Mayroong magbestfriend simula ng sila'y bata pa. Ang pangalan nila ay Francis at Maxene. Sila ay magkaklase simula elementary hanggang ngayong collage sila. Isa silang squad, kasama nila sila Paolo, Sarrah, James at Julia.
Isang araw, mayroong party kung saan inbitado silang squad. Nag night swimming sa isang pribadong resort. Sila ay nagsaya doon, umuwi na silang lahat at natira nalang sila Francis at Maxene kasi may pinagusapan pa sila, eh magkalapit lang naman sila ng bahay kaya magkasabay silang umuwi. Sa di inaasahang pangyayari, may grupong puro lasing ang nakasabay nila sa paguwi, hinabol sila ng grupong ito, buti nalang di nakaheels si Maxene kaya nakatakbo sila ng maayos. Nataguan nila ito, sobrang takot nila sa grupo kasi may dalang panaksak.
"Sa susunod na night swimming wag na tayong sumama Maxene" sabi ni Francis. Sumagot ng oo si Maxene, para din naman iyon sa ikakabuti nila.
Grumaduate na sila, still best friend parin ang tingin ni Maxene sa kanya pero si Francis may gusto kay Maxene.
Isang araw, niyaya ni Francis na magdate sila ni Maxene, pumayag siya. Kumain sila sa mamahaling restaurant, aaminin na sana niyang mahal niya si Maxene kaso may nagamok na lalaki sa loob ng restaurant. Naglabas ng baril at pinagbabaril ang mga tao sa loob, si Francis ay kinausap ng mahinahon ang lalaki habang palapit ng palapit. Biglang lumundag sa lalaki at sinabi niya kay Maxene na umalis na. Si Maxene ay tumakbo papalayo sa restaurant, kaso kinakabahan sya kasi nandun ang kanyang bestfriend baka kung ano ang mangyari. Nagkaagawan ng baril ang dalawa, nabaril si Francis sa braso pero pilit na lumaban parin at napatay niya ang lalaki.
Nasugod agad si Francis sa hospital. Inabot siya doon ng isang linggo bago makalabas parin.
Nang makalabas siya, hinanap niya si Maxene, may dala syang rosas para ibigay kay Maxene, nangmakita niya ito, may boyfriend na pala. Nadurog ang puso ni Francis, pero nandoon parin ang feelings niya.
Isang araw, nabalitaan ni Francis na nasa tuktok ng building at may balak mag suicide si Maxene, agad na pumunta si Francis sa building na iyon, pinagusapan nila kung ano ang nangyari, iniwan pala sya ng kanyang boyfriend at ang boyfriend niya pala ay may girlfriend nung naging sila ni Maxene. Agad na sabi ni Francis, "Wag kang magsuicide, nandito pa ako, kami ng squad, please, wag kang magsuicide". Sabi ni Maxene "Wala nang nagmamahal sa akin dito sa mundo, di ko na alam ang gagawin ko, ang daming problema tas sasabayan pa neto. Kaya magpapakamatay nalang ako" Tatalon na dapat si Maxene nang biglang hinila ni Francis at niyakap, sinabi ni Francis, "Mahal na mahal kita, matagal na kitang mahal di ko lang sayo masabi, kaya wag kang magpakamatay nandito lang ako." Nagulat si Maxene, tas di na tumuloy sa pagpapakamatay si Maxene, naguluhan ito, di muna sya nagsalita, at umuwi ito. Buong gabi itong umiyak, naguguluhan at naisipan na mahal niya rin ang bestfriend niya.
Kinabukasan, nagtext si Maxene kay Francis na kung pwede sila magkita, nagkita sila sa isang park, napagusapan ang mga ito at naging sila.
Nagkaroon sila ng HAPPY ENDING...
Wait for Chapter II...