April 9, 2013
Dear Diary,
Sorry. Wala akong balak habaan ito. :( Pagod po kasi ako. XD Basta ganto na ‘yun. :D
Umagang umaga, gumising na ako. Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko ‘yung Mama ko na nagluluto na ng dadalin namin sa swimming. :) Summer Outing kasi naming magkaka-kapit bahay. Tinanong ko si Warren nun, kung sasama sila. Pero hindi daw eh. Kaya umagang umaga, hindi ako excited. :/
Nauna ng umalis ‘yung iba naming kapit-bahay. Naka-jeep kasi sila. Eh kaming pamilya, naka-kotse. Masyado na kasing masikip kung sa jeep pa kami sasama. :)
Wala nga. Hindi daw sasama sina Warren. :’( Kaya ako, para mabuo naman ang umaga ko, pagkatapos ko maligo, dumaan daan ako sa tapat ng bahay nina Warren. :) Para man lang bago kami umalis, makita ko ang inspirasyon ko. :”> Pero pagtingin ko sa pintuan nila, wala ‘don ‘yung tsinelas ni Warren.
8:06 am. Dumating na kami sa resort kung saan magsuswimming ang buong Compound. Pag dating namin dun, andun na yung mga kapit-bahay namin. ‘Yung iba, nagluluto ng lunch, ‘yung iba nagsuswimming na. At ‘yung iba nagbabaraha. :D
Hindi ako agad-agad lumusong sa tubig. :) Umupo muna ako sa cottage. Habang nakaupo ako nagbabasa ng GM ng kaibigan ko. Nagulat na lang akong bigla…
8:21 am. Natatanaw ko si Warren sa malayo. Umaakyat pabalik sa hagdanan ng swimming pool. Nakared na sando at nakablack na shorts. Bigla niya hinagod ang basa niyang buhok. At naglakad. Naglakad ng naglakad hanggang sa mapalapit siya dito sa cottage.
Warren: Oh Jasmine! Kakadating niyo lang?
Ako: A-ah. Oo. :))) Ikaw, akala ko ba hindi ka sasama? X)
Warren: Eh kasi eh. Sabi ni Kuya Jeff sumama daw ako para may magbabantay kay Trixie. (1 year old na pamangkin ni Warren.)
Ako: Ahhh. Kaya pala. :)
Warren: Tara swimming na tayo? :D
Ako: Mamaya na, susunod ako. :’)
Ehmerged! Niyaya niya ko. ♥ Meghed! Ahihihi. :”>
Hanggang sa maya-maya, nagswimming na ako. Kasama ko si Warren, Sheila, Sheryl, Steph, Jason, Jonathan, Gerald at Alguin. :)) Mga friends ko. :D Actually, na-o-out of place nga sa’min si Warren. Kasi nga diba, bagong lipat pa lang siya at kami pa lang nina Kara at Louie ang kaclose niya. Kaya ipinakilala ko si Warren sa mga kaibigan ko. :”>
Hanggang sa lumipas ang mga oras, nagtaya-tayaan kami sa pool. Dumating ‘yung oras na si Warren ang taya. :”> Tapos hinahabol niya ako. S’yempre ako, kunwari naiwas, kunwari nagmamadali akong makalayo kay Warren pero ang totoo, iniintay ko na mataya niya ako. :””””>
Tapos napagod na kaming maglaro. Kaya tumambay na lang kami. Sina Sheryl, Steph, Jason, Gerald at Alguin, bumalik sa cottage. Nagugutom daw kasi sila. :) Tapos kaming apat naiwan sa pool at nakatambay. Ako, si Warren, Sheila at Jonathan. :D
Maya maya, biglang dumilim ang kalangitan. Umambon. Kasabay non ang pagtulo ng luha ko. Kasi ang saya saya ni Sheila at Warren. :/
Go Away. Save yourself from the heartaches... ♫
Akala ko Goodnight na. XD Pero 8:16 pm. Lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Warren. :”>
Ako: Oh ano, pagod?
Warren: Oo eh. Hapdi ng likod. :)))
Ako: Hahaha. Amputi ng mukha mo! :p
Warren: Ongae. Ang init kasi. :”>
Ako: Sige, tulog na ko. :)
Warren: Goodnight Jasmine. :”)
OH GOODNIGHT NA TALAGA! :”””””>
BINABASA MO ANG
Diary ng Hopeless (COMPLETED)
Genç KurguIto ay tungkol kay Jasmine na isinusulat ang mga nangyayari sa kanya buong araw. Ang diary na ito ay naglalaman ng mga kilig moments, nega-thoughts, at mga inspirational quotes. In short, ang Diary na ito ay tungkol sa crush ni Jasmine na si Warren...