Ang bilis ng araw.. Pasukan nanaman. Parang kailan lang.. Magkasama kami. Hala? Nag-emo daw ba? Haha. First day ng school. Enjoy lang, Jill. :) Iba yung sched na nakuha ko sa sched ng mga friends ko. How sad. :(
Sa school.
"Jill! We missed you!" Sabay hug sakin ni Bei at Dine.
"Hala. Namiss ko din kayo. Buti pa kayo, magkasama. Kainggit. Laslas
"Ikaw kasi e. Di kapa sumabay samin ng enroll. Gaga ka. Hoy! Babaita ka. Nabalitaan namin yon ha!" Sabi ni Dine na may kakaibang ngiti sa mukha.
"Ha? Ang alin?" Sabi ko na may halong pagtataka. Ano ba yun? E wala naman halos nangyari sa buhay ko simula nung...
"Yung ginawa mo kay Cloud! Grabe ka girl. Nakakaloka ang kamalditahan mo talaga kahit kailan eno?" Sabi ni Bei. Kilalang kilala talaga ako neto e. Siya kasi ang saksi ng kamalditahan ko noon.
"Dapat lang yun sa kanya. Napakafeeling pogi."
"Pogi naman talaga kasi. :D" Sabi ni Dine habang kinikilig. Pinanlakihan ko sila ng mata. WTF? Pati ba naman mga BFF ko? Nahuhumaling kay Bagyong Cloud? Grabehan lang a.
"Duhh? Pacheck up niyo nga yang mga mata nyo. Hindi nyo na kasi makita yung pinagkaiba sa pogi talaga at sa PANGET E!" Inemphasize ko talaga yung salitang PANGET. At ayun na nga, speaking of PANGET. Papalapit siya dito. Nasira nanaman araw ko.
"Hi babe." Sabay akbay sakin. Nagulat ako. Dahi sa inis ko sa kanya, sinikmuraan ko siya.
"Babe pala ah. Babe mo mukha mo! Bwiset!" Tatayo na sana ako ng hilahin nya ko paupo.
"Masakit yon babe ha. Wag mo na uulitin yon. Oh hello girls." Bati niya sa mga BFF ko. Feeling pogi na nga, feeling close pa. Grabe din talaga tong lalaking to.
"Ano bang ginagawa mo dito Cloud? Alam mo bang sinisira mo yung maganda kong araw?" Oo. Malakas na talaga yung boses ko niyan. Nasamin nanaman ang atensyon ng mga tao sa Cafeteria ng school.
"Babe naman. Wag ka naman masyadong maingay. Namiss lang naman kita kaya ako nandito e. " Biglang pout.
"Aww. Sweet naman. Kayo na pala BFF ha. Di mo man lang shnare samin." Kinikilig kilig pa na sabi ni Bei.
"HAH?! Hindi kami. As if namang papatol ako dito sa unggoy na to. Di pa ko nasisiraan ng ulo para pumatol sayo Titus no!" Tatayo ulit sana ako ng hilahin niya ko na dahilan para mapaupo ako sa lap niya. :O Yung mga tao sa paligid namin? Hala sige. "AYYYIIIIIIEE" daw.
Gusto mo talagang gumawa ng eksena Cloud Sy a. Ako pa hinamon mo. Tumingin ako sa kanya at hinawak ko yung pisngi niya.
"Sabi ko na nga babe e. Nagpapakipot ka lang e. " Ngingiti ngiting sabi ni Cloud.
"Hmm. Naniniwala ka bang kayamanan ang mukha mo?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
......tara ibaon na natin sa lupa."
"BOOM!" Sigaw ng isang studyante.
"Imbis na landi-landiin moko at pagtripan ako, ba't di ka nalang manahimik sa piling ng GF mo. Alam mo Titus, wala namang masama kung matututo kang makuntento sa isa e. Ang panloloko at pagpapalit palit ng babae, hindi nakakapogi. Nakakaturn off. Hindi naman siguro kabawasan ng pagkalalaki mo kung makukuntento ka sa isa, right?"
Tumayo na si Jill at naglakad.
"Yeah. Kaya nga eto oh. Nagpapakatino na ko para sayo. LILIGAWAN KITA JILL!" Sigaw ni Cloud. Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Hindi na ko lumingon uli. Nakakahiya. Bwiset na Cloud yan. Wala talagang magawa sa buhay niyo.
"Narinig mo yon girl?" Kinikilig na sabi ni Bei.
"Tulaley ang lola mo. :))) Talo ka ngayon girl ah!" Pang aasar pa ni Dine.
"Tigilan nyo nga ko sa ganyan nyo! Wala akong panahon sa mga ganyang bagay.. May araw din sakin yang Cloud na yan!"
"Liligawan ka na nga. Pachoosy lang te? Di nanliligaw yan balita ko. Pero tignan mo, gagawin nya para sayo. Yiie." - Bei.
"OKAY. Gusto nyang makipaglaro sakin? Fine. Bibigyan ko siya ng magandang laro.."
Hindi ako kilala ng womanizer na yon. Akala niya siya lang marunong makipaglaro ha. We'll see. Gagawin kong impyerno yung buhay niya. >:)))))
BINABASA MO ANG
Inseparable.
RomanceBakit ganun ang tao? Malalaman lang yung halaga ng isang tao sa kanya pag nawala na ito. Bakit hinintay pa niyang mawala yung taong yon bago niya malaman na mahalaga pala ito sa kanya? Gaano ba talaga kahirap mag pahalaga ng taong MAHALAGA SAYO? Ika...