Rule # 11 (One Shot)

137 5 2
                                    

RULE # 11 (One Shot)

**

“Maaaaaaaa! Yung baon ko po! Daliiiiii! Late na po ako eh!” sigaw ko kay Mama habang pababa ng hagdan at nagbubutones pa ng polo.

AYY! Oo nga pala! Hazel Bernardo. 4th year high school student. Masayahin. Simpleng babae lang. Typical teen ager. Walang ka-arte arte sa katawan. Pero madaming nagsasabi na maganda daw at hinahangaan nila ako. Sana kasi, napapansin yun nung crush ko! Hahaha! Pero one thing, Madaldal ako! Hahaha. ENOUGH. Late na akoooooooo! >_____<

“Ikaw naman kasing bata ka! Lagi ka nalang napupuyat sa computer! Kapag ako nainis, lalagyan ko ng password yang laptop mo eh. Oh!” sabay abot ng baon ko.

“Eeeeeeh! Ma naman eh! Wag! Di na po ako makakapag-Wattpad! Hahaha!” XDD sabay takbo palabas ng bahay. Naghihintay na kasi si Kuya Rudy. Service ko ng trike. 10 minutes pa kasi yung biyahe papuntang school.

“Kuya Rudy! Tara na! Dali! Palipadin mo na ‘tong trike mo! Hahaha. Lagot ako kay crush—ay kay president pala! Hahaha.” Sumakay na ako sa trike tapos dun na ako nagsuklay tska nagsuot ng I.D & necktie.

“Ikaw na bata ka. Lagi ka na lang late. Crush pala ah? Nakaw, talaga ‘tong bata na to! Di ka na nahiya sa crush mo.” Oh, taray ni Mang Rudy. Bagets na bagets! Showbiz! Hahaha. Nakiki-ride pa sa kalokohan ko!

“Nyay! Yaan mo yun. Di naman po ako napapansin nun eh. Palibhasa kase ang gaganda ng mga nagkakagusto sa kanya. Ahahahay, ang drama! Wala na po bang ibibilis pa to? 6:55 na kuya eh! 7 ang time! Ano ba yan! Bulok na trike mo kuya!” napakamot nalang ng ulo si Kuya habang natatawa sa mga pinagsasasabi ko XDD

**

School. 7:07

Nasa gate na ako! Mukhang walang flag ceremony ah? Patay =__= Takboooooooo! Nasa room na sila! Mabibigyan na naman ako ng ‘Late Slip’. Ibabawas pa naman yun sa behaviour sa Values Ed. KAASAR! Sungit pa naman ni Crush este ni President! Buh-yaaaaaan! >_<

Nung nasa corridor na ako, nakita ko si Amethyst. Dun kasi siya naka-upo malapit sa pinto. Napansin naman niya ako.

“Nandiyan na si Sungit?” I mouthed her those words with hand gestures pa!

Pero bago pa siya maka-sagot, lumabas na ng room si Leonard. Ang ever masungit na President namin. Since 2nd year classmate ko na siya. Every year din yan Presiden ng classroom. Galing kasi magpatahimik at magdisiplina. Masungit kasi! >_< At since second year mortal enemy ko yan! Ewan ko ba, bakit crush ko pa din yan! XD

“Maaga pa para bukas, Ms. Bernardo.” Sabi niya at tinaasan pa ako ng kilay.

“Sorry Mr. President! Na-late po kasi yung service ko.” I lied. Ako naman talaga yung na late ng gising eh. Hahaha.

“Ilang beses mo na ba nagamit yang excuse na yan since second year? Tss. Pumasok ka na, pasalamat ka walang first subject. Wala si Mam Angeles.”

“Edi thank you!” sabi ko.

“Welcome.” Sabay talikod at pumasok na ng room.

“Hmp!” inambaan ko nga pagtalikod niya, natawa naman yung mga classmate ko kaya napalingon ulit siya sakin. “Tingin ka dyan? ^_~” pagsusungit ko.

“Tss.” Napailing na lang siya at umupo na sa upuan niya.

Naupo na din ako sa tabi ni Amethyst.

Rule # 11 (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon