25th

71 5 1
                                    

Chapter 25

After the PTA and homeroom PTA meeting and also the quarterly recognition, we are all busy again for the new quarter.

Walang dalang sasakyan ngayon si sir at sabay kami. Medyo ginabi kami dahil may pinuntahan pa kami. Dahil masyado pinuno ang jeep ay siksikan na kami. Dahil sa antok ay kumapit na lang ako sa hawakan dahil hindi na ko maisandal likod ko sa may bintana dahil hindi na kasya. Nakasandal na ang ulo ko sa braso ko na nakahawak sa hawakan ng jeep sa taas. Si sir ang siyang nakakasandal kaya medyo maayos ang pwesto niya.

Pareho kaming wala ng pansinan dahil sa pagod. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagtama ng ulo niya sa may balikat ko. Bahagya akong lumingon at nakaidlip na nga siya. Kahit nangangalay na ako sa pagkakahawak ay hindi ko inalis iyon para hindi magising si sir lalo na at medyo malayo pa naman kami.

"Rain?"

"Hm?"

Bahagya ko siyang nilingon habang kinukusot-kusot niya pa ang mga mata niya.

"Where are we?"

I smiled.

Buti may bumaba na kaya sa wakas nakapagsandal na rin likod ko. Medyo nangangawit na kasi.

"Malapit na tayo. Kaya pa?" tanong ko saka siya tumango. "Sandal ka muna sa akin baka hilo ka pa."

"I'm fine. Malapit na rin naman na tayo."

Buti na nga lang talaga at hindi niya dala ang sasakyan niya dahil mukhang pagod na pagod nga siya.

Pagkarating namin sa bahay ay nagpalit na kaagad ako ng damit. Medyo masakit na rin talaga ang ulo ko.

"Okay ka lang?" tanong ni sir pagkatapos ko magtimpla ng kape. "Kakain ka pa?"

Umiling ako dahil kumain naman na kami kanina at mas kailangan ko ng tulog at pahinga.

"Makakatulog ka ba niyan?" tanong niya dahil sa kape na tinitimpla ko.

"Oo. Iba epekto ng kape sa akin eh. Pahinga ka na."

Nauna na siya sa akin dahil tinapos ko muna ang pag-inom ko ng kape at medyo makaram ang lalamunan ko. Pagkatapos ko naman ay dumiretso na ako sa k'warto para tuluyan ng magpahinga dahil wala na talaga akong lakas.

Nagising ako madaling araw na nilalamig. Kahit nahihilo man ay pinilit ko tumayo para maisara ang electric fan.

Bigla ko namiss si mama. Ngayon mas naappreciate ko lahat dahil ngayon kailangan ko tumayo para sa sarili ko.

Sino mag-aakala na ang dating pasaway na Palm ay magagawang makakarating sa sitwasyon na ito ngayon.

Pagtingin ko sa oras sa cellphone ko ay nakita ko na malapit na mag-alas tres. Nagbukas ako ng cellphone ko dahil ramdam ko na hindi kaya.

Kaagad ako nagtext sa cooperating teacher ko na nilalagnat ako. Dahil naalala ko na may gamot na nasa salas ay pinilit ko ang sarili ko na maglakad. Pagkababa ko nagulat pa ako na gising na kaagad si Auntie.

"Palm, maaga pa."

"Auntie, pasuyo ako ng gamot."

Nagulat pa siya sa sinabi ko kaya dali-dali niya akong nilapitan saka niya hinawakan ang noo ko.

"Ang init mo!" nag-aalalang sambit niya bago ako inalalayan na makaupo.

Matapos niya ako makunan ng gamot ay pinagtimpla niya muna ako ng gatas. Gusto ko man ng kape pero gatas ang tinimpla niya. Nagprito siya saglit ng itlog at inilagay sa sandwich para may laman daw ang tiyan ko bago uminom ng gamot.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon