SECOND

0 0 0
                                        


I Fell Inlove With My Bestfriend💔

I have a bestfriend or should I say BoyBestfriend, let me name him as Brian. Naging bestfriends kami since we were 8 years old and now we are already 16 year's old so that means we were bestfriends for 8 years na, mas matagal pa sa relasyon ng mag boyfriend and girlfriend. Charot lang.

He was like a brother to me, and he also treated me as his sister too but that change when I realize that I have a crush on him. Na everytime na makikita ko cya bigla bigla nalang akong kinakabahan na parang di na ako mapakali kapag nanjan siya.

Since then, I never open up anything to him. Di na ako nag-o-open up sa kanya ng kahit na ano, kung nung una kay palagi akong nag-u-update sa kanya ng mga ganito, ganyan o kahit ano pa ngayon hindi na kasi baka ano pang masabi ko. Di ko pa naman pa pigilan tong bunganga ko kapag nag tuloy-tuloy na ang pag open up ako sa kanya ng mga bagay-bagay.

He is still sweet to me but I never assumed that he also like me too. Ayoko mag assume kasi alam ko sa huli ako lang naman masasaktan. Di pa rin naman nag bago ang treatment ko sa kanya lagi pa rin naman akong makulit kapag magkasama kami. Yung iba namin na mga kaklase napagkakamalan na kaming mag jowa, pero ang totoo ako lang naman ang may gusto sa kanya. Lagi kong sinasabi na "hindi talaga kami" but my friends are always insisting that I have a crush on him. Ayoko malaman nila na may gusto talaga ako sa kanya. At kung maari ko pang itago tong nararamdaman ko para sa kanya, itatago ko.

Not until one day, may nalaman ako. Nalaman ko mat nililigawan na siya, and I know the girl. Hindi nga lang kami nun napaka close, kilala ko lang siya. Maganda yun eh, at alam ko na type nya talaga yun. Hindi ako nag abala na tanungin siya dahil alam kong magkukusa yang sabihin sakin na may nililigawan na siya.

Days past, I've became cold to him. He's always approaching me like gusto niya ako makasabay na umuwi, makasabay kumain sa canteen, makasabay pumunta sa school pero I declined. Di ako nagparamdam sa kanya. Not until one day, nasa classroom kami, vacant kasi wala yung professor namin kasi may meeting lahat ng mga teacher's. Busy ako eh, nagpapaka busy nalang kung ano ano nalang sinusulat ko para maging busy ako sa room, ayoko may maka usap na kahit sino sa room. Unexpectedly, may nakatayo sa kilid ng upuan ko, hindi pa rin ako kumibo not until nagsalita siya.

"Kristinne..",

I know that voice. Alam kong kay Brian yun, hindi ko alam anong gagawin ko. Bigla nalang nanlamig yung nga kamay ko.

"Kristinne, please. Talk to me please. Antagal mo ng hindi nagpaparamdam sakin. Hindi ka nga sumasabay sa akin sa pag uwi, pag punta rito sa school at kahit sa pag kain sa canteen di ka na pumapayag.",sabi niya.

Naluluha na talaga ako pero pinipigilan ko. Ayoko makita niya akong umiiyak. Di niya yun gusto eh, ayaw na ayaw niyang umiiyak ako kaya nanatili lang akong tahimik.

"Kristinne, let's go out. Let's talk, let's go somewhere na tayong dalawa lang para maka pag salita ka di yung ganito tayo. Di ka nagsasalita, hindi ka naman ganyan eh, kilala kita for over 8 years. Di mo ugali na hindi mag open up sakin kaya naninibago ako. Magdadalawang buwan ka ng cold sa akin.Ano ba kasing problema natin?", tanong ni Brian.

"Brian wag dito please. Ayoko maki pag usap muna sa iyo. Sa susunod nalang", sabi ko sabay tayo. Aalis na sana ako pero nang tumayo ako ay bigla nalang niya akong hinila. Nagpumiglas ako pero anlakas niya. Di ako makawala.

"Brian ano ba!? Bitawan mo nga ako!", pagpupumiglas ko.

"No, Kristinne I won't. Let's talk first.", masungit na sabi niya.

"Nag usap na tayo kanina sa room diba? Diba sabi ko ayokong makipag usap sa'yo? Ano pa ba ang gusto mo?", tanong ko.

"Sabihin mo nga sakin. Ba't ka ba nagkaka ganyan ha? Di ka naman ganyan noon.",sabi niya.

"Sagutin mo yan Brian, alam mo yung sagot.", pabalang kong sagot sa kanya.

"Kristinne naman! Di ka naman ganito! Ba't ka ba kasi nagkakaganito ha? Sabihin mo sa akin kung bakit!", sigaw niya.

Na bigla ako sa biglang pag sigaw ni Bryle. Nandito kami ngayo sa tambayan namin. Naming mag bestfriends. Kami lang dito ngayon. Di ko alam ang gagawin, ngayon ko lang siya narinig na sinigawan ako. Simula nung maging bestfriends kami never niya akong sinigawan di katulad ng ngayon.

I look at him. Na para bang takot na takot ako sa kanya. He never shouted at me like that before. Nag aaway kami pero hindi umabot sa ganito na kaming dalawa na nag sisigawan o ako yung sinisigawan niya. Pinipigilan kong bumagsak yung mga luha ko. Tangina ayoko ng ganito.

"Talagang di naman ako ganito, Bri.", sabi ko sa kanya.

"Bakit ka nga ba talaga nagkakaganito, Kristinne?", may halong inis na tanong ni Brian.

"Bakit ako nagkakaganito? Gusto mo ba talagang malaman kung bakit, Bri?", umiiyak na sabi ko.

"Dali! Sabihin mo na! Sabihin mo kung bakit!", sigaw niya. Naiinis na talaga siya. Siguro nga ito na yung oras na sabihin ko na talaga sa kanya. At para na rin ma tapos na ito.

"Sa sinasabi mo ngayon para mo na ring hinihiling na ma tapos na pagkakaibigan natin. Alam mo kung bakit ako nagkakaganito? Dahil gusto kita! Sa loob ng walong taon nating pagsasama dahil nga bestfriend kita nagustuhan kita hanggang sa minahal kita. Mahal na kita, Bri! Pero tinago ko kasi alam kong may mahal kang iba! Bakit ba kasi sa dinamirami na lalaki sa mundo bakit ikaw pa kasi, Bri! Naging mag bestfriends tayo ng higpit sa walong taon pero di mo man lang ako nakita, di mo man lang nakita na andito ako! Napaka manhid mo eh ! Napaka manhid mo!", sigaw ko sa kanya. "Bakit ba kasi iba pa? Bakit ba kasi di nalang ako?", gosh ang drama ko pero seryoso bakit ba kasi di nalang ako? Sa tinagal-tagal naming magkasama bilang bestfriends di man lang ba siya nagkaroon ng feelings para sa akin?

"Wait?! Gusto mo ako? Eh alam mo naman na may iba akong gusto diba? Alam mo naman na may mahal akong iba.", sabi niya.

"Oo alam ko yan kaya nga tinago ko yung nararamdaman ko sa'yo diba?! Eh ikaw yung nagpumilit na sabihin ko sa'yo kung bakit ako nagkakaganito diba?", sabi ko sa kanya. "Tinago ko nga kasi alam kong talo ako kasi may iba kang mahal", sabi ko sa kanya ulit." Naging cold ako sa'yo dahil dun! Ayoko ng dumikit sa'yo kasi alam kong masasaktan lang ako! Nung mga nakaraan nga lang yung nililigawan mo yung topic natin. Siya nalang palagi yung bukang bibig mo na para bang wala yung bestfriend mo! Ni hindi mo man lang ako tinanong nung natahimik ako nun. Wala lang sa'yo.", sumbat ko sa kanya ulit.

"I'm sorry, Kris", sabi niya

"No need to say sorry, Bri. I'm expecting you'd say that. Dati na ako nag expect na kapag nasabi ko na sa'yo yung nararamdaman ko "sorry" lang sasabihin mo.", sabi ko.

"Now... Let's end this, Bri.", sabi ko napaangat siya ng tingin sa akin. Tumingin ako sa kanya sa mata sa mismo. Buo na desisyon ko eh. Mas pipiliin kong tapusin tong pagkakaibigan namin kaysa naman patuloy lamang akong masasaktan.

"Kris naman.", mukhang wala na siyang masabi.

"Ayoko nang masaktan pa, Bri. Kung ipagpapatuloy natin tong pagkakaibigan natin mas lalo lang ako masasaktan.", sabi ko.

"Be happy with her. Sana sagutin ka na niya.", bilin ko sa kanya.

"Goodbye, Bri.", sabi ko . "See you around tutal nasa school ka lang naman makikita mo pa rin ako, pero ako patuloy pa rin akong iiwas sayo.", sabi ko sabay alis sa tambayan namin.

Wala eh! Talo ako mahal ko yung taong may mahal na iba.

Mahal ko yung bestfriend ko.

Yung mahal ko may ibang mahal.

In the end talo pa rin ako nag mahal ako ng taong malabong maging akin eh.

I Fell Inlove With My Bestfriend kahit alam kong magkaiba kami ng nararamdaman. I even took the risk to confessed to him kahit alam kong "sorry" lang matatanggap ko.

Sa huli ako pa rin ang talo.

@ K R S T N C Y Y Y Y

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now