Shantelle Kristina
Pagkabukas ko ng pintuan at pagkakita sa mga kasama ni Ram ay agad akong ngumiti ng pilit. Sila na nga ang mga magulang ni Ram.
"Naku, ikaw na nga ang asawa ng anak naming si Ram. Sa wakas at nakilala ka na rin namin. Napakaganda mo hija." Ang kaninang abot abot na kabang naramdaman ko ay biglang naglaho.
"Tignan mo Ismael, ang ganda ganda ng manugang natin." patuloy na pagpupuri sa akin ng babae.
"Ma, Pa, let's get inside first." Singit ni Ram. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at binigyan sila ng daan.
Nang makapasok na sila sa loob ay agad akong niyakap ng Ina ni Ram.
"I'm your Mama Regina, and this is your Papa Ismael. You're Shantelle Kristina right?" Nag aalangan akong tumango rito, hindi na dahil sa kaba kung hindi dahil sa mainit na pagtanggap nila sa akin.
"Ano ka ba naman Regina, naiilang na yata sayo ang manugang natin." sabi ng Ama ni Ram, bumaling ito sa akin. "Pagpasensyahan mo na sya hija ah, sabik lang iyan sa babaeng anak kaya nagkakaganyan." Nangingiting dugtong nito.
"A-Ayos lang po." Sagot ko naman.
"Sa wakas, may anak na rin tayong babae. Hindi ka ba doon natutuwa Ismael?"
"Of course I'm happy, very happy. You have a good choice son." sagot ng Ama nito ng bumaling kay Ram.
"Of course Pa, you know me." sagot naman ni Ram kasabay ng paghawak sa likuran ko. Nawala ang ngiti ko sa ginawa nito at napatingin sa braso nitong nakahawak sa akin.
"Excited na rin ako sa magiging apo natin." muling lumapit sa akin ang ina ni Ram at humawak sa tiyan ko. "Next month na ang kabuwanan mo hindi ba?"
"Opo." Sagot ko.
"Nagpaluto ako ng pagkain." singit ni Ram.
"Mabuti pa nga, nagugutom na ako." Sagot naman ng Ama nito.
Katabi ko si Ram at katapat namin ang mga magulang nito sa hapag. Nakamasid lamang ako sa mga magulang nito dahil asikasong asikaso ng Ina ni Ram ang Ama nito pagdating sa pagkain.
"Hey." Nabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Ram sa tapat ng tenga ko. Pagbaling ko sa plato ko ay may nakalagay na doong kanin at ulam.
"Natahimik ka na hija... may problema ba?" Puna rin sa akin ng Ina ni Ram.
"Ikaw naman kasi Regina, natakot mo yata ang bata. Nabigla siguro sayo, agad kang yumayakap eh." bahagya akong natawa sa pag uusap ng mag asawa.
"Ah ganun ba? Pasensya ka na hija, natuwa lang talaga ako ng makita kita."
"Ah naku h-hindi po. Hindi ko lang po aakalaing... m-magugustuhan nyo ako bilang manugang ninyo." Napatungo ako ng sabihin ko iyon. Narinig ko ang pagtawa nilang tatlo kaya muli akong nag angat ng mukha.
"Siguro nang sabihin sayo ni Ram na dadating kami dito, iniisip mo na hindi ka namin magugustuhan? May dahilan ba para hindi ka namin magustuhan?" natatawang sabi ng Ama nito. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Ram sa binti ko kaya napasulyap ako sa kanya.
"Mababait ang mga magulang ko. You don't have to worry, makakasundo mo sila." Ngumiti na lamang ako ng pilit dito.
Habang kumakain ay abala silang tatlo sa pag uusap ng kung ano ano. Karamihan ay nagtatanong ng nagtatanong ang Ama ni Ram tungkol sa trabaho nito o kaya naman ay sa mga negosyo. Wala naman akong alam sa mga pinag uusapan nila kaya tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain.