Aeris Madyzon Carysv
Tahimik kaming kumain ni Sabrina habang salita nang salita si Lola Mirands.
Kesyo ang ganda raw ni Sabrina pero mas maganda raw ako. Ngumingiti lang si Sabrina sa bawat jokes na sinasabi ni Lola Mirands. I didn't even get a chance na kausapin siya dahil pinatawag na kami ni Lola Mirands for dinner.
"Sabrina, may boyfriend ka na ba iha?" Tanong ni Lola Mirands.
"I don't want to pa po eh." Saad ni Sabrina at pinagpatuloy ang pagkain.
"What? Sa ganda mong 'yan wala pa?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Lola Mirands, tumawa lang si Sabrina ng konti at uminom ng tubig.
Pa'no magkaka-boyfriend eh mukhang lobe na love na ata niya si Alexys. Ngayon ko lang na-realize 'yong mga bagay na ginawa ko kanina.
I was acting weird for real.
That annoying feeling when I saw Alexys and Sabrina having fun made me realize that maybe...
I'm just too attached to Alexys?
Come to think of it who wouldn't get attached when you were seeing and spending time with each other everyday?I'm now sitting at my study table next to my window while watching Sabrina and Alexys play outside with Xyon.
Saya nila, sanaol.
Nagpaalam kanina si Sabrina kay Lola Mirands na pupunta lang siya kay Alexys habang sa akin hindi niya pa rin ako pinapansin.
Kung ayaw niya akong pansinin 'di 'wag.
Rinig na rinig ko ang tawanan nila kaya hindi ako makapag-focus sa pagbabasa ng libro rito na nakita ko randomly. Suddenly naisipan kong magbasa dahil sa boredom.
Sumilip ulit ako sa may bintana at pasimpleng nilaglag ang librong hawak ko.
"Oppsie, nalaglag." Dali-dali akong bumaba mula sa kwarto ko hanggang sa pinaghulugan ng libro. Napatingin naman sa akin sina Alexys at Sabrina kaya nginitian ko lang sila at kinuha ang libro na nalaglag.
"Madyzon, come here! I think Xyon wants to play with you!" Tawag sa akin Alexys kaya parang nabuhayan naman ako at dali-daling lumapit sa pwesto nila.
"The bitch is here." Nakita ko na parang bumulong si Sabrina pero hindi ko masyadong napakinggan, hindi ko na lang siya pinansin at pinokus na lang ang atensyon kay Xyon.
"I think he missed you." Nakangiting saad ni Alexys habang pina-pat si Xyon.
"I think so too." Agad kong binigay ang libro kay Alexys at kinarga si Xyon to show that I've missed him too.
This cute little puppy wants attention huh."Uhm, Alexys. Balik na ako ha, mukhang nag-e-enjoy naman kayong dalawa eh." Paalam ni Sabrina. Bakit ba ang hilig niya bumulong?
"Uh, okay." Sagot lang ni Alexys pero hindi na siya nag-abalang tumingin pa kay Sabrina. Nakasimangot na umalis si Sabrina dahil do'n.
"You know what? I think kahit na ako ang palaging kasama ni Xyon, ikaw pa rin ang gusto niya. Like why, bro? Why?" Kunwari'y nagtatampo na saad ni Alexys habang hinahalik-halikan pa si Xyon. That should be me, eme.
"He's very fond of me, you can't blame him." Kibit-balikat kong sagot para inisin siya.
"Wow just wow." Hindi ko naman napigilang mapatawa sa sinabi niya.
"You really love teasing me huh." I can't help to smile because of her remarks.
Yes, I really love teasing her."You're not getting bored here?" She suddenly asks out of knowhere.