Medyo matagal rin ang naging pag-uusap namin ng babaeng yun hanggang sa dumating yung boyfriend niya at naging dahilan pa yata ako ng pag-aaway nila.
Nasaan na ba siya? Tanghali na wala pa siya samantalang 9 AM ang usapan namin. Kung sa bagay, para namang di na ko nasanay dun eh palagi siyang late everytime na magkikita kami. Sa mala pagong niyang kilos talagang imposibleng makarating siya dito on time:
When her alarm clock rings . . .
5 – 10 minutes: muna siyang magmumuni-muni dahil kapag tumayo siya agad-agad, tiyak na mahihilo siya.
2 minutes: gargle
15 minutes: pa siyang tatambay sa unit niya; it’s either uupo lang sa sofa or manunuod ng television and take note - may possibility pa rin na makaidlip ulit siya - . -
20 – 30 minutes: siyang mamimili ng isusuot
30 minutes: ito ang fastest eating record niya
1 hour: naman ang usual eating record niya
15 minutes: sa pagto-toothbrush, floss, at mouthwash niya
45 minutes: ang pinakamabilis niyang pagligo;
1 hour – 1 ½ hour: naman ang normal bathing niya
10 minutes: siyang magpupunas ng katawan (may step-by-step procedure pa yan kung ano ang pinakauna at pinakahuling pupunasan)
30 minutes: siyang magbibihis at
30 minutes: din siyang mag-aayos ng sarili
equals minimum of 4 hours na preparation pa lang yan ha! Paano pa kaya yung ibang mga activities niya?! Hay naku!
Kamusta naman akong naghihintay di ba? Pero nagtext na siya sa akin, ang sabi niya naglalakad na raw siya papunta dito.
* * *
Finally she’s here! Wearing a plain, 3/4 sleeved, dark blue dress with round, cream collar, center buttons, and lace at the tip. So, her white skin was even more emphasized because of her dress. Her adorable face and long, auburn red hair with perfect curls, made her even more stunning.
Huminto siya sa harapan ko. Kumandong, at hinalikan ako . . . nang matagal rin katulad nung lovers kanina sa tabi ko.
.
.
.
Pero syempre, imagination ko lang yun. Asa naman akong gagawin niya ang mga ganoong bagay.
“Halika na.” sabi ng poker face niyang mukha. Pero adorable pa rin.
Most of the time, ganyan si Casadee. Hindi nagso-sorry kapag late siyang dumarating sa aming dalawa at pagdating niya, yayayain na niya akong umalis ng wala man lang sweetness sa sarili niya para sa akin.
“Teka lang,” sabi ko, “kandong ka sakin.” nakangiti kong sabi sa kanya. Sana lumusot please!
BINABASA MO ANG
The Opposite Phenomenon
Romancelikas sa babae ang maging mapagpasensya sa lalakeng kanilang minamahal. ngunit kabaliktaran naman ito sa relasyong mayroon sina Mikhail at Casadee. ito ang pinaghalo halong kwento ng pagtitiis, pagpapasensya, katatawanan, pagkakamali at tunay na pag...