CHAPTER 66

16 9 1
                                    

Ara's POV

Pagpasok ko sa campus, kumunot ang noo ko ng may mga nagkukumpulan na estudyante, lumapit ako doon at hinawi sila para makita kung sino ang pinagchichismisan nila. At kaagad nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang lalake na hawak sa collar ang batang kumag na si Chad.

"Hindi mo ibabalik ha?!" Sigaw ng lalaki, hindi ko kilala kung sino.

"Hindi nga ako ang kumuha!" Sigaw din sakanya ni Chad, aambahan na sana ng lalaki si chad ngunit hindi ko na natiis at hinawakan ko ang kamay ng lalaki at matalim itong tinignan.

"Who are you?!" Sigaw niya saakin at binawi ang kamay niya.

"Kung balak mong sapakin ang batang ito mapupunta ka sa Dean's office."

"Who are you?!"

"I'm Akira, the vice president council of this school. And since I'm the vice president council responsibilidad kong malaman kung anong nangyayari dito." Maawtoridad kong sabi, seryoso.

"Itong lalaking to! ninakaw yung bag ng jowa ko!" Tinuro niya si Chad, tumingin ako kay Chad pero nakanguso itong umiling iling. Muli naman akong tumingin sa lalaki.

"Asan shota mo?" Walang gana kong tanong at bumuntong hininga. Lumapit ang babae saamin, mataray, maganda, hindi familiar ang mukha.

"Ninakaw niya ang bag ko!" Mataray niyang sabi

"Are you sure?"

"Yes!"

Nagtaas ako ng kilay, walang kaemot-emot na tumingin sa babae. "Kung sigurado ka talaga, then show me the proof. Kasi sa ngayon, puro salita lang kayo."

Napairap siya at bahagyang umismid, "Eh kasi siya lang naman ang nakita naming malapit sa locker room! Ano pa bang kailangan na proof don?"

"Hah," napairap ako nang slight at nag-cross arms. "So, dahil lang nakita niyo siya, automatically siya na? Ang babaw naman. Look, hindi enough yung assumption niyo para sisihin siya."

"Pero wala namang ibang pwedeng kumuha!" sagot ng lalaki, tila napipikon na.

"Really? Then maybe you should stop accusing without evidence. Ganito na lang, kung wala talaga kayong pruweba, baka pwede kayong mag-move on? Kasi this is starting to get embarrassing for you two."

"No! anong mag move on?! sure kaming siya ang nagnakaw!"

"Paano kayo nakakasiguro aber?" Mataray ko ng tanong dahil napipikon na ako.

"Hindi ba obvious? Siya lang naman ang andun sa hallway!" balik ng babae, nakataas ang kilay.

Napailing ako, sinubukan kong intindihin pero talaga namang nakakainit ng ulo. "Obvious ba talaga? So, kung sino lang ang madadaanan niyo, siya na agad ang suspect?" Bahagya akong napatawa sa pagkaabsurdo. "Wow, impressive ha! Detective skills level one hundred."

"Eh kasi—!" Napahinto ang lalaki, halatang wala nang maibang masabi.

"Look, kung wala kayong konkretong ebidensya, wala kayong laban dito. Unless gusto niyong umakyat ng Dean's Office at i-discuss 'tong baseless na akusasyon?" Nag-cross arms ako, deadma sa tingin nilang dalawa.

Napatingin sila sa isa’t isa, halatang napaisip kahit na halata pa rin ang inis nila.

Bumuntong hininga ako at umirap. "And besides, wala naman sa batang 'to ang bag niyo, di ba?" Matapang kong tinuro si Chad, na halatang inis na rin pero tahimik lang na nakatingin sa kanila.

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now