Chapter 43

9 0 0
                                    

BIANCA'S POV

" nagkaPOV din, dami dami ko ng gustong sabihin e. naiipon lahat dito sa loob ko. Unang una yung sa bruha , kilala nyo naman siguro kung sino edi si "MELA". NAkakasira ng araw yung babaeng yun e, masyadong epal, biruin nyo imbes na si Shantal ang kasama ni Calem sa pag-aasikaso ng reception para sa kasal nila, e itong si Mela ang sumama. Masama kasi pakiramdam ni Shantal kaya sya na lang daw ang sasama. See? ang epal diba? Feeling naman nya sya ang future bride, e hindi naman. G R R R talaga sya...kaya nga ngayon pinagsasabihan ko si Shantal baka sakaling matauhan, at malaman nyang inaahas na sya ng babaeng pinatitira nya sa condo nya. I know na tama ako na inaahas ni Mela si Calem kay Shantal, dahil narinig ko mismo sya na sinasabing mahal nya si Calem at gusto nyang maging sila. Tapos grabe ang pag-aasikaso kay Calem pag may gatherings ang barkada, kung hindi nga sila kilala, mapagkakamalan na sila ang magfiancee, hindi ko nga maintindihan tong si Shantal kung manhid ba sya o tanga lang talaga kaya hindi nagrereact sa mga kinikilos ni Mela. Kaya ngayon dapat ng iuntog ang ulo nya para magising na sya sa katotohanan na hindi lang sya ang umaaligid kay Calem. "

Bianca: Shantal ano ka ba naman? Bakit pumayag kang si Mela ang sumama kay Calem.

Shantal: e nagvolunteer sya e.

Bianca: kahit pa, may gusto sya kay Calem pano kung ginagawa nya lahat ng to para maagaw sayo si Calem.

Shantal: ano bang pinagsasabi mo jan?

Bianca: babae ka rin Shantal, alam mo kung may gusto ang isang babae sa lalaki. At narinig ko din ng sabihin ni Mela na may gusto sya kay Calem.

Shantal: balik na naman ba tayo sa issue na to Bianx?

Bianca: dahil hindi ka naman kasi natatauhan. Sige para maniwala ka, bakit hindi tayo pumunta sa condo mo?

Shantal: ano namang gagawin natin dun? E alam namn nating bakatira si Mela dun.

Bianca: yun na nga e. Ihahanap kita ng ebidenaya na magpapatunay na inaahas ka ni Mela.

Shantal: Bianx uso ang salitang privacy okay?

Bianca: aalamin lang naman natin. Kung wala tayong makita, promise titigilan ko na sya.

Shantal: fine! Bilisan lang natin ha, baka mamaya maabutan nya tayo.

Bianca: so what? E sayo naman ang condong yun. Kahit anong oras mong gustuhing pumunta dun, wala syang karapatan para pigilan ka. Nakikitira lang sya dun.

Shantal: okay halika na para matigil kana.

" nagpunta kami sa condo nya at hindi ako nagkamali may gusto nga si Mela kay Calem. Punong puno ng pictures ni Calem ang isang album na nakalagay pa sa ilalim ng unan ni Mela. At take not may mga sulat ng ballpen ang mukha ni Shantal na magkasama sila ni Calem sa picture. Walang utang na loob e. For sure tinitignan nya yun bago matulog. At may mga note pa ha. Sinasabi ko na nga ba at hindi gagawa ng mabuti ang babaeng yun... Naawa naman ako bigla kay Shantal nung nakita yun, gulat na gulat sya at.mangiyak ngiyak."

Bianca: i told you. Walang utang na loob ang babaeng yun. Hindi nya man lang naisip na ikaw ang tumulong sa kanya para makaahon at sa condo mo sya nakikitira.

" maya maya pa dumating ba si Mela at nagulat sya na hawak na ni Shantal ang album na pinagpapantasyahan nya."

Mela: Shantal bakit mo hawak yan?

Shantal: ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sa kin yan.

Mela: let me explain Shantal.

Shantal: hindi na. Alam ko na ngayon na tumutulong pala ako sa isang ahas.

" nagwalk out na si Shantal agad. Nabitin naman ako dun, yun lang ang inabot nya kay Shantal kaya ako na ang tumapos."

Mela: kagagawan mo to.

Bianca: talaga. Tama rin namang malaman nya e. Grabe ka, ikaw na ang pinahihiram ikaw pa ang umaangkin. Para kang magnanakaw, hindi naman sayo kinukuha mo. :)

" sasampalin nya dapat ako pero napigilan ko at sya ang nasampal ko."

(pakkk)

Bianca: dapat lang sayo yan dahil ang kapal ng mukha mo.

" umalis na ako at sumunod na kay Shantal. nakita ko si Shantal na umiiyak at walang kibo."

Bianca: dapat kasi sinampal mo yung maharot na yun e para naman kahit papaano nakaganti ka.

Shantal: tama na Bianca. gusto ko ng umuwi.

Bianca: alam mo kung ganyan ka ng ganyan, walang mangyayari. Maaagawan ka lang ng maaagawan. Tandaan mo ilang linggo pa bago ang kasal mo, marami pang pwedeng mangyari.

Shantal: tama ka, marami pang pwedeng mangyari. :(

" hindi na ko nagsalita at inihatid ko na sya sa kanila. PAgdating naman namin, tinanong agad sya ni Tita kung anong nangyari, nilampasan nya lang at dumaretso sa kwarto nya. Edi no choice, ako ang magkukwento."

Tita: ano bang nangyari?

Bianca: e kasi po tita yung si Mela inaahas po si Shantal. MAtagal nya na po palang balak agawin si Calem kay Shantal. Tapos po yun nalaman ni Shantal.

Tita: e anong ginawa ni Shantal?

Bianca: wala nga po e..

Tita: WHAT? e diba nakatira ang babaeng yun sa condo ni Shantal? Hindi nya man lang ba pinalayas?

Bianca: hindi nga po e. As in Wala po syang ginawa.

Tita: hindi pwede to. Samahan mo ko, pupuntahan natin ang babaeng yun.

Bianca: sure tita.

"Mukang magsisimula na ang WORLD WAR 3. Patay kang Mela ka, parating na kami ni Tita Sarah. Kung si Shantal walang ginawa sayo, for sure kay tita makakatikim ka...pagabukas pa lang ni Mela  ng pinto agad na syang sinampal ni tita."

(pakk)

Tita: ang kapal ng mukha mong manatili pa dito. Wala kang utang na loob, napakabuti na sayo ng anak ko inahas mo pa.

Mela: tita i'm sorry.

Tita: wag mo kong matawag tawag na tita. hindi kita kaano ano.

" kinuha lahat ni tita ang mga gamit ni Mela at itinapon sa labas. Pati si Mela parang itinapon na basura din dahil sa lakas ng pagkakatulak ni tita sa kanya palabas. "

Tita: lumayas ka na dito at wag ka ng magpapakita pa samin.

" umalis si Mela na iyak ng iyak at hindi magkandaugaga sa pagbibitbit ng gamit nya, sa ginawa ni tita para na ring nakaganti si Shantal. For me, she deserves it."

I Prayed for Countless DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon