Chapter Twenty-Eight

23 4 0
                                    

Aeris Madyzon Carysv

Nakaupo ako ngayon sa sand habang pinapanood sina Sabrina at Alexys na magpasahan ng bola, naisipan kong uminom ng softdrinks kaya kumuha ako ng isa sa mga dala namin at uminom.

"Oh my goodness! Alexys!" Sigaw ni Sabrina at dinive ang bola sa buhanginan. Habang nakangiti si Alexys at pinapanood si Sabrina ay hindi ko maiwasang mamangha sa smile niya dahil kitang-kita ko ngayon ang dimples niya!

"Alexys, crush kita pero babawi ako!" Sigaw ni Sabrina at pinagpatuloy na nila ang paglalaro. Habang sila ay pagod na pagod na ako ay pa-chill-chill lang dito sa tabi.

Maya-maya ay pawisan silang pumunta dito sa pwesto ko, sabay pa silang bumagsak sa buhanginan. Tiningnan ko si Alexys na kasalukuyang hingal na hingal at nakapikit ang mata habang si Sabrina ay gano'n din. Ilang oras ba naman sila naglaro sino'ng hindi mapapagod do'n?

"Where's your towel?" Tanong ko kay Alexys at pagod niya namang tinuro ang tote bag niya na katabi ng mga inumin.
Agad kong kinuha ang tote bag at kinuha ang towel niya, lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang pawis niya sa mukha.

Sa sobrang pagod ay hindi na ata namalayan ni Alexys na pinupunasan ko na ang pawis niya dahil nakapikit pa rin ito at naghahabol ng hininga.

"Hoy! Ano 'yan, Madyzon!" Kahit na pagod ay nagawa pa ring sumigaw ng bruha kaya napatingin kaming dalawa ni Alexys sa kaniya.

"I'm wiping her sweats obviously." Si
Sumimangot naman siya at lumapit sa amin at kinuha ang towel ni Alexys sa kamay ko.

What the?

"Ako na magpupunas sa kaniya." Mataray na saad ni Sabrina kaya napairap ako sa sinabi niya.

"No, ako.na." Madiin kong hindi pagsang-ayon at hinablot sa kaniya ang towel kaya lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Magsasalita pa sana siya pero hindi na natuloy nang magsalita si Alexys.

"Give me my towel, ako na magpupunas sa sarili ko." Saad niya.

"Nope ako na. Magpahinga ka na lang diyan." Hindi ko pagsang-ayon at lumapit sa kaniya para punasan na siya ulit, sumunod naman sa akin si Sabrina habang may mapanuring tingin.

Anong tinitingin-tingin niya?

Habang pinupunasan ko si Alexys ay hinawakan niya ang kamay ko para patigilin ako sa ginagawa ko.
Parang nakuryente naman ako dahil sa hindi inaasahang kontak ng balat naming dalawa.

"Let me." Saad niya at inagaw na sa akin ang towel para punasan ang katawan niya. Tumango na lang ako at kumuha ng tubig para ibigay sa kaniya pero bago ko pa maibigay sa kaniya 'yong tubig ay nakita ko na siyang iniinom 'yong bigay ni Sabrina. Napairap naman ako sa sarili.

Masyadong nakakainis ngayon si Sabrina for real lang.

Umupo ako sa tabi ni Alexys na kasalukuyang nakatingin na ngayon sa karagatan habang katabi niya si Sabrina na nagpi-picture. Hapon na kasi kaya pinipicturan niya 'yong magandang sunset.

Katahimikan ang bumalot sa amin habang pinapanood ang sunset, nagsidatingan na rin ang mga bata na maliligo ngayon kasama ang mga magulang nila.

May sasabihin sana ako kay Alexys pero nang tumingin ako sa gawi niya at nakita ko si Sabrina na nakasandal ang ulo sa balikat niya ay parang biglang kumulo ang dugo ko. May naisip naman akong kapilyahan kaya hindi na ako nagdalawang isip na gawin ito.

"Oh my gosh there's a crab!" Sigaw ko kaya dali-daling tumayo si Alexys dahilan upang mapatumba sa may buhangin si Sabrina dali-dali naman itong tumayo dahil natataranta na rin siya.

"Where?!" Tarantang tanong ni Alexys kaya napatawa namana ko sa loob-loob ko dahil sa naging reaksyon niya.

"Oops, sorry I thought that rock is a crab kasi eh." Saad ko at tumawa ng mahina kaya napahinga naman nang maluwag si Alexys at bumalik ulit sa pwesto namin.

Crawling Back To YouWhere stories live. Discover now