagkaharap ko, andun si Carmella umiiyak.

"C-carmella, i-it's not what you think." paliwanag ko.

Nga lang tumakbo siya. Hinarap ko si cassandra. " Pag may nangyaring masama kay carmella di kita mapapatawad." 

Tsaka ko siya sinundan.

Laking gulat ko na lang nang tumakbo si carmella palabas ng gate ng park tsaka nabundol ng truck.  

Parang nabato ako sa tapat ng gate nang makita ko si carmella na duguan sa kalasada. Pinuntahan ko siya.

"Carmella w-wag kang pipikit. D-dalhin kita sa ospital." nanginginig na boses kong sabe.

Nginitian niya ako tsaka sinabi " D-domin-nic"

"Shhhh, wag ka na mag salita." sabi ko ng umiiyak.

"I-ipangak-ko m-mo s-sakin na, ma-magiging m-masaya -k-ka ha?" sabi niya na tila hirap na hirap na.

" Yung nakita mo kanina s-samin ni cassandra. W-wala yun o-ok? Lalaban ka please?" sabi ko nang nagmamakaawa.

"M-making k-ka s-sakin ok?, M-mahal k-kit-ta. I-ipangak-ko m-mong mag-giging m-mas-saya ka. B-bye Domi--" sabi niya bago siya mawalan ng hininga.

(END OF FLASHBACK)

At hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa nangyaring yun. Hindi ko nga ata matutupad ang pangako ko kay Carmella na magiging masaya ako. Umidlip muna ako saglit sa punong yun.

Nagising na lang ako dahil feeling ko may nakatingin sa akin.

"May kailangan ka Miss?" tanong ko sa kanya tsaka umayos ng upo.

"Ahh. Eh naglalakad kasi ako dito, naboryo ako sa bahay. Habang naglalakad ako nakita kita. Sorry kung nagising kita ah." Sabi niya.

Parang unang pag uusap lang namen ni Carmella.

"Kung naboboryo ka makipag kaibigan ka. Ako nga pala si Dominic Cruz." napangiti naman ako.

"Let me start with you. Ako nga pala si Angelie Domingo. Friends?" Sabi niya. Ito ba ang papalit sayo Carmella? Sana sumaya na ako.

"Friends" sabi ko.

Katulad ng kinahantungan namen ni Carmella, Ganun din ang nangyari samin ni Angelie. Nag tagal nga lang kame mahigit sa isang taon. Masaya ako sa piling niya. Ito ang sinasabe ni Carmella saking kaligayahan.

Tama nga ang quote na  

'Every ending, has a new Beginning'

End.. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every ENDING, has a new BEGINNINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon