Daffodils In The Morning

1 1 0
                                    

From here on, let's make more good changes to each other's lives together. Hand in hand, smiling at each other as we both greet each day that comes in our lives... -- Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

NAALIMPUNGATAN ako nang tumunog ang buwisit kong cellphone. And worst, mukhang Incoming call alert tone pa yata ang tumutunog na iyon at tuluyang sumira sa magandang tulog ko.

'Kakabuwisit naman! Sino kayang walang hiya ang nang-iistorbo sa akin nang oras na iyon?

And—

Tuluyan na akong napamulat ng mga mata. Teka nga lang. Ano’ng oras pa lang ba?

Tiningnan ko ang alarm clock sa bedside table ko. Napaungol ako sa inis at hindi pagkapaniwala. What the heck? Alas-sais pa lang ng umaga, ah.

I glared at my ringing cell phone, despite knowing it wouldn’t actually help me stop it from further disrupting my sleep. Pambihira lang talaga!

Napabuntong-hininga na lang ako nang pagkalalim-lalim para lang kalmahin ang sarili ko. Wala akong mapapalang maganda kapag ginatungan pa ng inis ko ang bad mood na sumalubong sa paggising ko. Saka ko na lang pakikiharapan iyon – if that was even possible.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko na naroon sa bedside table. I frowned before groaning loudly at the sight of the name registered on the screen. With an annoyed look on my face, I finally decided to answer the call.

“Pambihira ka naman, Brent. Ang aga-aga mong mang-istorbo, ha? Ano na naman ba’ng topak mo at early bird ka ngayon?” Oo na, dire-diretso na naman ako sa pagtatalak at pagtatanong. But hey, it was the guy’s fault. Mang-istorbo ba naman kasi.

“High blood ka na naman. Ang aga-aga.” At ang bruhong 'to, nakuha pa talagang matawa.

“At sino ba naman ang hindi maha-highblood sa pang-iistorbong ginawa mo sa akin, aber?” Kapag nakita ko talaga ang lalaking 'to, hindi ako mangingiming bigyan ito ng uppercut.

Pinagbigyan ko lang ang kagustuhan nitong maging close kami, lubus-lubos naman ang pang-iistorbo nito sa akin. Seryoso lang, abusado na ang lalaking 'to.

'Pero aminin! Mas kalmado ka na ikaw lang ang pinagbubuhusan niya ng atensiyon pagkatapos ng mga kaganapan sa inyong dalawa sa music room.' Wow, grabe! Did my mind really had to state the obvious?

Obvious… and without a doubt, the truth. Pero hindi naman nangangahulugan iyon na malaya na itong mang-istorbo ng beauty sleep ko.

“Huwag ka nang mainis, okay? Ang ganda ng umaga at gusto kong makita mo 'yon. Anyway, step outside. Pero doon ka lang sa veranda, okay?”

“Ha?” Ano na namang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng ugok na 'to?

Kahit close na kami nito, hindi pa rin spared ang lalaking 'to sa naming convention na ibinibigay ko rito.

“Basta! Gawin mo na lang, okay?”

Ang lokong 'to, insisting lang talaga kung makapag-utos. Nagbibilang na talaga ako ng mga kasalanan ni Brent sa akin sa umaga pa lang na iyon. Saka ko na lang pag-iisipan ang magiging parusa nito. I stepped out of my bed and opened the glass door of my room leading to the veranda. Sa pagtataka ko, halimuyak ng mga bulaklak ang sumalubong sa pang-amoy ko.

Teka lang. Saan nanggaling 'yon?

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong kapitbahay na nagmamay-ari ng flower garden, lalo na ng flower farm. Kaya laking pagtataka ko kung saan nagmula ang mga iyon.

Not unless—

Oh, no! He did not just do it again, did he?

Para makatiyak kung tama ba ang hinala ko, nagmamadali akong nagtungo sa balustrade ng veranda ko. Only to be surprised to see something below.

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon