Chapter One

11 0 0
                                    

The Snake Within
" Our paths collided‚ chaos ensued "

Nakakairita si Marceau‚ may ubo ata sa utak‚ pano ako magiging si Fiona e mas maganda ako dun. Ako na nga magiging asawa nya‚ iisipin pa nya na ako yung ahas na ex nya‚ it's getting on my nerves!

Nasa hardin ako‚ pinagmamasdan ang mga pulang rosas na nakatanim‚ pati na din ang araw na unti-unting tumataas. Ang ganda ng kalangitan‚ sunrise is one of my unpaid therapist‚ it heals me. Sana sila din‚ katampo kasi ang mga people‚ walang kakampi.

Maya-maya ay may narinig akong sasakyan nagpark sa may parking ng malaking mansyon na 'to‚ baka katrabaho lang ni Marceau‚ teka! Asan ba yung lalaking yun‚ kwarto daw namin pero hindi dun tumulog.

I'm wearing a shorts na napasobra ata ang ikli and fitted sando‚ sadya na'kong ganto‚ I'm kinda hubadera‚ you know. Naka-ponytail naman ang mahaba kong buhok pero medyo makalat ang pagkakapuyod ko dito.

Sinilip ko ang pintuan kung sino ang dumating‚ nakita ko si... si... ang hayop‚ nakita ko lang naman ang nagiisang Frank Rodriguez‚ pinsan ko sya pero naging mag-ex kami because of his fucking attachments‚ at‚ at‚ at‚ si Fiona na kapatid nya. Anong ginagawa nila dito? Liligawan si Marceau?

"Oh‚ Zera! Anong ginagawa mo sa bahay ni Marceau? Kasambahay kana ba dito?" pabebeng saad ni Fiona "Tss‚ mas mukha ka pa ngang kasambahay sakin e." sagot ko sa kanya ng may katapangan "Balita ko lubog kayo sa utang kay Uncle Ross? Kawawa ka naman‚ pero swerte ka kasi mapapasayo na yung napagsawaan ko." saad nya "Mama mo! Sayong-sayo na yang Marceau mo‚ mukbangin mo ng buo!" saad ko "Hindi ka pa din nagbabago‚ Zerafina‚ matapang ka pa din. Wala ka paring respeto‚ kaya nga niloko kita e." sabat ni Frank "Ha! Matapang talaga ako‚ tyaka‚ kayo pa yung walang respeto‚ pinagkaisahan nyo ako!" I shouted "Uto-uto ka naman? Tanga mo din e noh?" Fiona answered "Magkapatid nga kayo! Parehas kayong mangloloko‚ mga ahas!" sigaw ko "What did you say?" sasampalin sana ako ni Fiona pero mabilis ko itong hinawakan "Akala mo hindi ko alam? Pinaglaruan mo lang pala si Marceau‚ nakakatulog pa ba kayo? Hindi ba kayo kinakain ng konsensya nyo‚ ha? Palibhasa landi lang ang alam nyo‚ hindi nyo kayang panindigan!" sigaw ko sakanila "Ulitin mo ang sinabi mo at bawiin mo!" magtatangka ulit sya na sampalin ako ngunit hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya "Malandi‚ pakarat‚ kerida!" sigaw ko.

Dahil sa sinabi ko‚ sinampal na nya ako. "Don't just slap me‚ Fiona‚ yan nalang ba ang kaya mo ha?" saad ko‚ tinulak naman nya ako ng may kaunting pwersa "Ah? Lumalaban ka pa ah?" saad ko at tinulak sya ng pagkakalakas‚ halos napaupo na sya sa sahig. "You must be a rag that I can just use to swipe every dirt that the wall has!" sigaw ko at hinawakan ang buhok nya ng pagkakahigpit at dinala sya sa may terrace ng mansyon ni Marceau. Ikiniskis ko ang mukha nya sa pader at nagpupumiglas sya‚ hindi naman ako mapigilan ni Frank kasi alam nya ang mangyayari kapag galit ako. "Stop‚ you bitch!" saad nya kaya binitawan ko sya hanggang sa mapahiga sya sa sahig.

"Marceau! She fucking pushed me‚ she said that if I ever show in front of you again‚ she will kill me!" sumbong ni Fiona. Agad-agad namang lumapit sakin si Marceau at hinawakan ng mahigpit ang braso ko "Magiging malas ka nalang ba talaga sakin‚ Zerafina?" saad nya at mas lalong hinigpitan ang hawak‚ nilapit nya ang mukha ko sakanya at binulungan ako "Don't ever hurt‚ Fiona‚ if you continue hurting her‚ manghihinayang ka sa gagawin ko!" pabulong nyang saad na medyo malakas.

Akmang sasampalin naman ako ni Marceau ngunit naalala ko tuwing sinasaktan ako ni dad noong sinisisi nya saakin ang pagkamatay ni mom‚ napailag ako at tinakluban ang mukha ko. Hindi ko napigilang ang nga luha kong papatak na at hinayaan nalang itong lumabas sa mga mata kong nasasaktan.

Kita ko ang pamumula ng braso ko at may kaunting halos dahil sa kahigpitan ng hawak ni Marceau‚ bigla ko nalang nakita si Cezilion na nanunuod at kita sa mga mata nya ang pagaalala saakin.

Yearning For Your False Allures (#1)Where stories live. Discover now