Chapter 1

14 1 0
                                    

-Fortuna POV-

"Aish! Isang linggo na lang aalis na ako dito sa Hanson." malungkot kong sabi.

"Magdrama ka pa, Chance. Magdedebut ka muna bago ka lumayas dito." sabi ng mataray kong pinsan na si Cupcake.

Ashley Cupcake Zamora. She's my cousin. Her mother and my mother are sisters. Ever since, we're bestfriend. She's pretty, smart and really good in acting. But the problem is, sobrang maldita nya. Sikat sya sa Hanson kasi isa sya sa best actress sa Campus. Kasama rin sya sa Top 10 Goddesses in Hanson Academy.

Oo nga pala. Sa sabado na ang 18th birthday ko. Psh! Hindi man lang ako nababahiran ng kaba bago ako magdebut pero sobrang stressed at kaba ako sa paglipat ko sa Stylinson. At sa paglipat rin ng bahay. Hindi kasi nila alam na lilipat din ako ng bahay. Ang alam lang ng mga kaibigan ko, lilipat ako ng school.

"Alis lang kami ni Chance." sabay hatak-patayo ni Gift sakin.

"Kinakausap ko pa sya." malditang pagkakasabi ni Cupcake at hinatak ang kamay ko.

"Wala kang paki! E sa gusto ko syang isama. Bitaw na!" matigas na pagkakasabi naman ni Gift.

Tristelle Gift Mendler. She's my bestfriend too, since God knows. She's pretty, smart and really good in dancing. But the problem is she's bitch. Mabait naman sya. Sikat sya sa Hanson kasi sa sobrang tapang at fierce ng mukha nya. Kasama rin sya sa Top 10 Goddesses in Hanson Academy. 

"Wait nga lang!" sigaw ko na sa kanilang dalawa. "Saglit lang Cupcake ha? Samahan ko lang 'tong bruhang 'to. At ikaw naman, Gift. Bastusan ka talaga e no?" Aish! Di ko lang maimagine na sa dalawang 'to ako nabagsak. Pero thankful naman ako. 

"K. Fine." nasabi na lang ni Cupcake at tumaray ng sobrang lalim. Grabi 'tong babaeng to. Nagpaalam na nga ako ng maayos e. Pinagalitan ko na nga si Gift e. Aish! Eto naman kasing si Gift e. Parang monggi lang.

"Bye na nga. Bitter ka lang kasi wala si Lourd." sabi ni Gift at hinatak na ako palayo sa tambayan namin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Ewan ko rin kasi. Bakit ba ako pumayag? Ni hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

"Sa lugar na alam mo pero hindi mo alam." sabay kindat pa nya. OH MEN! May plano 'to.

***

"Hala naman, Gift! Ayoko! Ayoko kasi." pumipiglas ako sa kanya. 

"No! Tara na kasi. Lilipat ka sa school na yan. Magiging school mo rin yan. Papasok ka tapos di mo kabisado. Baka masabihan pa nila na Ignorante ang Prinsesa ng Hanson." dahilan pa ni Gift at pilit akong hinahatak papasok sa Stylinson.

"Eh! Kasi naman, Gift! Wag." E sa ayoko kasi dyan. Ang alam ko mga badboy at badgirl ang mga nandyan. Hindi naman sa hinusgahan ko ang school nila. Pero kasi, pati babae may mga Gang. Hindi ako makapaniwala.

"Trust me, Chance." binitawan nya na ako at mag-isa ng pumasok sa Stylinson. Huminto sya sa gate at ngumiti sakin. Tumango ako at lumapit na sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya. At paniguradong may rason kung bakit nya ako kinakaladkad papunta dito.

***

"So, ayan. Tinour lang kita." masayang sabi ni Gift sakin at inabutan ako ng Frappe.

Kabisado nga pala ni Gift ang Stylinson Academy. Lagi syang nandito kasi dito nag-aaral yung boyfriend nya. At gala talaga si Gift. Kilala rin si Gift dito e. 

"Thanks." sabi ko at naupo sa field.

"Kilala mo ba si Ranc?" biglang tanong ni Gift sakin. Natagalan bago sumagot kasi naghahabol pa ako ng hininga. Napagod kasi akong libutin 'tong Stylinson. Ang laki e. Buti nalang at 3 oras ang vacant ko ngayon. Every tuesday, 3 hours e.

The Good BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon