CHAPTER 65: STAY WITH ME BABY..

1 0 0
                                    

Ara's POV

Pagkatapos naming kumain, tumayo agad ako at dumeretso sa bar island dito, habang nakaupo ako sa bar island, tinanong ko ang bartender kung anong light drinks ang meron. Kailangan ko lang ng konting lakas ng loob, kahit isang baso lang para maibsan ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko na matiis—gustong-gusto ko nang humingi ng tawad kay Enzo, pero paano ba? Lalo na’t alam kong hindi ko naman agad mabubura sa isip ko ang nangyari kagabi... na hinalikan ako ni Nathan..

I closed my eyes, trying to push the memory away, pero paulit-ulit lang bumabalik. Bawat tingin ko kay Enzo kanina, ang guilt lang ang nararamdaman ko.

Nang may dumating na shot ng tequila sa harapan ko, napailing ako, pero agad ko rin itong kinuha at nilagok. "Bahala na," bulong ko sa sarili ko.

"Isa pa please," sabi ko sa bartender habang nilapag ang baso. Hindi ko na inintindi ang lakas ng tama—ang gusto ko lang, kahit papaano, mapawi ang bigat na dinadala ko.

Hindi pa man nadadampot ang pangalawang shot, may naramdaman akong kamay na pumisil sa balikat ko. Napalingon ako, at si Enzo pala, nakatitig saakin na may halong pagtataka at pag-aalala sa mata.

"What are you doing here?" Tanong niya tinignan niya ang baso ko at muling lumingon saakin "Bakit ka umiinom?"

"Gusto ko—"

"Alam mo bang makakaapekto yan sa puso mo? remember belle, kahit nasulusyonan na yang puso mo bawal pa din sayo yan." Masungit niyang sabi

Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Enzo. Sinadyang napayuko ako, para bang iniwasan ko ang mga mata niyang puno ng alalahanin. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso ngayon, lalo na't iniiwasan ko ang mga bagay na ayaw ko pang pag-usapan.

"Enzo, okay lang ako," sagot ko, ngunit ramdam ko ang pag-ugong ng aking tinig. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito sinasabi. "Hindi ko naman tinutuloy-tuloy 'to. Gusto ko lang mag relax."

Hindi siya tumugon agad. Iniiwasan ko ang tingin niya, baka kasi magtuloy-tuloy ako sa mga bagay na hindi ko pa kayang tanggapin. Pero alam ko, kahit ganoon, ramdam ko na lang na may malalim na pag-unawa sa mga mata niya.

"Belle," sabi niya, dahan-dahan, kaya't napatingin ako sa kanya. "Hindi mo kailangang mag-isa. Ano bang problema?"

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi ko kayang magpakatotoo, na may mga bagay na natatakot akong sabihin. Kaya ang tanging magagawa ko na lang ay ngumiti ng pilit at umiling.

"Galit ka pa rin ba saakin? bakit ka umiinom? may problema ba? hindi mo kailangan mapag-isa belle."

Ngunit hindi ko kayang magpakatotoo sa kanya. Hindi ko kayang magsabi ng lahat ng nararamdaman ko. At sa mga sandaling iyon, ayoko na munang magsalita.

Napansin ko ang paghinga nang malalim ni Enzo habang tinititigan ako, pero hindi ko iyon pinansin. Nakangiti akong humarap sa bartender at, sa mababang boses, sinabi, "Isa pa." Alam kong narinig iyon ni Enzo, at sa gilid ng mata ko, kita ko ang muling pag-igting ng kanyang panga.

"Belle," malumanay ngunit may diin ang boses niya, "Enough."

Nilingon ko siya, pilit na pinanatili ang isang maliit na ngiti. "Just one more, Enzo. Kaya ko naman."

"Belle..." Hinawakan niya ang kamay ko, at ramdam ko ang pagkabigat ng kanyang haplos, na parang gusto niyang ipaalala sa akin na may pakialam siya. "Alam mo bang hindi ito makakatulong sa'yo?"

Umiling ako at hinila ang kamay ko mula sa kanya, tumingin ng diretso sa baso. "Enzo, please... minsan, kailangan ko rin naman ng ganito, diba?"

Nagkaroon ng katahimikan. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin, puno ng kabiguan at pag-aalala. Pero sa ngayon, hindi ko kayang bumigay. Kaya't sa huli, hinigpitan ko ang hawak sa baso at binuhos ang laman nito, pilit na ninanamnam ang init at ang panandaliang paglimot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 12 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now