Ang Ulan

84 0 0
                                    

Hindi makapaniwala si Zen sa kaniyang narinig. Gayundin ang tahimik na si Nonong. Isang hindi inaasahang pagkakataon ang kaniyang natuklasan sa maliit na bahay ni Nonong.

"Kaya ba magaan ang loob ko Kay Nonong? " naitanong niya sa kaniyang sarili. Nalilito siya ngunit hinayaan niya muna ang kaniyang mga nararamdaman.

"Zen.." Mahinang boses na nanggaling kay Nonong.

Napatingin si Zen sa kaniya gayundin ang lola ni Nonong.

"Ah.. ganoon po ba Lola."nasabi na lamang ni Zen.

"Oo, ako ang nag-alaga nuong bata hanggang sa nag-asawa na si Rodrigo." Kwento nito.

Nakahalata si Nonong na hindi na komportable si Zen ng malaman ang sinabi ng kaniyang lola.

"Lola Ged, baka gabihin na po si Zen mabuti pong pauwiin na natin siya." Nasabi na lamang ni Nonong dahil sa nakikitaan na ng pag-iisip si Zen sa kaniyang narinig.

"Ah, oo nga pala apo. Sige, kapag may oras ka, pwede kang pumasyal ulit dito sa munting bahay namin ng apo ko." Pagpapaalam ni Lola Ged.

Gusto man ni Zen na magtanong at mag-usisat sa matanda ay napagpasyahan na rin niyang umuwi na rin.

"Sige po Lola Ged." Pagpapaalam ni Zen sabay mano at tumayo na rin upang maglakad patungo sa kaniyang kotse.

Inihatid siya ni Nonong sa labas at sinabayan sa kaniyang paglalakad.

Nakakabingi ang katahimikan kung kaya't binasag na ito ni Nonong kahit na nahihiya siya kay Zen.

"Umm.. Ze-zen.. pagpasensyahan mo na lang ang Lola. Hi - hindi ko rin inaasahan na magkukwento siya tungkol sa pamilya mo." Paumanhin ni Nonong.

Napatingin si Zen.

"Ah.. haha.. wala naman 'yun. Nagulat lang ako dahil sa hindi inaasahang pagkakataong ito." Sagot ni Zen.

Napatingin lamang si Nonong sa kaniya.

Malapit na sila sa kotse ni Zen ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagulat ang dalawa at dahil sa wala silang payong ay tumakbo ng mabilis ang dalawa sa kinaroroonan ng kotse ni Zen habang pinapayungan ni Nonong si Zen ng kaniyang dalawang kamay sa ulo.

"Aahhh.. grabe naman.." reklamo ni Zen habang binubuksan ang kaniyang kotse at nasa kabilang pintuan si Nonong at basang-basa na rin ng ulan.

Napansin niyang inalis ni Nonong ang eyeglasses nito dahil sa nabasa na ito ng malakas na ulan.

Napatigil si Zen sa kaniyang nakita at napatitig sa mukha ni Nonong habang nakahawak sa pintuan ng kaniyang kotse.

Habang nauulanan sila parehas ay hindi maiiwasang mag-alala sila sa isa't isa.

Pumasok na si Zen sa kaniyang kotse at pinapasok muna niya si Nonong sa loob nito hanggang sa tumila ang ulan.

Nang maka-upo sila parehas ay binigyan ni Zen ng pamunas ang katabi, habang siya rin ay naging abala sa pagpupunas ng kaniyang basang buhok at damit.

Napatingin siya kay Nonong.

Napagmasdan niya ang tunay na hitsura ni Nonong. Bumagsak ang buhok nito na halos hanggang balikat na medyo kulot, mapupungay na mata, matangos na ilong at makinis na balat.

Dahil sa abala si Nonong sa pagpupunas ng kaniyang braso ay hindi niya namalayan ang naging reaksiyon ni Zen.

Hindi rin niya alintana iyon dahil sa malabo ang kaniyang mga mata kapag walang salamin.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon