No More Truce

1 1 0
                                    

This might be fate that was destined a long time ago, the moment I started to know you… ~ So Long, Paul Kim

xxxxxx

[Relaina]

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa klase ng pagtatanong nito ng ganoon sa akin. Pero hindi ko na lang i-p-in-oint iyon dito.

“Bakit? Masama bang magpunta dito?” I asked instead.

Umiling ito. “T-that’s not what I meant.”

Bumuntong-hininga ako at nilapitan ito. Really weird for me, hindi kumukulo ang dugo ko sa inis dito. Kunsabagay, hindi naman ako inaasar nito ngayon. At wala na akong rason para mainis sa lalaking ito. And now that I thought about it, agad na naglalaho ang inis ko sa lalaking ito sa tuwing naririnig ko ang pagkanta nito. Hindi miminsan na narinig ko itong kumanta.

Isa pa, hindi na ako gaanong iniinis nito matapos ang eksena sa bahay ng mga ito na tanging kaming dalawa lang ni Brent ang nakakaalam. Well, maliban na lang kung talagang trip nitong buskahin ako nang walang tigil, talagang maiinis ako rito. Kahit alam kong nagiging scapegoat na lang nito ang pang-iinis sa akin para lang pagtakpan ang mga tsismis na nililigawan na ako nito dahil sa mga bulaklak na natatanggap ko mula rito.

“You really like singing that song, huh?”

“Halata ba? I guess I just like singing it until my wish finally come true. Kaya lang, parang malabo yatang mangyari iyon. Sa ngayon.” Bahagya pa itong tumawa.

“Pasalamat ka’t hindi umuulan. The first time I heard you sing that song, biglang umulan,” sabi ko nang makaupo na ako sa piano stool na katabi nito.

Napangiti ito. “Himala yatang hindi tayo nag-aasaran ngayon, ah,” biglang puna nito.

“Siyempre, hindi mo inumpisahan, eh.” Pero lihim akong natigilan nang marinig ko iyon. Oo nga, 'no? Hindi na yata nagiging regular routine ang pag-aasaran namin magmula nang makapasok na ulit ito nang lubusan na itong gumaling sa sakit nito. At… parang mas gusto ko pa yata ang ganoong payapang sistema sa pagitan namin. “In fairness, mukhang wala ka yatang planong mang-asar buong maghapon.”

“Wala na akong planong mang-asar ngayon, eh. Isa pa, ang ganda mo ngayon para inisin ko. Wala naman akong mapapala,” sabi nito na may matamis na ngiti sa mga labi nito.

Bigla akong napatingin rito nang sabihin nito iyon. Ano raw? Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi nito. “You’re crazy, you know that?”

“Maybe. I guess I’m just crazy about you right now.”

What the heck were you talking about, Brent? “Sigurado ka bang nag-lunch ka na?” Dinaan ko na lang sa biro ang tensiyong nararamdaman ko dahil sa mga pinagsasasabi nito. Hindi ko kinaya ang biglaang pagiging vocal nito – kung iyon nga ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito. “Kung hindi pa, kumain ka muna. Baka gutom lang iyan.”

“Hindi mo talaga ako paniniwalaan, 'no?”

“What? You mean it wasn’t a joke?”

Iwinasiwas nito ang isang kamay nito. “Never mind. Ang importante, maganda na ang pakikitungo mo sa akin ngayon.”

“Well, sabihin na lang nating medyo nagsasawa na rin ako sa pakikitungo sa mga pang-aasar mo. Blame the flowers that you’re giving me for me to feel that way. Isa pa, parang mas okay na rin siguro ang ganito. Aba’y lagi na lang tayong nagbabangayan sa araw-araw na ginawa ng Diyos magmula nang magkakilala tayo.”

Umaliwalas ang mukha nito. “Does that mean puwede na tayong maging close? And this time, it’s for real? Wala nang kung anu-anong truce whatsoever na maiisip mo.”

Tinaasan ko ito ng kilay. “Anong close ang sinasabi mo diyan? Huwag ka ngang assuming. I’m just stating what I think about us and how we actually lived our lives magmula nang magkakilala tayo.”

“So… ano’ng pinupunto ng mga sinasabi mo?”

Saglit akong napaisip. “Eh 'di truce muna tayo. Again,” I suggested.

Kumunot ang noo nito. “Truce? Again? Hindi ba puwedeng friends na tayo kaagad? At least iyon, pangmatagalan. Hindi tulad ng truce na panandalian lang. And this time, it’s for real. Wala nang kung anu-anong truce whatsoever na maiisip mo. Panira lang iyon, eh. Magsawa ka naman, puwede?”

“Hoy, huwag ka nga munang masyadong mabilis. Baka nakakalimutan mo, hindi ka pa absuwelto sa kasalanan mo sa akin.”

“Laine naman! Last October pa iyon, ah. Hindi pa ba ako absuwelto nang suntukin mo ako ng dalawang beses sa mukha at tinuhod mo pa ako? Aba’y kulang na lang, kitilan mo na ako ng kaligayahang maikalat ko pa ang guwapong lahi ko, ah.”

Bumungisngis ako. But what surprised me and made my heart beat rapidly was the name that he called me.

Laine…

Hay… ang kulit lang talaga. But hearing it again, it was actually endearing for me to be called by that name. A sense of closeness.

So now Brent wanted us to be close? Seriously?

'Matagal na. Ngayon mo lang in-acknowledge iyon?'

At heto na naman ang isip ko na bumabanat na naman ng kung anong sagot.

“Sige na, Laine. Friends na tayo. Please?” parang batang pakiusap nito at tumayo pa sa kinauupuan nito para lang lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko naman.

Nagtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko, tumigil sa pag-ikot ang mundo nang mga sandaling iyon. My heart beat even faster than how it was a while ago. Oh, great! Why does my heart has to beat this fast? Ano ba’ng ginagawa mo sa puso ko, Brent? 

Kaya ko nga bang tanggihan ang pakiusap ng kumag na ito?

'Ng guwapong kumag na ito,' pagtatama ng isang bahagi ng isip ko. I heaved a heavy sigh with hopes of calming my erratically beating heart. In a way, it helped.

“Okay,” pagpayag ko sa pakiusap nito. In fact, it would be for the best.

Kumunot ang noo nito, tila hindi nakuha ang ibig kong sabihin. “Okay… what?”

I rolled my eyes and sighed exasperatedly. “Ganyan na ba kahina ang utak mo at iyan ang tinatanong mo sa akin?”

“Klaruhin mo kasi.”

“Ang sabi ko, okay, we’re friends starting today. Iyon naman ang pakiusap mo sa akin, 'di ba? No truce whatsoever. We’ll be getting close… for real.”

Napamata ito sa akin. Ilang sandali pa ay ngumiti ito nang maluwang at walang babalang hinila ako nito patayo, saka ako niyakap nito nang mahigpit. Ikinagulat ko iyon. Ilang sandali rin akong parang tuod sa kinatatayuan ko.

“Thank you, Laine! Thank you, thank you!” tuwang-tuwang pagpapasalamat nito.

Napangiti na lang ako sa tuwa at kakaibang warmth na nararamdaman ko sa yakap nito. Kung lagi ba namang may hugs mula sa lalaking ito, then I wouldn’t mind being his friend for a long time.

Okay… Now maybe I was thinking too much.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon