Most of the time, I've always thought that my life was dull and colorless. Until I met you who made me realize that the heavens had given me the chance to change it... -- Florence Joyce
xxxxxx
[Relaina]
NAISIPAN ko na lang na tumambay muna sa library upang makapag-review. Finals week na at iyon ang huling araw kaya naman kailangan kong pagbutihan ang exams ko. Ayoko kayang pumalpak. Finals na nga, ipapalpak ko pa. Kahit sabihin pang dalawang subjects na lang ang kailangan kong intindihin. May dalawang oras pa naman akong bakante. Gagamitin ko iyon para makapag-review ako nang maayos.
Kaya lang, may mga pagkakataon talaga na nawawala ako sa sarili ko kahit tutok na tutok ako sa review na ginagawa ko. Nalilihis patungo sa isang taong patuloy na yatang manggugulo sa isipan ko, lalo na ngayong pinili ko na talagang manatili sa tabi nito.
Lumipas ang mga araw pagkatapos ng eksenang iyon sa ancestral house na… medyo weird yata ang set-up sa pagitan naming dalawa. Siyempre, may asaran pa ring nangyari. Kailan ba naman mawawala iyon? Pero… mild na ang ginagawa ni Brent pagdating sa pang-aasar sa akin. In fact, para bang… bigla kaming nagka-ilangan.
Ang weird, 'di ba? Dapat ba talagang mangyari iyon?
Ewan! Basta ganoon na ang nangyayari. Pero kahit ganoon, tinutupad ko talaga ang ipinangako ko rito. Nanatili talaga ako sa tabi nito. Or should I say, binantayan ko talaga ito. Kailangan kong gawin iyon, eh.
Bigla akong napatigil sa pagpunta sa library nang makarinig ako ng kung sinumang nagpi-piano. Kasabay niyon ay may kumakanta rin. I couldn’t help frowning as I tried to listen closer. Kung hindi ako nagkakamali, sa music room nanggagaling ang naririnig kong iyon.
And the voice was so familiar – enough to increase the tempo of my heartbeat. Napangiti tuloy ako nang mapakla. Iisa lang naman ang taong may kakayahang gawin iyon sa akin, eh. Then again, that person doesn’t have any idea about it at all. Pero gusto ko pa ring makasiguro kaya naman nagtungo ako sa music room na tatlong silid lang ang layo mula sa hagdan kung saan sana ako dadaan papunta sa library.
Huminga ako nang malalim bago ko tiningnan kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na tinig na iyon.
Bagaman inaasahan ko na talaga ay nasorpresa pa rin ako sa tumambad sa akin na pinagmulan ng magandang tinig. It was Brent! He was sitting in front of the piano as he played Shamrock’s “Sana”.
Just like the first time I heard him sing it, he was playing the song and singing with so much emotion – as if the person whom the song was dedicated to was just beside him. Weird enough, that thought pricked my heart. Ilang sandali rin akong natigilan. Makalipas ang ilan pang sandali, namalayan ko na lang ang sarili kong napapangiti dahil sa amusement na nararamdaman ko habang pinapanood ko ang pagkanta ni Brent.
He was good as always. Wala pang nakakaalam ng bagay na iyon pero matagal ko nang inamin sa sarili ko na hinahangaan ko talaga ang galing nito sa pagkanta. Nagagawa ko nga lang itago iyon ng inis na nararamdaman ko para rito dahil sa paninira nito sa araw ko – kahit na medyo madalang na nitong gawin iyon these past few days. Habit na kasi nito iyon at sa nakalipas na mga buwan, para bang nakasanayan ko na yata iyon. Para ngang hindi na talaga nabubuo ang araw ko hanggang walang asarang nagaganap sa pagitan naming dalawa ng bugok na 'yon.
Yes, bugok pa rin ang tawag ko sa lalaking iyon kahit na nakailang yakap na iyon sa akin na kulang na lang ay dapat na sinasapak ko na iyon.
Sa totoo lang, ngayon lang ako nakatagal nang ganito sa pang-aasar ng sinuman – lalo na ng isang lalaki. Noon kasi ay walang nagtatangkang asarin ako nang walang tigil. Kunsabagay, mataray, masungit at mahilig mambasag ang palaging first impression sa akin. At mukhang napanindigan ko iyon hanggang ngayon.
Pero mukhang si Brent pa lang ang kauna-unahang taong tila naging immune na sa kasungitan at katarayan ko. Halata naman iyon sa halos araw-araw na pang-aasar nito sa akin at hindi man lang natitinag sa mga banat ko.
Bakit ba hinayaan kong tumagal nang ganito ang pang-aasar ng ungas na ito sa akin? Iyon ang tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanapan ng konkretong sagot bagaman may palagay na ako kung bakit nga ba.
Natigil lang ang pagmumuni-muni ko nang matapos na si Brent sa pagtugtog at nakita kong bumuntong-hininga ito. Ako naman ay nagtatago pa rin at patuloy itong pinagmamasdan. After a while, I saw him play the same song again on the piano.
He never really get tired of playing that song. Palagi na lang iyon ang kinakanta nito kapag mag-isa ito. I guessed that would make it his favorite song, huh?
[Now playing “Sana” by Shamrock]
** Langit na muli
Sa sandaling makita
Ang kislap ng iyong ngiti
May pag-asa kaya
Kung aking sasabihin
Ang laman ng damdamin…**
And that was when I decided to do one thing.
**Pinipilit mang pigilin
Na ika'y aking isipin
Wala na yatang magagawa…**
I sang as I came out of my hiding place and entered the music room.
I saw him turn around and it looked like he was surprised to see me there. Still, I smiled at him – one thing I rarely did… before the scene at the ancestral house. I never got to do it again after that dahil nga sa ilangan blues na nangyayari sa aming dalawa.
“Can I join you?” Nanatili lang itong nakamata sa akin. Hindi ko tuloy naiwasang matawa. “Hey! Ang sabi ko, can I join you?”
Tila noon lang natauhan si Brent. Ilang beses itong kumurap-kurap. “A-ano’ng ginagawa mo dito?” he asked.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...