Chapter 11

4 4 0
                                    

BIGLA akong siniko ni Ruby sa tagiliran, sinamaan ko naman siya ng tingin. Nagbabasa kasi ako gamit ang cellphone ko, ubos ko na naman kasing basahin iyong mga librong binili ko sa Books Store ng nakaraang araw.

“What's your problem?” tanong ko, sabay irap sa kaniya.

“Aba! Ang taray ni ate mo girl!” komento ni Lunette na tinawanan naman ng dalawa kong kapatid.

“Masanay kana sa ugali n'yan, maldita 'yan!” banat pa ni Marcy.

Nandito kasi kami sa bench, sumakto kasing pare-pareho kami ng vacant ngayon hapon. Nagkayayaan din na pumarito at umupo para magkuwentohan.

“Ang akala ko kasi galit ka kay Rhenzley, tapos ngayon? Aba! Lintik na 'yan bumabasa ka pa nang mga kuwento niya sa Wattpad!” pagpuna ni Ruby sa ginagawa kong pagbabasa sa kuwento ng lalaking 'yon.

Wala namang mali ro'n.

“Wala akong sinabi na galit ako sa kan'ya, galit ako sa mga mayayaman na tao. Nagkataong mayaman siya, kaya damay na rin siya.” sagot ko sa sinabi niya.

Nakita kong nagsitinginan silang tatlo sa isa't isa bago tumingin pabalik sa'kin at tumawa nang napakalakas.

Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Kong minsan hindi ko alam kong ano ba ang tumatakbo sa isip nila at bigla nalang tumatawa sa mga seryusong bagay. Kahit sa sinabi ko ay tumatawa sila kahit wala namang nakakatawa. Napagkakamalan tuloy silang baliw.

Ang ibang senior high nga ay napapatingin sa gawi namin, nagbubulongan pa.

“Hindi mo sinabing galit ka sa kan'ya, tapos kabilang siya sa mga mayayaman kaya galit ka na rin kay manliligaw mo?” natatawang sabi ni Lunette.

“Hanep! Kakaiba rin pala itong kapatid niyo e 'no?” dagdag pa nito. Halos mawalan na ng hininga sa katatawa.

“Sinusumpa kana n'yan sa utak niya!” sabi pa nitong katabi ko. Kong makatawa itong si Marcy, e parang kumukulong tubig sa takore.

Habang inaasar nila ako ay hindi ko na lamang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa nang isa sa mga kuwento ni Rhenzley sa cellphone ko. Maingay ang puwestong ito dahil sa kanilang tatlo, pero biglang na hinto iyon. Nagtaka naman ako pero hindi ko nalang pinansin kong bakit tumahimik sila bigla.

Tatawa din naman sila mayamaya.

Pero ni isang salitan ng salita na galing sa kanilang tatlo ay wala akong narinig kaya nagsalita na ako. Hindi naman ako magagalit kong sila ang mag-uusap at mag-iingay.

“Bakit tumahimik kayo?” kong iba ang tinanong kong tao ay hindi ako maririnig dahil sa maliit kong boses.

Walang sumagot.

Pinatay ko ang cellphone ko at tinuon ang attention sa kanilang tatlo. Pero umangat ang kilay ko ng makita ang dalawa estupido na malapit sa puwesto na kinauupoan ni Lunette.

Lalo na ang Atticus na 'yon. Masyado siyang malapit kay Lunette. Habang ito naman si babae ay umiiwas nang tingin at umuosog para hindi sila magkalapit ng nobyo niya.

Right, what's their problem now?

Hindi ako ang unang nagsalita kun'di ang nobyo ni Lunette. Napairap na lang ako nang patago sa sinabi nito.

“Lunette, if you give me a chance to explain you will understand me.” the coldness of his voice isn't helping at all to convince us, me, and his girlfriend.

But yeah, she can give him a chance to explain his side. Maybe he has his reasons, I guess?

Not that I care but, listening to others side is important. What if the person was telling the truth and the one spat lies?

Scars Of Yesterday's DramaWhere stories live. Discover now