Chapter 11*Black and Violet Aura*

8 1 0
                                    

Lily's POV

After nung roadtrip na yun . Napagalitan lang naman ako ni Mama. Paano ba naman? First time kong nakauwi samin ng 'not so late,not so early' pero kinabukasan na talaga. 10 a.m na nung nakauwi ako. Masyasdo kaming nag-enjoy ni Yulesis sa road trip . Kung san san kami nakarating. Tagaytay , Baguio , Batangas at kumain din kami sa Gerry's Grill ng barbeque specialty nila na talagang nakapag soothe ulit sa gutom namin. Sabi nga ni Yulesis , someday daw hindi naman road trip , maybe talagang stay-in kami para naman daw maexperience ko yung mga ganung bahay which is pabor naman sakin kasi mula pagkabata di ako gaanong sinasama ni Mama sa mga ganyan kaya tuloy napaka inosente ko.

"Lily! Paano kung napahamak ka?!" , galit na galit siya pero nangingiti ako kasi bakas mo sa kanya na nag-aalala siya.

"Saka diba bawal kang mag-overnight?! Sobrang kulit mo talaga!!"

Nagulat ako nung piningot ni Mama yung tenga ko at hinila ito pababa. Akala ko hindi na niya ito gagawin sakin pero nagkakamali pala ko.

"Lumalaki ka na ubod ng sutil! Para sabihin ko sayo hindi porket tumaas yang sweldo mo at nakakatulong ka na dito sa bahay eh pwedeng pwede ka ng maglakwatsa!"

Binatukan pa ko ni Mama ng malakas. Napaluha na lamang ako.

"Ma, wala naman pong nangyaring masama eh. Pati doon sa overnight ,wala namang nangyari sakin na kahit ano eh!"

"Aba't sumasagot ka pa ha! Liliana , sinusubok mo lagi ang pasensya ko at walangya ka mula alas sais ng umaga wala ka rito sa bahay tapos kinabukasan ka pa bumalik?! Ano ba ha--"

FLASH

"Ate , ate , listen listen. Fight please . Fight"

Napahawak ulit ako sa ulo ko. Isa na namang hindi clear na picture ang nagflash sa utak ko with the voice of Lianne at tulad ng naramdaman ko kanina sumakit ang ulo ko at hindi ko na namalayan pa ang sumunod na nangyari.

*********
"Normal yun for her. Because she has that condition. Ang kailangan lang ay gawin mo po yung mga usual things na in advice ko para hindi na siya magtrigger. "

Narinig ko pa yung sinabi ng doctor at kasunod noon ay iminulat ko na yung mga mata ko. Plain white. Hospital Gown , swero at nurse na nagbabantay ganundin si Mama.

"Ma."

Lumingon si Mama at dali dali akong pinuntahan.

"Sa susunod makikinig ka sakin ah?! Ikaw lang naman inaalala ko eh! Tingnan mo tuloy , yan sa kakulitan mo andito ka sa hospital!"

"Hanggang ngayon ma ang sungit sungit mo parin sakin" , sabi ko sabay simangot .

"Tss ! Ewan ko sayo! Dapat karinderya yung binabantayan ko ngayon eh! "

"Hi po . Ahm. " , nagulat ako dahil nandito si Yulesis at may dala dala pang prutas.

Nilapitan nya si Mama tapos nagmano pa rito , naaalala rin siya ni Mama.

"Ahm , balak ko po sanang puntahan si Lily , but as said , she's in the hospital so I bought these" , iniabot niya kay Mama yung mga prutas.

"Bakit? Anong kailangan mo kay Lily?!" , mataray parin talaga si Mama.

"Secretary ko po siya"

Inirapan ako ni Mama .

"Mag-uusap tayo mamaya Lily!! (Bumaling siya kay Yulesis ) maiwan ko muna kayo at kailangan na ko sa karinderya" dirediretso na si Mama palabas.

"So sorry. Di ko alam na hindi ka pala sanay sa ganung byahe"

"No. W-wala kang kasalanan besides sobrang saya ko kahapon " , nginitian ko siya.

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon