"Jilleeeeeeeeeeeeeeeel!" sigaw ng isang pamilyar na boses sakin. Di ako lumilingon. Nakakahiya kaya. Isigaw daw ba niya yung pangalan ko? Pinagtitinginan kami dito sa school. Parang taong gubat naman kasi tong tumatawag sakin, di nalang tumakbo at lumapit sakin. So kailangan, isigaw yung maganda kong pangalan?
Hanggang sa naabutan na nga niya ko. Napakamot nalang ako sa aking ulo.
"Oh. Ma-mara? Hello. Hehe"
"Kanina pa kita tinatawag eh. Di mo ba ko naririnig? E halos lahat ng tao dito sa school, nakatingin na sakin e."
"Ano ka ba naman kasi friend! Taga gubat? Kailangan, sumisigaw pag tinatawag ako? Di ba pwedeng habulin nalang ako? O ano ba yon?"
"Frieeend! :(( Niloko niya ko!" nag-uumpisa ng tumulo ang luha ni Mara.
"Ha? Niloko ni Patrick? Parang ang impossible naman ata ng sinasabi mo Mara, mahal na mahal ka nung bestfriend ko na yun e."
"No. Karma ko na nga ata siguro 'to sa ginawa ko sa kanya..
"Teka nga. Ano ba kasing nangyare? Di kita main--" Naputol yung sinasabi ko dahil sa mga chuserang babae na nagtititili. At eto namang si Mara? Hinila ako bigla.
"Jill, siya. Siya ang dahilan kung bakit ako sawi ngayon." At tinuro niya yung lalaki. Yung lalaki na pinagtitilian ng mga malanders.
Cloud Sy. I know him. Sino ba namang hindi makakakilala sa lalaking to na mas matindi pa sa bagyo ang kayabangan. Na kasabay ng pagpapalit niya ng damit ang pagpapalit niya ng babae. Womanizer, player, babaero, lahat na. Pero may karapatan naman siyang maging ganon, pogi naman siya kahit papano. Matalino. Nasa kanya na ang lahat...
"So anong kinalaman ni Cloud dito?" Pagtataray ko.
"Nakipaghiwalay ako kay Patrick dahil sa kanya. Kasi naman friend. Look, di ko siya matanggihan. Grabe ang kapogian niya. Ang sweet pa! Sino bang hindi mahuhulog sa kanya?" Aba? Kinikilig parin ang gaga kahit na niloko lang siya neto.
"AKO! Hinding hindi ako mahuhulog diyan no. Walang kwenta yung mga ganyang klase ng lalake" Malakas kong pagkakasabi habang nakataas ang kilay ko. Dahil sa malakas na pag sabi ko nun, napatingin lahat sakin.
Pati si Cloud, napatingin din sakin at lumapit.. Ang presko talaga nitong taong to. Feeling pogi. Nagtangka siyang hawakan ako sa mukha. Imbis na pigilan ko, sinabayan ko pa yung kamay niya sa paghawak sa mukha ko. Parang feel na feel ko.
"Oh, hello Titus......" At ngumiti ako ng sweet. Ngiti na akala mo nangseseduce. Nakita kong ngumiti din siya. So akala niya, nakuha niya ko sa paganun ganun lang niya?
"Wag ka masyadong masaya. At wag ka magfeeling na madadaan mo ko sa ganyan mo. :) Ibahin mo ko sa mga babae mo. Dahil ako? Hinding hindi ako magkakagusto sa tulad mo na mas malala pa sa bagyong Ondoy ang kayabangan." I smirked.
Sabay alis ang drama ng peg. Napa "OWWWW" naman yung mga tao sa paligid namin. Di ko maipinta ang pagmumukha ni Cloud kanina. Hahaha.
"Friend! Bat mo naman pinahiya si Papa Cloud ? Kawawa naman." Sabi ni Mara na awang awa sa lalaking nanloko sa kanya. WTF?
"Dapat lang sa kanya yon Mara. Nasobrahan ata siya sa confidence e.. At ikaw, matuwa ka nalang. Naiganti kita kahit papano sa taong nanloko sayo.."
Iniwan ko na si Mara sa inis ko. Awang awa pa siya don. Akala mo naman, inapi ko ng sobra yung mahal niya. OA LANG? Pero natawa ako dun a. Di ko akalain na may natitira pa pala akong kamalditahan sa katawan. Chos. Ayoko lang talaga sa mga ganong tao. Mga hindi marunong makuntento. (May pinaghuhugutan te?) Haha. Wala ka namang mapapala kung manloloko ka lang e. Di naman nakakadagdag ng pogi pts yon. Nakakasakit ka lang. Am I right? :")
---
Cloud's POV
Kakaiba siya. Nagulat ako ng ipahiya niya ko sa lahat kanina. Siya palang nakakagawa sakin nun. Akalain mo yon? Di siya tinablan ng kapogian ko? Napaka impossible nun. Baka nagpapakipot lang yun. Nachchallenge tuloy ako sa kanya. Di ko akalain na magagawa niya kong tanggihan kanina sa harap ng maraming tao. HISTORY yon dre. Pero di naman ako papayag na ganun. Ganyan naman ang babae e, pakipot sa umpisa. Pero bibigay din. Kakainin niya lahat ng sinabi niya na hinding hindi niya ko magugustuhan. Mararanasan niyang kiligin dahil sa isang Cloud Sy,
"Pre, kannina ka pa ata tulala diyan? Ano bang iniisip mo? Yung nangyari kanina?" Sabi ni Bj sakin habang nagpipigil ng tawa.
"Kung makikita mo lang itsura mo kanina pre. Hahaha. Grabe yung babaeng yon. Akalain mo yun? Tinanggihan kana, pinahiya kapa." Pahabol ni BJ.
"Nagpapakipot lang yon. Sus. Ginawa niya lang yun para mapansin ko siya. If I know, isa siya sa mga nangangarap na mapansin ko."
"Kaya ka napapahiya pre e. Ang hangin mo kasi. Hahaha." Pang-aasar ni BJ.
"Wala pang nakakatanggi sakin BJ, You know that. Ano nga palang pangalan nun?"
"Jilleel Uy. Hindi basta bastang babae yon, Pre. Mahihirapan ka diyan. Alam ko yang mga binabalak mo. Tsk."
"Dapat sa kanya, sinasample-an. Di pa kasi niya alam kung pano ako magpakilig ng babae e. Alamin mo yung past niya. Yung background niya. Lahat..."
Mahuhulog ka din sakin Jill. You'll see. Magiging isa kadin sa mga babaeng magmamakaawang balikan ko. Wala ng atrasan to. Ikaw nagsimulang magpapansin diba? Kaya eto, papansinin kita.
BINABASA MO ANG
Inseparable.
RomanceBakit ganun ang tao? Malalaman lang yung halaga ng isang tao sa kanya pag nawala na ito. Bakit hinintay pa niyang mawala yung taong yon bago niya malaman na mahalaga pala ito sa kanya? Gaano ba talaga kahirap mag pahalaga ng taong MAHALAGA SAYO? Ika...