Chapter 12*Jelly*

9 1 0
                                    

Lily's POV

3 days after kong nahospital itong si Mama galit na galit sakin dahil bakit daw sa dami dami ng bangko doon pa ko kina Yulesis nagtatrabaho. Wala naman akong makitang masama ah dahil okay lang naman yun. Saka kailangan talaga ni Yulesis ng isang secretary , alam mo yung nakakatulong ako sa kanya kahit papano. Ganoon din inamin ko rin kay mama na nagkabalikan kami ni Haye , ano pa nga bang aasahan ko? Syempre sermon na naman.

Isang malakas na sampal ang natamo ko kay Mama.

"Napakalandi mong babae ka ha!! Ubod ka ng landi! Yung mga ex ng kapatid mo sinasamahan mo! Tapos kayo na naman ni Haye!"

Naiinis na ko. Bakit ba ganito na lang lagi si Mama. Pati ba naman yung kasiyahan ko?! Ipagdadamot nya?!

Nakakuyom na yung mga palad ko . Magkasalubong narin yung mga kilay ko.

Lily hindi ka ganyan. Magtimpi ka! Magtimpi ka okay?

"Inis na inis na ko sayo Lily! Pagod ba pagod na ko!!!!!!! Utang na loob lumayas ka na dito! "

Tiningnan ko si Mama tapos galit na galit talaga siya sakin.

Dali dali siyang umakyat sa itaas tapos mula doon ipinaghahagis niya lahat ng mga damit ko.

"Bakit mo ba ako pinalalayas dito ha?!! "

"Aba't-"

"Ano?! Papalayasin mo ko?! Baka nakakalimutan mo ang pwede kong magawa kapag wala ako sa puder mo?!"

"L-Lily?"

"Ano?! Sige ihagis mo pa yang mga damit na yan! Bilis! Akin na dito!"

Lorelie's POV
(First time niyang magka POV. Mommy siya ni Lianne at Lily)

Napatigil ako sa paghahagis ko ng mga damit niya. Kitang kita ko na ang pagbabago ng ekspresyon gayundin ang mga kilos ni Lily.

"M-Ma? Bat , bat po nakakalat yung damit ko?"

"Ligpitin mo na yan. Mag-usap tayo saglit."

Pinagpupulot niya ang mga damit niya pagkatapos ay sumunod sa akin.

"M-Ma."

"Mahal mo ba talaga si Haye?"

"Ma opo . Ma , noong una pa lang siya na yung mahal ko. A-ang ipinagtataka ko lang naman po ay bakit niyo hinayaan na agawin ni Lianne sakin si Haye"

Nakaramdam ako ng sakit , dahil ako mismo ang nag-utos kay Lianne na agawin si Haye. Kung alam mo lang sana Lily ang dahilan , kung kaya't ayaw kong umibig ka.

"Ewan ko sayo Lily. Binabalaan kita , wag ka ng umibig pa!"

"M-ma? A-ano po? Naririnig po ba ninyo ang sarili niyo? Mahal ko po si Haye ma. "

"Bahala ka na. Pagod na pagod na ko"

"Ma hindi kita maintindihan. "

Hindi mo talaga ako maiiintindihan Lily. Pero lagi mong tatandaan ginagawa ko itong lahat para sa iyong kapakanan.

Inirapan ko na lang si Lily at iniwan doon. Mukhang papasok ulit siya sa trabaho nya. Hinayaan ko na lamang siya .
--------
Lily's POV

"Sorry Sir I'm late"

Hindi niya ako kinikibo.

"Uy . Problema mo?"

Tiningnan niya lang ako.

"Ano ba Yulesis?"

"Nah. I'm fine. Here" , inabutan niya ko ng mga files na ididistribute ko sa iba't ibang department.

Ginawa ko naman lahat ng pinagagawa niya. Napansin ko rin na bihira lang akong kinikibo nitong si Yulesis.

"Uy. Galit ka ba sakin?"

Tiningnan niya lang ako.

"Bakit ba hindi mo ko kinikibo ah?"

"Nah." , itinaboy pa niya ako.

"Sus! Akala ko ba bestfriends tayo?!"

He looked at me straight in the eye.

"Naniwala ka naman! I don't want you to be my best friend!"

"Napaka isip bata mo naman!"

Inirapan ko siya . Aba di ko kasi alam kung ano nga ba yung problema.

"F-fine! I'm jealous!"

Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.

"H-ha? S-selos? K-kanino?"

"I saw you and Haye kissing! It .. It hurts me"

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Teka , siya magseselos?! Seryoso ?!

"H-ha? Bakit ka naman .."

He looked straight in me this time.

Pumikit siya at unti-unting lumapit sakin.

Hala , he is going to kiss me again!
Noooo!

Dali dali akong umiwas sa kanya. Napamulat naman siya bigla at bakas sa mata niya yung pain.

"Ano bang nangyayari sayo?" , tanong ko agad sa kanya.

"L-lily. I don't know this effin feeling! I feel naman na wala akong feelings sayo! B-but bakit ako nagseselos sa inyo ni Haye? Ewan! Ang weird"

Napatawa naman ako doon sa sinabi niya. Oo nga no? Wala nga naman siyang gusto pero bakit siya nagseselos.

"Alam ko na. Hmm , diba ang sabi mo kahawig ko si Amanda? Maaaring nakikita mo or naiimagine mo si Amanda sakin with the other guy "

"Ewan! I hate this feeling!"

Okay here we go again sa isip bata mode niya.

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon