Sun's Shine

1 1 0
                                    

You are the reason why I keep on smiling despite the hard days that always follow… ~ Florence Joyce

xxxxxx

[Relaina]

HINDI ko akalain na talagang mag-e-enjoy ako nang araw na iyon sa pamamalagi sa treehouse ni Brent. Weird as it might seem, but I really felt as if everything was so unreal. Na para bang ang lahat ng pinagsaluhan naming mga ngiti, tawa, kuwentuhan at biruan nang araw na iyon ay para bang isang panaginip sa akin.

Panaginip kung saan nakikita ko ang mga pangyayaring iyon sa hinaharap.

Oo na. Ang advance ng takbo ng utak ko dahil doon. And besides, I really thought of it as part of my future? And to think it was a dream-like future with Brent in it…

Then again, that was a weird idea at the moment. And I meant truly out of this world. Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari sa utak ko. May dapat yata akong sisihin tungkol dito, ah.

Hay… Nababaliw na nga yata ako.

“You liked watching the sunset?”

Napalingon ako sa likuran ko kung saan nagmula ang tinig na iyon. Upon seeing Brent, I smiled before facing the setting sun once more. Naroon lang ako sa isang wooden chair sa porch ng treehouse.

“Gusto ko lang panoorin ang sunset sa ngayon. Baka sakaling ma-inspire,” sabi ko at saka ko ito hinarap. “Thank you… for bringing me to this place.”

Umupo si Brent sa bakanteng wooden chair. “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako nga ang dapat nagsasabi niyan sa iyon. You truly made my day today.” At saka ako nginitian nito.

Though I smiled back, iniisip ko kung paano ko pa nagawa iyon gayong hirap na naman akong pakalmahin ang bumibilis na namang pagkabog ng dibdib ko. Grabe naman! Ngumiti lang 'yong tao, ang tindi na kung magwala ng puso ko. Sumosobra na talaga 'to, ah.

Muli ko na lang ibinaling ang tingin ko sa sunset. That way, baka sakaling makatulong iyon sa pagkalma sa puso kong nagwawala pa rin. Pero hindi ko pa man nagagawang tapusin ang kalbaryo ko, hayun at may humawak sa kamay kong nakapatong sa small table na naroon din.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at saka ako naglakas-loob na harapin ang gumawa niyon sa akin.

Doing so only made me see Brent's gentle smile as he looked at me intently.

“M-may problema ba?” Kailangan pa talagang mautal ako? Good luck na lang talaga sa akin kung mahalata iyon ni Brent.

Umiling ito. “Wala naman. Mas gusto ko lang tingnan ang mukha mo kaysa sa sunset.

Ano? Ang weird lang talaga nito, kahit na kailan.

'Asus! Ano’ng weird ang sinasabi mo riyan? Ang sabihin mo, kinikilig ka lang sa mga sinasabi ng lalaking tinatawag mong kamote at kailangan mo pang bantayan.'

Like… eeww! Ako? Kikiligin? Para namang uso pa iyon sa akin. Nawalan na yata ako ng kakayahang maramdaman iyon matapos makipag-break sa akin ni Oliver.

Even though that was a thing of the past already, hindi naman nangangahulugan na agad mapapawi ang sakit ng kaloobang iniwan ng pangyayaring iyon sa akin nang mga panahong iyon.

Pero ano ang itatawag ko sa para bang namimilipit na tuwang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon?

“The sun always shines when I’m with you…” sabi ni Brent na pumutol sa gulo ng utak ko at may inabot ito sa akin. It was a daffodil. “Iyan ang rason kung bakit mas gusto kong tingnan ka na lang kaysa sa sunset. I don’t want to see the end of the sun’s shine even for one second.”

Okay…

Bakit bigla yatang inatake ng kung ano na namang ka-weird-uhan ang lalaking 'to? At bakit hindi pa rin ako pinapatahimik ng puso ko?

Waah! Tama naman na, o!

Kung sana, ganoon lang kadaling utusan iyon…

Ano ba namang klaseng kalbaryo 'to?

But there was no denying that Brent started our summer vacation with something that I knew was worth remembering for always. At least, sigurado na ako sa bagay na iyon. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito pagkatapos.

Sa totoo lang, ayoko munang isipin iyon. Heto ako ngayon, eh. Kaya 'di ba dapat, ito muna ang iniisip ko? At hindi muna ang kahit na anong may kinalaman sa hinaharap? Kahit sabihin pang inuunahan na ako ng utak ko sa pag-iisip ng tungkol sa magiging future ko raw dahil sa Brent na 'to, ayokong umasa.

Ayokong bigyan ng kung ano mang amount ng pag-asa ang sarili ko. Lalo na ang puso ko. Nega na kung nega. Pero masyado na akong takot na bigyan pa ng false hope ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ayoko nang umasa. Pero alam kong higit pa iyon sa pananakit ng kaloobang ginawa sa akin ni Oliver.

There was something more that I was scared of. Hindi ko man ma-pinpoint sa ngayon kung ano nga ba iyon, ayoko na munang pakaisipin pa.

I just smiled sadly and faced the sunset once again. "Huwag kang humiling ng isang bagay na walang kasiguraduhan, Brent. There might come a day that I would end up losing the sun's shine, one way or another. At baka kahit ikaw, wala nang magawa para muling bumalik ang liwanag n'on."

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon