YURI' s POV
Nandito ako ngayon sa orphanage. Peru, hindi ko inasahan na nandito si Hendrix kasama ang bago niyang babae.
"Yuri, Yuri let's tal-
"Hello Ced? Ahh nandiyan kana sa labas? Sige palabas na ako"
Hindi ko na pinansin si Hendrix at nag dire-diretso ako sa paglalakad.
"Yuri, pakinggan mo naman ako"
"Babe, who is that?" Si Cedric
"Ahh wala yon, sige na hintayin mo ako diyan palabas na ako"
"Sige I love you"
"I love you too, Ced" sagot ko saka ko pinatay ang phone ko at suot sa sunglasses. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin si Hendrix.
Paglabas ko ay agad akong sinalubong ng halik sa labi ni Cedric at inalalayan akong makasakay sa sasakyan. Tinignan ko sa sideview mirror si Hendrix at kita ko ang pag lapit sa kanya ng babae niya at pulupot sa kamay nito sa braso ni Hendrix.
"Babe, are you listening?"
"Ha? Ah I'm sorry iniisip ko lang ang kambal"
Pagdadahilan ko. Peru, iniisip ko talaga ang kambal may field trip kasi ang kambal sa Hongkong. Ako sana ang sasama peru, busy talaga ako buti nalang at nag insist si Kuya Ken at ang Girlfriend nito na sila nalang ang sasama sa kambal.
Tumatawag naman ako sa kanila at grabe walang kapagurang kwento nang kwento sa akin ang dalawang iyon..
"Nando'n naman Kuya Ken mo I'm sure na inalagaan nila ang kambal"
Ngiti lamang ang tanging sagot ko sa kanya saka ko 'binaling ang paningin ko sa side mirror.
Dumiretso kami ni Ced sa bahay namin at do'n nakita ko si Mommy at si daddy.
"Hello dad, mom" si Ced sabay halik sa cheeks ni Mommy at nag beso naman sila ni dad.
"Saan kayo galing?"
"Ah sinundo ko lang si Yuri sa orphanage" sagot ni Cedric
"May hinatid lang akong tulong para sa mga bata" ako
"Tamang-tama, next week pupunta kami sa isla para ihatid itong mga gamit na to sa mga bata ro'n. Kaya lang baka busy ako next week hindi pa naman sure. Baka pwedeng ikaw nalang? isama mo mga bodyguards mo at si Callum"
"Tignan ko lang po sched ko, Mom"
"Kumain na ba kayo? nagpaluto ako"
"Ahh hindi pa po, dad" sagot ni Cedric
"Oh tamang-tama halika at tulungan mo ako sa kitchen" sabay akbay ni daddy kay Ced saka sila umalis.
"Are you okay, darling?"
"Ahh yes, mommy"
"Uhm may natanggap nga pala akong wedding invitation. Ikakasal na pala si Hendrix? bakit ang bilis naman?"
Tinignan ko ang kulay violet na invitation card na nasa couch.
"Babe? tikman mo nga ito kung masarap ba" boses ni daddy
"Ah teka lang ahh"
Pag-alis ni mommy ay saka ko kinuha ang isang invitation card at umakyat sa kwarto ko.
Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang larawan ni Hendrix at ang bago niya. Nakayakap si Hendrix sa bewang nito habang pareho silang nakangiti.
Kasalanan ko naman ito eh. Kung hindi ako nagpakasal, siguro may chance pa maging tayo. Wala eh, nangyari na at wala na tayong magawa.

BINABASA MO ANG
Sexret Affair (COMPLETED)
RomanceWarning: not suitable for young readers or sensetive minds. Contains a graphic sences, adult language and situation intended for mature readers only ℹ️ Matured Content