Inlove ako sa ka-penpal ko (Short Story)

129 7 3
                                    

Wala talagang kwenta ang school na to,konting discuss,konting basa,tapos tatambakan na kami ng mga seatworks! Kabanas yung ganun,tao din kami at napapagod din ang utak namin! Aist!

Itinigil ko na ang pagsasagot ko sa sobrang kabadtripan,isinarado ko na yung kwaderno ko (o Notebook sa mga di nakakaalam) habang nakaipit doon yung ballpen ko.

Kukunin ko na sana yung bag ko mula sa likuran ko ng mapansin ko ang isang maliit na butas sa may pader,nasa pinakalikod kasi ang pwesto ko,at isang pader na kahoy lang ang nagsisilbing harang dito mula sa kabilang room,sinilip ko ito,at napabaling naman ako sa desk ko kung saan nakalagay yung kwaderno ko.

Napangiti naman ako \(^○^)/ AYOS TO! Haha may naisip ako----just sit back and read  இ_இ

Pumilas na ako ng isang papel mula sa kwaderno ko,kinuha ko yung ballpen ko at nagsulat ako ng....

--------

To: ????

Hello,can you be my PENmate? ツ

--------

Inirolyo ko na ito at isinuot ko na ito doon sa butas sa may pader,bahagya akong kumatok upang mabigyang pansin ang aking isinuot na papel sa may butas.

Makailang sandali lang ay nakarinig ako ng katok mula sa kabilang pader,kaya naman agad agad ko itong kinuha.Eto yung reply niya.......

--------

From: ????

Sure why not coconut (˘◡˘) Girl ka po?

--------

Nireplayan ko naman siya ng............

--------

To:????

Hindi,boy ako,ikaw girl ka?

-------

Ilang minuto na rin ang nakalilipas,hindi pa rin niya ibinabalik yung papel,kaya naman sumilip ako doon sa may butas,at shet! Di ko namalayan na isusuot na pala niya yung papel dun sa butas kaya naman natamaan ako sa mata.Bakit ba kasi ipinanganak akong mainipin aist! Hindi ko na ulit uulitin yun takte muntikan na ako mabulag dun ah!

"Hoy bro anung nangyari sayo?" Tanung nung C.M ko,napansin niya siguro na kinukusot kusot ko yung mata ko,umalis na kasi yung guro namin,kaya nagkakagulo na ulit sila,wew di ko yun namalayan ah,masyado kasi akong busy haha.

"Wala to,napuwing lang" Pagkasabi ko nun ay bumalik na ulit siya sa pakikipagdaldalan niya.

Kinuha ko na ulit yung papel....

--------

From:????

Yep,ummm ilan taon ka na po kuya???

--------

Bigla namang napatalon ang puso ko doon,girl siya (●⌒∇⌒●) ibig sabihin pwede akong magkaroon ng pag asa na makahanap ng lovelife ko NGSB ako eh,hanggang crush lang kasi ako.Isa nalang ang kailangan kong iklaro ngayon kung single ba siya o hindi,pero syempre hindi ko muna itatanong sakanya yung ganun.

--------

To:????

16 na ako,huwag mo na akong tawaging kuya nakakailang kasi haha.ikaw?

--------

Dumating na yung next teacher namin hay sagabal naman,nak ng putakte nagpalecture pa.Kaya ayun sulat sulat..............20 minutes na ang nakalilipas at napansin kong hindi na siya nagreply,inisip ko nalang na baka quiz nila kaya hindi siya nakapagreply............................Nakarinig na ako ng katok,haha para sakin kumbaga sa cp pag may nagtxt parang yun na yung ringtone xD.

Inlove ako sa ka-penpal ko (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon